Missing Miss Grand PH 2023 candidate still ali.ve — pol.ice

“We’ll bring home Catherine safe.”

Ito ang mga salitang binitawan ng high-ranking police officer mula sa Calabarzon region kaugnay ng paghahanap sa beauty queen na si Catherine Camilon.

Dagdag pa ni Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, Calabarzon police chief, buhay pa si Catherine.

Ipinagbigay-alam ng pamilya ni Catherine na nawawala siya noong October 12, 2023.

Idineklara siyang “missing person” ng Batangas Police Provincial Office nitong October 19, 2023.

Si Catherine, 26, ay kandidata sa Miss Grand Philippines 2023, ka-batch si Herlene Budol.

Public school teacher din siya sa Tuy, Batangas.

CATHERINE IS STILL ALIVE, SAYS BATANGAS POLICE OFFICIAL

Sabi ni PBGen. Lucas, patuloy ang mga inatasang tauhan sa pag-iimbestiga sa kaso ni Catherine.

“Ongoing pa yung investigation natin kung ano ba talaga yung nangyari dito kay Ms. Catherine, ‘no,” sabi ni Lucas sa panayam nina Ali Sotto at Patty Yap-Daza sa programang Ano Sa Palagay N’yo? kahapon, October 20, 2023.

Isa sa mga lead ng mga awtoridad ay ang CCTV footage kung saan nakunan ang beauty queen.

Sabi ni Lucas, “Kagabi meron na silang lead kung saan yung huling napuntahan at nakita itong si Catherine aside don sa mall diyan sa Batangas.”

Hindi na nagbahagi ng iba pang impormasyon ang police official dahil ongoing pa rin ang imbestigasyon.

Pero paniniyak niya, “We are committing na si Catherine… we’ll bring home Catherine safe.”

Matitiyak daw niyang buhay pa si Catherine.

Ani Lucas, “Unang-una, meron nang initial report, ‘no, which I cannot divulge, kung ano po yung natanggap namin na report sa investigation.

“We are very confident na itong si Miss Catherine, e, buhay pa.”

Iginiit ni Lucas na malaking tulong ang mga CCTV footage para magkaroon sila ng lead sa paghahanap sa beauty queen.

“Itong CCTV napakalaking bagay… tulong sa imbestigasyon na ginagawa natin.”

Patuloy raw ang backtracking nila sa mga CCTV footage para roon sa mga lugar sa Batangas na maaaring puntahan ni Catherine.