Ogie Diaz iginiit na hindi niya kinumpirmang br.eak na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

ogie diaz kathniel breup rumor
Ogie Diaz on getting bashed by KathNiel fans: “Eto na nga. Ipinamukha sa akin ng ilang fans na, ayun na nga. Nagkita at nagkasayawan pa itong si Daniel at si Kathryn. Wala kayong dapat ipamukha sa akin, dahil sabi ko nga na tayo ay nagdarasal at umaasa na sila pa rin. So, ano yung ipinagsisintir niyo?”

Nagkasama-sama sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Andrea Brillantes sa remake ng teleseryeng Pangako Sa ‘Yo (Mayo 2015-Pebrero 2016).

Gumanap doon sina Daniel at Andrea bilang magkapatid na Angelo at Lia Buenavista.

Kuwento ng isang KathNiel fan, “Before pandemic, November 4, 2019, nagpunta si Andrea sa barber shop ni DJ na Barbero Blues sa SM North EDSA. Wala roon sina Kath at DJ, nasa Stockton, California, USA kung saan nag-concert sila.

“Nagpa-picture si Andrea sa mga barbero. Nang i-post niya yun sa Instagram, si DJ lang ang naka-tag. Hindi si Kath.”

andrea brillantes barbero

Ang “DJ” na tinutukoy ng fan ay si Daniel, na Daniel John Ford ang buong pangalan. Ang Kath ay palayaw naman ni Kathryn.

kathniel post

Na-resurrect ang isyung KathNiel x Andrea dahil sa vlog ni Ogie Diaz noong Nobyembre 8, 2023.

Sa mediacon ng pelikulang In His Mother’s Eyes nitong Nobyembre 16, Huwebes ng gabi, sa Oriental Palace, Morato Avenue, Quezon City, inusisa si Ogie kaugnay sa nasabing isyu.

Naniniwala ba siyang may something na namagitan kina Daniel at Andrea Pinaninindigan niya?

“Sinabi ko nga, paulit-ulit… eto ho ang nakarating sa amin, hindi po ito confirmed,” sey ni Ogie, na gumanap bilang Bogart, isa sa mga kaibigan ni Bibs (karakter ni Roderick Paulate) sa In His Mother’s Eyes.

“Hintayin po natin sila kung ano ang sasabihin nila, kung ano ang totoo dun sa nabalitaan natin.”

Ang dating kasi sa KathNiel fans, sinabi na niya…

Napakunot-noo si Ogie, “So, hindi ko problema! Problema ko? Hindi ko problema yun! Problema yun ng nakaka-interpret na yun ang kanilang interpretasyon.”

Ano ang reaksiyon niya sa pag-unfollow raw ni Kathryn kay Andrea sa Instagram?

“Nasa vlog ko yun, e. Dun niyo na lang anuhin! Ha! Ha! Ha! Ha!” paghagikgik ni Ogie.

“Lahat kayo, nagba-vlog. Ako pa ba?! Nagba-vlog din ako. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Hindi ba niya naisip na tanungin muna ang KathNiel bago niya pinasabog iyong bali-balita?

Napabuntong-hininga si Ogie, “Again, eto po yung nabalitaan namin. Hindi po ito confirmed. Hintayin po natin silang magsalita kung ano ang totoo.

“Basta importante, at the end of the day… gusto ko, sila pa rin.”

Maliban kina Roderick at Ogie, nasa cast ng In His Mother’s Eyes sina Maricel Soriano, LA Santos, Maila Gumila, Ruby Ruiz, Elyson de Dios, Vivoree, Reign Parani, Rochelle Pangilinan, Inah Evans, Nolo Lopez, Bong Gonzales, at Skylee Alcalde.

Idinirek ito ni FM Reyes, mula sa panulat nina Jerry Gracio at Gina Marissa Tagasa. Showing ito sa mga sinehan umpisa Nobyembre 29.

GORGY RULA

Nasa huling vlog ng Ogie Diaz Showbiz Update, ipinakita nilang magkasama sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa event ng mag-inang Marilen at Rambo Nuñez na isang golf tournament na ginanap sa Sta. Elena Golf and Country Club sa Cabuyao, Laguna, kamakailan lang.

Ipinakita nila ang video na minsan, hindi magkatabi ang magkasintahan, dahil may iba silang kausap. Pero may kuhang magkasamang sumasayaw ang dalawa, at mukha naman silang masaya.

“Eto na nga. Ipinamukha sa akin ng ilang fans na, ayun na nga. Nagkita at nagkasayawan pa itong si Daniel at si Kathryn.

“Wala kayong dapat ipamukha sa akin, dahil sabi ko nga na tayo ay nagdarasal at umaasa na sila pa rin. So, ano yung ipinagsisintir niyo?” pahayag ni Ogie para sa ilang KathNiel fans.

Ako naman, naniniwala na mas maraming alam ang fans, at dapat huwag silang magbubulag-bulagan. I’m sure alam nila kung ano ba talaga ang koneksiyon ni Andrea Brillantes kina Daniel at Kathryn.

Bakit hindi si Andrea ang alamin nila o sitahin nila? Bakit si Ogie Diaz?

Base sa mga nakikita at naoobserbahan namin sa magkasintahan, parang sila na talaga at hindi na mapapaghiwalay iyan.

Pero kung ano man ang pagdadaanan ng kanilang relasyon, at kung ano ang magiging desisyon, walang magagawa ang mga loyal fans nilang dalawa.

NOEL FERRER

Na-flatter ba si Ogie na nabulabog ang KathNiel fans noong siya ang nagsalita? Hindi man sa kanya nag-umpisa, pero nang siya ang nagsalita, mabigat ang dating dahil meron siyang kredibilidad.

“Hindi ko alam kung ano ang magiging damdamin ko. Bakit may mga ganyan na flatter?” natatawang sabi ni Ogie.

Sa puntong ito, open daw si Ogie na maka-face-to-face interview ang ina ni Daniel na si Karla Estrada kaugnay sa usaping ito.

“Oo naman, Diyos ko! Vlogger!” bulalas pa ni Ogie.

May pagbabanta ba o death threats sa kanya ang KathNiel fans?

“Wala. Wala namang sinasabi, ganyan lang ang mga fans. Puwede ka nilang murahin, isumpa, pero wala naman mga ganun.”

Well, ang sabi nga, time is the ultimate truth teller. Sa takdang panahon, mananaig ang katotohanan.