Patrick Garcia reveals being rejected by Anne Curtis in the past

Inamin ng ’90s matinee idol na si Patrick Garcia na ang Kapamilya actress-TV host na si Anne Curtis ang unang babaeng nambasted sa kanya.

Naganap ang pag-amin ni Patrick sa panayam niya, kasama si Paolo Contis, sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Miyerkules, April 3, 2024.

“Unang nambasted sa yo?” tanong kay Patrick ng host na si Boy Abunda sa “Fast Talk” segment ng programa.

Natatawang sagot niya, “Si Anne Curtis.”

Ito raw ang unang beses na ibinuko niya sa publiko na niligawan niya si Anne at sa kasamaang-palad ay binasted siya nito.

Patrick Garcia reveals being rejected by Anne Curtis

Gayunpaman, wala naman daw siyang sama ng loob o hinanakit kay Anne.

Aniya, “Matagal na ito, mga 1999 pa ito.

“Ngayon ko lang sinabi ito, sorry guys.”

Sa kasalukuyan, si Anne ay kasal na kay Erwan Heussaff.

May isa na silang anak—si Dahlia Amelie, na isinilang ni Anne noong March 2, 2020.

Habang si Patrick ay happily married na rin kay Nikka Martinez.

Biniyayaan sila ng apat na anak—sina Michelle Celeste, 10, Nicola Patrice, 8, Francisca Pia, 6, at Enrique Pablo, 2.

May isang anak din si Patrick sa Kapuso actress na si Jennylyn Mercado, si Alex Jazz, 15.

MOST RIDICULOUS RUMOR

Sa nasabing panayam, ibinahagi rin ni Patrick ang maituturing niyang “most ridiculous rumor” tungkol sa kanya.

Patrick Garcia - Biography - IMDb

“Most ridiculous rumor about you?” tanong ni Boy kay Patrick sa “Fast Talk” segment.

“Na bakla ako,” mabilis na tugon ng aktor.

Hindi raw niya ito dinamdam dahil alam niya sa sarili na wala itong katotohanan.

Paliwang ni Patrick, “Para sa akin, it was brief, lang.

“Somebody wrote it lang na [sinasabing bakla ako] tapos ako parang, ‘Ha, ako [bakla]?’

“Parang ganun lang, then it just… nawala [na lang yung issue].”