Mukhang inabangan ng madlang pipol ang paglalaro ng It’s Showtime hosts sa Family Feud nung Lunes, April 8, 2024.
Inagahan ang pagpasok ng Kapuso game show dahil medyo mahaba ang naturang episode.
Yung inere nung araw na yun sa GMA-7 ay may kabuuang 35 minutes. Pero may extended at uncut version ito na ipinalabas sa YouTube na halos 45 minutes ang haba dahil hindi raw nila matanggal ang ilan pang mga nakakatawang tagpo sa naturang game show.
Ang saya kasi lalo na ang okrayan nila sa isa’t isa.
Nagulat ang mga taga-Family Feud sa lakas nito sa live streaming. Usually raw ay 100,000+ lang ang online viewers nila, pero itong paglalaro ng It’s Showtime hosts, nung tsinek daw nila ng alas-nuwebe ng gabi, umabot na ng isang milyong views.
Yung extended version nila sa YouTube na viewable worldwide, may 2.3M views na as of Tuesday ng hapon.
Nung araw ring yun ay nag-trending pa sa X ang hashtag na #FeudItsShowtime at #ViceGandaOnFamilyFeud.
Inaasahan nang mataas ang rating nito.
Hindi lang nakuha ngayon ngayon ang datos dahil sa holiday.
Curious na rin ang lahat na malaman ang rating ng It’s Showtime at Eat Bulaga! nung Lunes at Martes.
Na-maintain ba ng It’s Showtime ang mataas nitong rating?
BAKIT ABSENT SI ANNE CURTIS?
Napansin agad ng ilang televiewers na pagkatapos ng bonggang episode nila nung Sabado na sanib-puwersa sa GMA 7, pagdating ng Lunes ay nag-absent na agad si Anne Curtis.
Nung Linggo pa lang ay nasa Coron, Palawan na pala siya para daluhan ang wedding nina Lauren Uy at Miggy Cruz.
Humabol naman daw si Vice sa kasal nung Lunes dahil tinapos muna niya ang segment na “EXpecially For You,” bago siya lumipad pa-Coron.
Pero nakabalik agad si Vice dahil nasa It’s Showtime na siya ngayong Martes.
Tingnan natin kung tuluy-tuloy na mataas itong It’s Showtime o babawi ang Eat Bulaga! ng TVJ.
EAT BULAGA! PRODUCTION COST
Teka! Totoo kaya na nag-uusap na raw ngayon ang mga producers ng Eat Bulaga!, ang Media Quest, at TVJ Productions dahil sa lumalaki na raw ang production cost ng naturang noontime show?
Totoo kayang ang 75 percent daw na kinikita nito ay napunta raw sa production? Doon na raw sila naghahati-hati sa remaining 25 percent?
May nagrereklamo na raw sa producers dahil hindi sila sanay na naglalabas ng pera? Hindi kagaya noon na tumatanggap lang sila ng suweldo? Ano kaya ang totoo rito?
Ano man ang mangyari, challenge ito sa produksyon ng Eat Bulaga! para lalo pang pagandahin at i-level up ang kanilang ginagawa.
At hindi lang ito responsibilidad ng TVJ Productions kundi dapat isang synergized effort ng network talaga bilang co-prod ito!!!
These are exciting days again sa noontime TV viewing. Sana, makahatak pa talaga ng mas maraming tao para manood ng TV shows para rin lumaki pa ang advertising pie.
Hayyy, major-major effort talaga!!!