Miles Ocampo at Elijah Canlas, magkahiwalay dumating sa ‘Five Breakups And A Romance’ premiere; break na?

Nakakatuwa ang suporta ng big stars sa premiere night ng pelikulang Five Breakups And A Romance nina Julia Montes at Alden Richards na ginanap sa Cinema 3 ng SM Megamall, nitong Martes, October 17, 2023.

Ilan sa mga napansin naming maagang dumating ay sina Lorna Tolentino, Gina Alajar, at Jaclyn Jose. Magkakatabi sila ng upuan sa loob ng sinehan na nagtiyagang naghintay sa pagsisimula ng pelikula.

Dumating din ang executives ng GMA-7 na sina Atty. Annette Gozon-Valdes, Joy Marcelo, at Tracy Garcia ng Sparkle GMA Artist Center.

Ilan sa Kapuso stars na dumalo ay ang magkasintahang Ruru Madrid at Bianca Umali, Sanya Lopez, Dion Ignacio, Kelvin Miranda kasama si Jane de Leon.

Solid ang suporta ng talents ng Cornerstone Entertainment, Inc. na sina Iñigo Pascual, Alex Diaz, Moi Bien Marcampo, Queenay Mercado, Elijah Canlas, Kyle Echarri, Empoy Marquez, at iba pang hindi ko na maalala.

Magkasamang dumating sina Kyle at Elijah na parehong nasa Senior High.

Sinubukan kong hingan ng pahayag si Elijah tungkol sa isyu ni Baron Geisler sa kanilang teleserye.

Nakakasama pa rin ba nila si Baron sa taping?

“Opo. Kasama po,” mabilis niyang sagot.”

Wala naman daw silang problema sa magaling na aktor.

“Okay! Masayang-masaya po. Okay kami! We’re good. Tatay ko yun, e. ‘Paps’ tawag ko diyan,” bulalas ni Elijah.

Nung araw ring yun ay may post si Baron sa kanyang X na nasa set siya ng Senior High at kaeksena pa roon si Elijah.

“Eto oh. Saya sa set. We take our jobs seriously,” ang nasa caption nito.

Samantala, hindi ako sinagot ni Elijah nang kinumusta ko ang relasyon nila ni Miles Ocampo.

May nagkuwento kasi sa amin at nabanggit din ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na hindi raw magkasamang dumating sa ABS-CBN Ball ang magkasintahan. Hindi rin daw nila nakitang magkausap sila sa party.

Kaya diretsahan kong tinanong kung sila pa rin ba ni Miles, dahil nariring naming break na sila.

Napangiti lang si Elijah, at “Okay naman po,” matipid niyang sagot sa akin.

Maya-maya, dumating si Kathryn Bernardo, kasama si Miles Ocampo.

Mở ảnh

Sinubukan ko ring itanong kay Miles ang intrigang ito. Aware naman daw siyang nasa premiere night na si Elijah.

“Galing po kaming trabaho. Magkasama po sila ni Kyle,” nakangiti niyang tsika sa amin.

Pero tinanong ko pa rin kung okay ba sila ni Elijah.

“Yes po,” kaagad niyang sagot.

Pero kinulit ko pa rin, bakit may balitang break na raw sila. Sila pa rin ba?

“Sino ang nagsabi? Itanong niyo po siya,” makahulugang sagot sa akin ni Miles, na magiliw pa ring sumasagot sa aming mga tanong.

Congratulations kina Alden at Julia sa pelikulang ito na sana, suportahan din ng sambayanan. Tiyak na makaka-relate dito ang mga magdyodyowa na may iba’t ibang dahilan ng breakup sa kanilang relasyon.

Parehong magaling sina Julia at Alden sa pelikulang ito, at iba talaga si Direk Irene Villamor na hindi pa sumasabit sa mga nagawa niyang pelikula, lalo na’t siya rin ang nagsulat ng script.

Showing na ang Five Breakups And A Romance ngayong Miyerkules, October 18, sa mahigit 220 na sinehan.

As always, papanoorin ko ito at magbabayad ako ngayong opening day. Sana, maraming tao ang manood!!!

Nagpapasalamat si Julia Montes sa kaibigan niyang si Kathryn Bernardo na dumating sa premiere night.

Sinuportahan din ni Julia ang premiere night ng A Very Good Girl ni Kathryn.

“Naglakad ako dito for Kathryn, and ngayon naglalakad ako for the film. Iba pala yung feelings. Ang sarap, ang sarap ng pakiramdam, and na-miss ko rin,” bulalas ni Julia.

“Wala akong masabi. Ako, I’m very blessed to have Kathryn, and yung genuine friendship namin built since Mara Clara pa. Hindi lang showbiz kundi talagang super ano na…”

Mở ảnh

Mixed emotions daw si Alden nang kinumusta namin ang nararamdaman niya nung gabing yun. Mas lamang ba ang kaba kesa sa excitement na malapit nang i-showing ang kanilang pelikula?

“Halu-halo po. Pero importantly po very excited and finally mapapanood na po sa mga sinehan ang Five Breakups And A Romance,” sagot ni Alden.

“This time siguro super excited. This film made me realize a lot of things,” sabi naman ni Julia.

Mekus-mekus as in Halo-Halo X (pahiram, Vivamax) ang reaksiyon ng mga nakapanood sa movie nina Alden at Julia.

Merong mga napaluha at ramdam ang mga hugot sa pelikula. Meron ding mga humikab at inantok.

Ang galing-galing daw ng akting nina Alden at Julia, pero may ilang anggulo ng mukhang tita ni Alden si Julia.

Balitaktakan ang ibang fans kung sino ang mas magaling — si Julia ba sa Five Breakups and A Romance, o si Kathryn sa A Very Good Girl.

Susuportahan kaya ng solid fans ni Maine Mendoza itong bagong movie ni Alden? Hindi na kailangang i-memorize iyan.