Pang-iisnab ng MIFF jurors kay Christopher de Leon, inalmahan ng When I Met You In Tokyo producer

Sa kasaysayan ng Metro Manila Film Festival (MMFF), ang pinakamaraming best actor trophy ay si Christopher de Leon na tinaguriang Drama King of Philippine Movies.

Nakapitong MMFF best actor trophy si Christopher — para sa mga pelikulang Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? (1976), Haplos (1982), Imortal (1989), Nasaan Ang Puso? (1997), Bulaklak ng Maynila (1999), Mano Po 3: My Love (2004), at Magkaibigan (2008).

Tigtatlo ng MMFF best actor trophy sina Cesar Montano at Anthony Alonzo.

Tigdadalawa sina Derek Ramsay, Dingdong Dantes, Dolphy, Eric Quizon, at Aga Muhlach.

Kontrobersiyal ang pagkapanalo ni Baldo Marro bilang MMFF 1988 best actor for Patrolman, kung saan tinalo niya si Christopher for Magkano Ang Iyong Dangal?.

Ang MMFF 2023 best actor ay si Cedrick Juan para sa GomBurZa.

Ang lima pang best actor nominees sa 49th MMFF ay sina Christopher para sa When I Met You In Tokyo, Dingdong Dantes para sa Rewind, Piolo Pascual para sa Mallari, Alden Richards para sa Family of Two (A Mother and Son Story), at Derek Ramsay para sa Kampon.

Hindi pumasa sa panlasa ng 11 hurado ng MMFF 2023 ang akting ni Christian Bables sa Broken Hearts Trip, at ni Matteo Guidicelli sa Penduko.

Ang chairman ng board of jurors ng 49th MMFF ay si Direk Chito Roño. Ang vice chairperson ay si Lorna Tolentino.

Kabilang pa sa mga hurado sina Direk Jose Javier Reyes, Direk Mike Sandejas, Tara Illenberger, RS Francisco, Usec. Frisco S. San Juan Jr., Atty. Maria Luwalhati C. Dorotan, Lee Briones Meily, Dr. Jaime Ang, at ako.

Kabilang sa mga artista ng MMFF 2023 na nagbigay-ningning sa MIFF sina Christopher, Dingdong, Piolo, Alden, Cedrick, Christian, Eugene Domingo, Ysabel Ortega, Enchong Dee, John Arcilla, Ron Martin Angeles, at Marvin Yap.

Ang Closing Night at Awards Gala ng MIFF ay noong Pebrero 2, Biyernes, sa Directors Guild of America (DGA).

Presenters sa kategoryang best actor si Eugene, at si Dingdong na isa sa mga nominado at may hawak na tropeyo para sa mananalo.

Ang mga nominadong best actor sa unang MIFF ay lima lamang — sina Cedrick, Dingdong, Piolo, Alden, at Dante Rivero para sa GomBurZa.

Hindi nominado si Christopher.

Nagtabla bilang best actor sina Dingdong at Piolo.

Nakalagay sa screen nagwagi si Dingdong para sa Firefly, gayong in-announce na ni Eugene na sa Rewind nominadong best actor si Dingdong.

dingdong dantes

PHOTO/S: PERRY LANSIGAN ON FACEBOOK

Take note na sa MMFF, nominado si Dante ay sa kategoryang best supporting actor. Walo silang nominado sa nasabing kategorya.

Facebook post ng Hollywood correspondent na si Oliver Carnay, maraming nadismaya sa pang-iisnab ng mga hurado ng MIFF kay Christopher.

Biruin mo, kahit abala si Christopher sa taping ng FPJ’s Batang Quiapo ay nagtungo siya sa MIFF bilang kinatawan ng When I Met You In Tokyo.

Napaka-gracious ni Christopher na tinanggap kapagkuwan ang award ni Vilma Santos bilang actress ng MIFF.

christopher de leon miff

PHOTO/S: NOEL FERRER

Nai-post din ni Oliver sa FB ang pagpupugay ni Piolo kay Christopher sa kanyang acceptance speech.

Gumanap si Christopher bilang tatay ni Piolo sa MMFF 2002 entry na Dekada ‘70. Nagwagi roong best supporting actor si Piolo. Iyon ang unang acting award niya.

Kaya sa MIFF Awards Night, kabilang sa mga pinag-alayan ni Piolo ng kanyang tropeyo ay “the true DRAMA KING, MR. CHRISTOPHER DE LEON.”

Ang anim na hurado ng inaugural MIFF ay sina Marie Jamora, Mari Acevedo, Leah Anova, Reggie Lee, David Maquiling, at Sumalee Montano.

NOEL FERRER

Dahil wala talaga kaming kinalaman sa resulta at kahit na ang conduct ng Manila International Film Festival Awards, pagsisimulan ng higit na mainam na film education kung mailalahad ng jury ang kanilang criteria man lamang sa judging na hindi nasabi sa naging programa.

At oo, kung bakit hindi nga napasama si Papa Boyet de Leon bilang Best Actor nominee ay kataka-taka.

GORGY RULA

Nung in-announce pa lang ng MIFF na may sarili silang pamamahagi ng awards, umaarko na ang kilay namin. Parang hindi tama.

Hanggang sa unti-unti ko nang napagtanto kung para saan ba itong gala night?

Para ba kumita?

Ang mahal ng ticket na tig-$275? Na-sold out na raw agad ang tickets, kaya ang laki ng kinita nila.

Nagkagulo-gulo na raw sa seating arrangements.

Nagkaroon pa sila ng pa-fans day kasama ang mga kilalang artistang nakakasalamuha nila.

Nang lumabas na ang winners nila, kumawala na ang kilay namin, pero sige lang. Choices nila iyon, e, iyon ang panlasa nila.

Pero muntik na akong tumimbuwang nang nakita ko ang video nang pag-announce ng kategoryang Best Actor.

Presenter si Eugene Domingo at si Dingdong Dantes na isa sa mga nominado.

Mabuti at si Uge ang nag-announce ng winner, dahil kung nagkataon, baka ang sasabihin ni Dingdong, “and the award goes to me!”

Ang hilas, di ba? Puwede namang si Uge na lang mag-isa ang presenter.

Lumabas pa sa backdrop nila ang pangalan ng Best Actor winners na sina Piolo Pascual ng Mallari at si Dingdong sa Firefly daw, e, sa Rewind siya nanalo.

Kaya nakikita talagang kapos pa sa kaalaman ang organizers sa pag-handle ng ganung event.

Lalo pa itong napatunayan nang hindi man lang isinama sa Best Actor nominees si Christopher de Leon, na ang laki ng naitulong kay Vilma Santos para maging effective ang pag-arte at napanalunan muli ang Best Actress category.

Kasama pa si Dante Rivero sa best actor nominees, gayong ang linaw na supporting role lamang iyon.

Paano kaya nila maipapaliwanag iyan?

Kaya ba nilang sagutin ang pagmamarakulyo ng line producer ng When I Met You In Tokyo na si Redgie Magno na humihingi ng paliwanag, bakit wala sa nominees man lang ang lead actor ng naturang pelikula na si Christopher de Leon?

Nagsusumigaw na “Please Explain Why???????!!!!????” ang shoutout niya sa Facebook.

Bahagi ng FB post ni Tita Redgie na sinang-ayunan ng karamihan:

“He may not be your choice as Best Actor, we respect that… and your choices Dingdong D and Piolo P are both good actors as well and deserving.

“But IT IS NOT ABOUT BOYET DE LEON NOT WINNING. BUT NOT EVEN BEING NOMINATED in the BEST ACTOR category… WHY???

“For me that is so DISRESPECFUL, WICKED, and DISGUSTING!!! WAS IT REALLY THAT DIFFICULT TO NOMINATE HIM?”

Dagdag pa niyang hanash, “NO ONE FROM THE ORGANIZERS REALLY THOUGHT OF NOMINATING HIM???? WHY po???

“So, MIFF organizers, respectfully, we will really appreciate an explanation why Mr. Christopher de Leon nomination was not even considered, PLEASE EXPLAIN WHY????”

Sa totoo lang, hindi ko pa maisip kung paano maipaliwanag iyan ng anim na miyembro ng jury.

Alam kaya nila ang ginagawa nila? Naintindihan kaya nila ang napanood nila?