Netizens react to Billy Crawford’s look in recent photo

Ipinagtanggol ni Coleen Garcia ang asawang si Billy Crawford matapos kumalat kamakailan ang isang larawan ng singer-host.

Sa short video clip na ibinahagi sa TikTok this week, makikitang nag-aagahan ang anak nina Billy at Coleen Garcia na si Amari at mga kasama nila sa bahay.

Pero ang nakaagaw ng pansin sa netizens ay nang mahagip sa camera si Billy na akmang iinom mula sa kanyang tumbler.

Dahil marahil sa anggulo ng camera at posisyon ni Billy, hindi naging maganda ang hitsura ng singer-TV host.

Ang screenshot ng imaheng ito ni Billy ang kumakalat ngayon sa social media.

Billy Crawford viral pictureA screenshot of Billy Crawford in the video that has gone viral.

Batay sa maraming comments, karamihan sa netizens ay nagulat at nag-alala kay Billy.

Dumagdag pa ang mga netizen na nagpahayag ng kani-kanilang hinala base sa hitsura ni Billy.

May mga nag-speculate na may sakit si Billy, nagda-diet, marital problem, depresyon, at iba pang insensitibong haka-haka.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

COLEEN DEFENDS BILLY FROM NETIZENS

Malinaw namang nakarating ito kay Coleen Garcia na nag-react sa mga puna na ipinupukol sa asawang si Billy base sa kumalat na larawan.

Idinaan ni Coleen ang kanyang reaksiyon via Instagram Story.

Una muna niyang ipinost ang larawan niyang nakapostura, at sinundan niya ito ng larawang hindi siya nakaayos.

“what you think I look like at home,” caption niya sa kanyang glam shot.

Tadtad naman ng statements ang larawan niyang hindi naka-makeup.

Bungad ni Coleen dito (published as is), “but actually.. sometimes i look like this”

Hindi man si Billy ang binanggit niya sa kanyang pahayag, malinaw na nais tumbukin ni Coleen na kahit artista sila, tulad sila ng mga normal na tao na kapag nasa likod ng camera ay hindi nakapostura.

Hirit ni Coleen sa hitsura niyang hindi nakaayos (published as is): “i look sick. i look pale. i look depressed. my hair’s frizzy mess, esp in this insane heat.

“no it’s not cause of bisyo. It’s not cause of unbearable stress or marital problems or depression. it’s because i’m human, we all are. i break out, i get tired, i am getting older every day.”

Patutsada pa ni Coleen, tinatawag na “fake” ang mga artista kapag ayos na ayos sila dahil hindi raw sila ganoon sa totoong buhay. Pero kapag hindi naman sila nakaayos, pinupuna rin ang kanilang hitsura.

Pahayag niya (published as is), “showbiz is a switch we turn on until we get to shed the makeup, the hair extensions & the pretensions and just BE. we complain abt how everything on social media is so fake & filtered, and then in the same breath, we bash what’s real when we feel like it’s not pretty enough for us.”

Pagtatapos ng aktres (published as is), “anyone can bash, judge & speculate. or we can lessen that & make it SAFER for people to be unapologetically authentic.

“cause no one should ever have to feel like they need to put on a mask just to be accepted.”

Isinunod na ipinost ni Coleen ang larawan ng kanyang mag-ama na payapang natutulog.

Caption niya: “basta kami… masaya kami.”

Burado na ang mga post ni Coleen, pero makikita pa rin ang mga ito sa TikTok account na nagbibigay ng update sa kanilang pamilya.

COLEEN ON BILLY: “MEDYO NGARAG LANG.”

Nagbigay rin ng pahayag si Coleen sa ABS-CBN News kaugnay ng isyu.

Paliwanag ng aktres, “Actually, I don’t know if you’ve ever seen him before without makeup.

“But long before we even started dating, he’s always had dark undereye circles and major hair loss na.

“Medyo ngarag lang cause we’ve both been working more than usual while balancing a lot of things. Lalo na si Billy.

“He’s out of town now, overnight lang. He just came from France for a month, then he’s leaving for the US next week.”

May recent post din si Coleen na makikitang masayang naliligo at at naglalaro sa swimming pool sina Billy at anak na si Amari.