Ogie D sa pananahimik ni Blythe: “Siguro hindi na rin siya pinagsasalita ng taga-production”

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa Ogie Diaz Youtube channel ay ang pananahimik ni Andrea Brillantes sa kabila ng pagkakadawit ng kanyang pangalan sa hiwalayan ng KathNiel.

Ogie D sa pananahimik ni Blythe: "Siguro hindi na rin siya pinagsasalita ng taga-production"

Hindi maiiwasang maihambing ito sa kanyang reaksyon sa hiwalayan nila ng basketball player na si Ricci Rivero at maging sa bagong karelasyon nito.

Ani Ogie Diaz, maaring hindi pinahintulutan si Andrea ng kanyang management na magsalita kaugnay sa isyu. “At saka siguro, hindi na rin siya pinagsasalita ng taga-production, Ng mga may kinalaman sa kanyang career. Kasi nga whatever she says, ganun pa din. Makakakita’t makakakita pa rin ng mali ‘yung mga tao,” paliwanag ni Ogie.

Sa ngayon, patuloy na napapanood si Andrea sa seryeng Senior High. Maganda naman ang reaksyon ng publiko sa seryeng ito kaya marahil hindi na rin daw nagsalita pa si Andrea tungkol sa mga isyung ipinupukol sa kanya. Gayunpaman, napuri rin ni Ogie Diaz si Blythe sa husay nito sa pag-arte bilang dalawang karakter sa Senior High.

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Ogie ukol kay Andrea:

OY, TOTOO BA? SI ANDREA BRILLANTES, UMA-ATTEND NA NG PRAYER MEETING? 🔴 MARIAN: "MATARAY AKO!" - YouTube

Si Andrea Brillantes ay isang Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni ‘Marga’ sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.”

Kamakailan, nabanggit ni Cristy Fermin na umano’y naaawa siya kay Andrea Brillantes dahil sa kung ano-ano na ang bansag sa kanya ng publiko.

Matatandaang ipinagtanggol pa ni Cristy Fermin si Andrea na siyang naiuugnay ‘di umano sa hiwalayan ng Kathniel. Tila nakiusap siya sa publiko na sana’y huwag nang idamay pa si Blythe sa isyu.