Hindi itinanggi ni Paul Salas na naalarma sila ng kanyang girlfriend na si Mikee Quintos sa mga sunud-sunod na paghihiwalay ng mga showbiz couple gaya nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Inamin ni Paul na nakaramdam sila ni Mikee ng takot pero napagkasunduan nilang gawing sentro ng kanilang relasyon ang Panginoong Diyos.
“We get alarmed honestly, pero siyempre hindi naman sa para pakialaman namin kung anuman yung nangyari. Hindi naman talaga natin alam ang mga nangyayari off-cam.
“May takot din kami na naramdaman ni Mikee kasi kahit papaano, makaka-feel din tayo ng ganyan sa breakup ng KathNiel.
“Parang isa rin yan sa kinakapitan natin. Eleven years, hindi biro. Kasama ko rin tumanda ang mga yan. Kasama ko sila sa first movie nila na Must Be Love.
“Nakita ko at na-inspire din ako sa love story nila tapos ngayon marinig natin na ganyan. Nakakalungkot, alarming din sa mga nai-inspire sa kanila.
“Ako naman, sabi ko kay Mikee, ‘Basta siguro gawin nating center talaga ng relationship natin si God. Pag-usapan natin kung anuman yung problema,’” lahad ni Paul nang makausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) matapos ang contract signing niya bilang kauna-unahang celebrity ambassador ng Beautywise.
Naganap ang contract signing niya nitong Lunes ng gabi, Disyembre 11, 2023.
Kasama ni Paul sa contract signing ang kanyang manager na si Perry Lansigan, ang Sparkle GMA Artist Center executive na si Daryl Zamora, at ang 18-year-old CEO ng Beautywise na si Abdania Tapulgo Galo.
(From left) Daryl Zamora, Paul Salas, Abdania Tapulgo Galo, and Perry Lansigan
PAINFUL BREAKUP
Twenty-five years old na si Paul at mas bata ang kanyang edad nang makaranas siya ng painful breakup sa isang dating karelasyong hindi na niya binanggit ang pangalan.
“Mas bata ako, 18 or 19 years old. Yung breakup na yon, lagi kong ikinukuwento sa interviews, traumatizing para sa akin.
“Until now, minsan may attitude ako na nadadala kay Mikee sa pagiging overhinker.
“Pag-overthink na masasayang yung relationship sa tagal natin.
“Na-trauma po ako sa naiiwanan ako and then, kapag may away nang konti, parang imbes na pag-usapan, nag-iiwasan. Dun po ako may trauma.
“Good thing naman kay Mikee, siya yung taga-push na, ‘Ikaw, may problema ka? Halika mag-usap tayo dito!’ Yun ang maganda sa kanya,” kuwento ni Paul.
Aminado si Paul na malaki rin ang epekto sa kanya ng paghihiwalay ng mga magulang niya noong 14 years old siya.
Aniya, “May big effect din po. Actually, nung naging kami ni Mikee, ang dami niyang naitulong sa akin.
“Si Mikee kasi, hindi lang siya basta karelasyon ko kundi best friend, lahat na. Naikukuwento ko sa kanya yung mahirap sabihin sa family dahil sa nangyari.
“But nung naikuwento ko sa kanya, siya yung nag-encourage sa akin na aminin yung mga nararamdaman ko.
“Yes, ako yung parang strong na kapitan ng buong pamilya, but sabi ni Mikee, ‘Ipakita mo naman yung pagka-weak mo dahil mas lalo kang magiging strong.’
“So, na-encourage niya ako. Nasabi ko sa family ko. Sobrang blessed kami ngayon dahil tapos na ang problema na yon.
“Yung mom ko, ayan. Yung half-brother ko, lagi naming ka-bonding.
“With my dad’s side naman, another half-brother, all boys kami.
“Aaminin ko, naka-move on fully ako, parang 2021 na.
“I was 14 years old nang maghiwalay sila. Siyempre kapag bata ka, tatakbuhan mo pa yung feeling.
“Hindi mo pa alam, akala mo recovered ka na. Pero hindi mo alam, ang laki pala ng epekto sa yo.
“Habang tumatanda ako, saka ko na-realize. Pero ang gusto ko naman, yun po ang naging reason talaga na lumapit ako sa words ni God.
“Lumapit ako sa Kanya, nag-surrender na, ‘Lord, hindi ko kaya ito. Ikaw yung makaka-handle.’
“Unti-unti, na-handle Niya. Sobrang blessed ako.”
Dagdag pa ni Paul, “Isa pang love ko kay Mikee, naiintindihan niya yung bawat imperfections namin sa isa’t isa.”