Olivia Jordan speaks up about bullying following issue with Ariadna Gutierrez

Olivia Jordan (left) speaks anew about recent issue where former batchmate Ariadna Gutierrez of Colombia (right) recently called her “witch.” Olivia and Ariadna competed in Miss Universe 2015, where our very own Pia Wurtzbach won. Olivia was second runner-up and Ariadna was first runner-up. 

PHOTO/S: INSTAGRAM OF OLIVIA JORDAN AND ARIADNA GUTIERREZ / MISS UNIVERSE (INSERT)
Tuluyan nang nagsalita ang American beauty queen na si Olivia Jordan matapos ungkatin ni Ariadna Gutierrez ng Colombia ang naging isyu nila noon sa Miss Universe 2015.

Sa Miss Universe 2015, itinanghal na second runner-up si Olivia, first runner-up si Ariadna, at winner ang pambato ng Pilipinas na si Pia Wurtzbach.

Nagkaroon noon ng isyu sa pagitan nina Pia at Ariadna matapos mapagpalit ng host na si Steve Harvey ang placements ng dalawa pero naituwid din ito kaagad.

Pia Wurtzbach, Ariadna Gutierrez, and Olivia Jordan in Miss Universe 2015

PHOTO/S: MISS UNIVERSE

The Top 3 in Miss Universe 2015 pageant. (L-R) Pia Wurtzbach, Ariadna Gutierrez, and Olivia Jordan

Makalipas ang siyam na taon, tila hindi pa tapos si Ariadna sa kanyang mga isyu.

Pinag-usapan recently ang binitiwang pahayag ni Ariadna sa Spanish language reality-based TV show na La Casa De Los Famosos (House of Celebrities), kung saan siya kasali. Ang TV show ay Spanish version ng Pinoy Big Brother.

Nag-viral ang pahayag ni Ariadna sa isang episode, kung saan sinabi niya sa kapwa housemates na isang “bruja” o witch si Olivia noong panahon nila sa Miss Universe.

Tinawag din niyang “very bad” si Olivia.

Isang positive post ang ginawa ni Olivia sa Instagram na tila reaction niya sa isyu.

Pero nitong April 3, 2024, tahasan nang naglabas ng reaksiyon si Olivia tungkol sa pagkaladkad ni Ariadna sa kanyang pangalan sa isyu.

OLIVIA JORDAN SPEAKS UP ABOUT ARIADNA’S ALLEGATION

Sa sunud-sunod na videos na ipinost niya sa kanyang IG Story, tinalakay ni Olivia ang tungkol sa tinawag niyang “drama in the pageant community.”

Paniniyak niya sa mga nag-aalala sa kanya, “I’m alive. I’m fine.”

Hindi man nabanggit ang pangalan ni Ariadna, pero tahasang tinukoy ni Olivia ang isyung kinasasangkutan niya ngayon.

Sabi ni Olivia, “For those of you who don’t know, there’s been some drama in the pageant community that I have been looped into. I left the pageants eight years ago.”

Ipinaalam din sa mga nanonood na hinatid niya sa school ang kanyang two-year-old daughter. Hindi raw siya nakaayos at may breakouts pa sa mukha.

Ganito na raw ang buhay niya ngayon, malayo sa pageant years niya.

Pahayag ni Olivia kaugnay ng recent controversy, “This is so far removed from my normal life that it is almost laughable.”

Pero pinasasalamatan niya ang mga taong nagtatanggol sa kanya at nakakaalam na hindi siya masamang tao.

“I appreciate the support of the people that have always known and understood my heart—that I have never intentionally come from a bad place.”

Makahulugan ang sumunod na pahayag ni Olivia.

Dahil sa recent issue, nanariwa raw sa kanya ang bullying na naranasan at nilalabanan niya sa nakalipas na siyam na taon mula nang manalo siya bilang Miss USA.

Sabi niya, “In pageants, I always try to compete with integrity.”

May agam-agam siya sa pagsasalita dahil aniya, “I feel like if there’s anything I say, then people are gonna like pull it apart.

“So, I just do what I say, like, for anyone that has dealt with being bullied online or that may come into being bullied online, [is] just something I’ve been doing for nine years.

“So, like, I’m used to it. I’m used to having to guard my heart.”

Olivia Jordan

PHOTO/S: OLIVIA JORDAN INSTAGRAM

Pero hindi itinatanggi ni Olivia na apektado siya at naaalala niya ang madilim na pinagdaanan noon.

“But even still, it does like… we are human to just, like, receive such an influx of hate is… it’s just, like, it brings me back to things that I went through during my year that I never talked about.”

Taong 2019 nang inamin ni Olivia na biktima siya ng sexual assault.

Sa huli, muling pinasalamatan ni Olivia ang “majority” ng positive feedback mula sa supporters “for counter-balancing the negative that has come through” kaugnay ng isyung kinasasangkutan nila ni Ariadna.