Parents of baby in JK Labajo’s Tarlac concert respond to criticisms from netizens

Nagsalita na rin ang mga magulang ng sanggol na nag-viral sa concert ni JK Labajo sa Paniqui, Tarlac, nitong nakaraang March 17, 2024.

Hindi diumano totoong dalawang buwan pa lang ang kanilang anak na si Baby Fiyana kundi seven months old na.

Sa panayam kay Niel Patrick Tubino at asawa niyang si Fyan Tubino ng GMA News Online ngayong araw, March 28, 2024, sinabi nilang ang kanilang anak ay nabighani talaga sa mga awitin ni JK.

Sinadya raw talaga nilang magpunta sa concert ng singer at kasama ang kanilang anak.

Sabi ni Niel, “Sabi ng netizens, 2 months lang yung baby namin. Hindi siya 2 months. Mag-8 months na siya.”

Ipinakita rin nila ang banner na nagsasabing, “Kahit isang karga lang mula sa pinakabata mong fan, Kuya JK.”

Parents of viral baby in JK Labajo's Tarlac gig speakup

Sabi sa ulat, isinigaw raw ni Niel ang sumusunod: “2 months pa lang, kasama ka na nito!”

Ito rin ang parang narinig ni JK na nagtatanong ng, “Two months?”

Matatandaang nag-viral ang video na ipinost sa Facebook ng isang netizen na may account name na LifeofEs kung saan makikita rito ang 23-year-old singer na inasikaso ang bata sa audience

Caption ng post, “JK Mas nag worry pa sa 2 months old na Baby kaysa sa sariling magulang ng bata [emoji]

“Huwag nating i-sacrifice ang kaligtasan ng anak natin kaysa sa panandalian nating kaligayahan”

BABY FIYANA IS JK’S FAN

Ayon sa ina ni Baby Fiyana, baka hindi lang na-gets ni JK ang ibig sabihin ng asawang si Niel.

Fan na raw talaga ng mang-aawit na si JK ang kanilang anak mula pa noong dalawang buwang sanggol pa lamang ito.