Miss Camiguin on “Marites moment” at Miss Universe PH 2024

Certified scene-stealer sa Miss Universe Philippines 2024 grand coronation ang kinatawan mula sa Camiguin na si Rethiana Rosy kahit hindi siya nakapasok sa Top 20.

Naging viral, pinag-usapan, at gumawa ng maraming memes tungkol kay Miss Camiguin dahil sa kanyang pagiging “Marites.”

Hindi siya kinainisan, bagkus ay kinagiliwan dahil sinalamin daw ng kandidata ang katangiang pagiging “Marites” ng maraming Pilipino.

Dahil dito, humingi ng paumanhin si Rethiana at nagpaliwanag na hindi niya alam na hagip pala sila sa camera.

Miss Camiguin Rethiana Rosy

MISS CAMIGUIN, “MATANGLAWIN”

Nangyari ang viral moment ni Miss Camiguin sa announcement of winners ng national pageant na ginanap noong gabi ng May 22, 2024 sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.

Ang natitira na lamang sa entablado ay sina Stacey Gabriel ng Cainta at Chelsea Manalo ng Bulacan.

Nasa stage ang hosts na sina R’Bonney Gabriel, Jeanie Mai Jenkins, at Alden Richards. Si Alden ang siyang may hawak ng resulta.

Nasa likod naman ng mga host ang ibang mga kandidata, kabilang na si Rethiana.

Makikitang tila hindi na makapaghintay si Rethiana na ma-announce kung sino ang winner at sinipat ang envelope na hawak ni Alden. Ito ay sa kabila na siya ang pinakamalayo sa actor-TV host.

Ang iba’t ibang reaksiyon ni Miss Camiguin—mula sa pag-e-effort na masilip ang resulta hanggang sa pagtawa at hampasan ng mga kapwa niya kandidata—ay hindi nakaligtas sa mga mata ng mapagmasid na viewers.

Naaliw rin ang netizens sa pagtakip sa bibig ni Zoleil Mellane Oliveros Taño ng Occidental Mindoro kay Rethiana sa takot na baka ma-lip read ang sinasabi nito.

Nagkalat ang video clip at tinawag si Miss Camiguin ng “Marites” at “matanglawin”.

Miss Universe Philippines 2024 announcement of winners

MISS CAMIGUIIN: “SORRY NA PO KAAGAD…”

“Sorry na po kaagad… I did not expect na kita pa kami sa camera since nasa pinakadulo na kami,” sabi ni Miss Camiguin sa kanyang IG Story.

Ganito rin ang post niya sa kanyang Facebook account, kalakip ang ni-repost na FB post ng kontrobersiyal na video at may caption na “POV: Marites is life”

Pabirong caption dito ni Rethiana: “Sorry na po kaagad… di po namin inexpect kita pa rin kami sa camera hahahahaha”

Rethiana Rosy IG
Miss Camiguin

NETIZENS POKES FUN AT MISS CAMIGUIN

Naging tampulan ng biro si Miss Camiguin dahil sa video.

Natatawa sila dahil “solid ang chikahan” ni Miss Camiguin at ibang mga kandidata, dahilan para mag-trending ito.

“Super very us! So us!” komento ng isa.

“Thank you for representing CAMIGUIN’S MARITESES,” sabi naman ng isa.

Hirit ng isa pa, “Miss Camiguin is the true representation of Philippines – the Marites Country of South East Asia hahahaha.”

Comments on Miss Camiguin 1
Comments on Miss Camiguin 2
comments on Miss Camiguin 3