Netizens defend Janella Salvador’s “paos ako, kayo na lang” remark in It’s Showtime

Ipinagtanggol ng ilang netizens ang Kapamilya actress-singer na si Janella Salvador laban sa mga bumabatikos dito, matapos niyang bumisita sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Noong Martes, April 2, 2024, bumisita si Janella at ang Thai actor na si Win Metawin sa Kapamilya noontime show para i-promote ang kanilang upcoming film na Under Parallel Skies.

Binanggit din ni Janella ang kanyang upcoming concert at single niyang “Headtone.”

Matapos mag-promote, humingi sa kanya ng “sample” o patikim ang It’s Showtime co-host na si Kim Chiu.

Pero hindi siya napagbigyan ni Janella.

“Sample naman Janella sa bago mong…” hirit ni Kim.

Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Kim ay agad naman nang sumagot si Janella.

Aniya, “Medyo paos ako today, kayo na lang. Next time, promise.”

Ang sagot niyang ito ay hindi rin nakaligtas sa panunukso ni Vice Ganda.

Ginawa itong biro ng TV host-comedian sa segment ng show na “EXpecially For You,” nang ayaw magbigay ng sample ang isa sa kanilang searchee.

Banat ni Vice, “Medyo paos siya ngayon, kayo na lang.”

Kita naman sa mukha ng kanyang mga co-host ang pakagulat, maging si Kim ay napatawa na lang.

NETIZENS REACT

Mabilis itong pinag-usapan online, kunsaan marami sa netizens ang bumatikos sa anila’y pamamahiya ni Janella kay Kim.

Tweet ng isang netizen (published as is), “HAHAHA medyo rude pagkakasabi niya jan ha! Di nag iisip eh nasa National Television sya! Pwede namang sabihing ‘pasensya po, paos kasi ako ngayon eh!’

“Nag promote kapa Janella girl tas makapagsabi kapa ng ‘kayo nalang’. Like What?! Kaya kanga pinag sample diba?!”

May ilan din namang fans si Janella ang ipinagtanggol siya sa mga bumabatikos sa kanya.

Depensa ng isang fan, “The ‘kayo na lang PO’ was even respectful in a way. Edi ba ganyan pinoy humor with the memes and side comments?

“Biglang naging disrespectful and maldita nung ginawa ni janella. This is a humor culture that vice/showtime created. Funny how their fans are being offended only now.”

Sabi pa ng isa, “she wasn’t well and paos talaga sya. her ‘kayo na lang’ comment is something filipinos say as a joke. vice herself jokes about saying ‘oh edi ikaw na lang’ almost literally every week for YEARS now.

“when janella said the same thing, y’all got mad? where was this energy kay vice? this is what it means when the jokesters get a taste of their own medicine.

“i’m not slandering vice nor the other hosts. this is a message to their OA FANS. if you can laugh at their NOT-SO-FUNNY jokes, then you can laugh at someone else’s jokes and not be a bitch about it.

“Let’s not put malice in both Janella and Kim. I’m a long time fan of the two of them, both always try their best to mean well,” dagdag pa ng isa.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang reaksiyon sina Janella, Kim, at Vice tungkol sa insidente.