(Left) A Journey, starring Patrick Garcia, Kaye Abad, and Paolo Contis, climbs to the No. 1 spot of Top 10 Movies on Netflix; (right) former No. 1 Rewind, starring real-life couple Marian Rivera and Dingdong Dantes, leaves the Top 10 after almost one month.
JERRY OLEA
Naligwak na ang Rewind sa Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix, pero may tatlo pang pelikulang Pinoy sa naturang talaan.
Marso 25, 2024 nag-umpisang nag-streaming sa Netflix ang MMFF 2023 entry nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Nanguna agad ang Rewind sa Netflix PH.
Ayon sa streaming analytics site na FlixPatrol ay nag-No. 1 din agad iyon sa limang bansa sa Middle East — Bahrain, Kuwait, Oman, Qatar, at UAE.
Seven consecutive days na No. 1 ang Rewind sa Netflix PH, mula Marso 27 hanggang Abril 2.
Abril 4 nag-umpisa ang Netflix PH streaming ng MMFF 2023 entry nina Eugene Domingo at Pokwang na Becky & Badette.
Nag-number one agad ito, pero isang araw lang iyon at pumuwesto na sa No. 2 the next day. Pero nakabalik ito sa top spot.
Abril 9, Araw ng Kagitingan, nagsimula ang Netflix streaming ng MMFF 2023 entry nina Mr. Dante Rivero, Cedrick Juan, at Enchong Dee na GomBurZa.
Agad iyong nag-No. 1, at ang No. 2 ay Becky & Badette.
Bininyagang “GomBadette” ang combined powers ng dalawang Pinoy movies sa Top 2 spots. Three consecutive days ang pag-ariba ng GomBadette.
Abril 12 nag-start ang Netflix streaming ng A Journey starring Paolo Contis, Kaye Abad, and Patrick Garcia.
Nag-debut ito sa second place sa Netflix PH, behind GomBurZa.
Kapagkuwan ay nag-top ang A Journey sa Netflix PH, at three consecutive days na iyon sa nasabing puwesto.
Bukas, Abril 18, Huwebes, ay streaming na sa Netflix ang MMFF 2023 entry nina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez na Kampon.
Abril 24 ang streaming ng My Zombabe nina Empoy Marquez at Kim Molina.
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — A Journey, Wrong Turn, What Jennifer Did, GomBurZa, Stolen, Death Whisperer, Becky & Badette, Don’t Breathe 2, Sisu, at The Bad Guys.
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — Queen of Tears, Parasyte The Grey, That Time I Got Reincarnated As A Slime, Can’t Buy Me Love, My Hero Academia, The Hijacking of Flight 601, My Love Story with Yamada-kun at Lv999, Avatar The Last Airbender, I Was Reincarnated as the 7th Prince so I Can Take My Time Protecting My Magical Ability, at 3 Body Problem.
NOEL FERRER
There is something about A Journey that sticks — ang reflection tungkol sa buhay at pagkakaibigan.
And the fact that it is a fresh material na never been exhibited sa theaters, na Netflix Original with a worldwide release — plus totoo naman na ang nagpalutang dito aside from the story ay ang napakahusay na performances nina Patrick Garcia, Paolo Contis, at Kaye Abad — malamang hindi ito basta maliligwak sa talaan ng Top 10.
At bilib ako kung gaano ka-extensive ang na-shoot na promo ng mga bida rito, aabot hanggang Pasko. Ibang klase, di ba?
GORGY RULA
Ngayong araw rin ay nag-post sa kanyang Facebook account ang producer ng A Journey na si Erwin Blanco ng Mavx Productions.
Aniya, “From the heart of Southeast Asia to the screens of Latin America, it’s a proud Pinoy moment as #Ajourney conquers NEW territories!
“Still #1 on Netflix in the Philippines and now making groundbreaking waves in Latin America, Asia, and the Middle East. Mala-Miss Universe na ang listahan.
“Maraming salamat po sa suporta, mahal naming mga kababayan all over the world… the universe rather!”
Ipinost niya ang artcard na No. 1 trending pa rin sa Pilipinas ang naturang pelikula, at No. 3 na raw sa Qatar, No. 4 sa UAE, No. 7 sa Venezuela, No. 8 sa Bahrain, Kuwait, Honduras at Costa Rica.
No. 9 naman sa Panama at Malta, at No. 10 sa Guatemala, Peru at Hong Kong.
Ilan sa mga kaibigan namin sa Amerika ay napanood na rin ang A Journey at mas nagustuhan pa raw nila ito kesa sa Rewind.
Congratulations sa lahat na bumubuo ng A Journey na noon pa man ay sinasabi na namin kay Erwin na i-submit na nila ito sa MMFF last year, pero hindi raw kakayanin.
Pero kampante silang kukunin ito ng Netflix, at tama naman dahil na-impress nga raw sila kaagad sa ganda ng pelikula.
Tila buhay na ang ilang movie producers sa Netflix at iba pang streaming services. Kaya happy na sila kahit hindi man umabot sa mga sinehan ang kanilang movies.