Not true says Robi Domingo about all.egedly un.following Daniel Padilla, Andrea Brillantes on IG

Robi Domingo on allegedly unfollowing Daniel, Andrea on Instagram
Robi Domingo (left) remains friends with Daniel Padilla (right) and Andrea Brillantes (center), explaining: “It doesn’t mean na kung hindi ko sila pina-follow, e, hindi ko na sila kaibigan. Parang for me, yung relationship ko with them transcends yung pagpa-follow-follow.”

Muling nagsalita ang TV host na si Robi Domingo para linawin ang umano’y pag-unfollow niya sa Instagram sa kapwa niya Kapamilya stars na sina Daniel Padilla at Andrea Brillantes.

November 21, 2023, kumalat sa social media na ang ibang malalapit na kaibigan ni Kathryn Bernardo ay in-unfollow sina Daniel at Andrea, kasunod ng napapabalitang hiwalayan ng KathNiel.

Dawit sa umano’y hiwalayan nina Daniel at Kathryn si Andrea, na siya ngayong iniuugnay sa aktor.

Kabilang pa sa mga pinagsususpetsahang nag-unfollow na sa dalawa ay sina Chie Filomeno, Miles Ocampo, Loisa Andalio, at Direk Cathy Garcia-Sampana.

Bagamat nauna nang iginiit nina Robi at Direk Cathy na hindi nila pina-follow ang dalawa kaya walang lumalabas na Daniel at Andrea sa kanilang following list.

Nitong Martes, November 28, muling nagsalita si Robi sa vlog sa YouTube ni Ogie Diaz hinggil sa isyu.

Tanong ni Ogie sa Kapamilya TV host, “Robi, sinagot mo na ito pero maikli lang yung sagot mo na parang hindi totoo yung news na in-unfollow mo si Andrea [at Daniel], pina-follow mo ba [sila] in the first place?”

Mabilis na sagot ni Robi, “Hindi po. Yun din yung iniisip ko, na hindi ko rin alam noong una pa lang kung ano yung handle niya.

“Kasi kung hahanapin mo na Andrea Brillantes, hindi lumalabas, [ang lumalabas ay] Blythe.

“Katulad din yung kay Daniel, parang Daniel Padilla pero ang lumalabas, e, Supremo.”

Hindi man daw pina-follow ni Robi sina Daniel at Andrea ay hindi ibig sabihin na galit siya at hindi na niya ito mga kaibigan.

Saad niya, “It doesn’t mean na kung hindi ko sila pina-follow, e, hindi ko na sila kaibigan.

“Parang for me, yung relationship ko with them transcends yung pagpa-follow-follow.

“But we’re good.”

Sa katunayan, noong matapos daw paghinalaan ng netizens si Robi na in-unfollow niya si Daniel ay nagkita sila ng Kapamilya actor.

Wala raw silang ginawa kundi magbiruan at pagtawanan ang isyu, tanda ng pagiging ayos ng kanilang relasyon bilang malapit na magkaibigan.

Kuwento ni Robi, “Actually noong isang araw, nakausap ko pa si Daniel, at nagtawanan kami, yun yung meron siyang movie conference or story conference.

Nagbiruan lang kami, sabi niya sa akin, ‘In-unfollow mo ba ako? Galit ka sa akin?’

“Tapos ayun, nagtawanan lang kami. Dahil for us, hindi issue talaga yon.”

Sapat na raw kay Robi na pina-follow niya ang nobya ni Daniel na si Kathryn, na contact niya sa kung anong nangyayari sa kanilang dalawa.

Aniya, “Pina-follow ko naman si Kathryn, e. Para sa akin, naka-package deal na sila na kapag may life update [makikita ko kay Kathryn].”

ROBI DECIDES TO NOT FOLLOW DANIEL ON IG

Maaaring may magtanong daw kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin pina-follow ni Robi sina Daniel at Andrea, gayong alam na nito ang kani-kanilang IG handler.

Depensa ni Robi, desisyon niyang hindi tuluyang i-follow ang dalawa para sa ikatatahimik at peace of mind niya.

Saad niya, “For my sanity siguro na ang daming nangyayari, lalo na ngayon na hindi ko siya ma-handle, yung social media.

“Kasi ang social media for me ay pag-update sa akin ng iba pang pangyayari pero, especially in the past few years, ang dami ng stresses sa buhay.

“Mula sa lockdown, election, itong mga preparation, tapos ito pang nangyari sa aming dalawa ng mapapangasawa ko.

“Kaya teka lang, lalayo muna ako sa ingay. Para muna sa akin, for my sake.

“Hindi rin naman ako masyadong ma-swipe sa social media, e.”

Hindi man daw siya naka-follow sa dalawa ay siniguro naman ni Robi na wala siyang problema sa mga ito.

Diin niya, “Bakit ako mag-a-unfollow, lalung-lalo na wala naman akong isyu sa kanila.

“Tsaka lalung-lalo na lagi kaming magkikita. Kaya kung ano man ang nangyayari, it’s with them, not with me.

“It doesn’t concern me kasi okay kami. Okay na okay kami.”

Sundot na tanong ni Ogie, “But you’re okay with Andrea also?”

Sagot ni Robi, “I am okay.

“Kasi we got to work together sa It’s Your Lucky Day, tapos sa different interviews, sa ASAP, especially yung GOLD Squad laging dumadaan yan sa studio.”