Pauleen Luna isinilang na ang pangalawang baby nila ni Vic Sotto

Isinilang na ni Pauleen Luna ang ikalawang anak nila ng mister na si Vic Sotto ngayong Martes, bandang 7 a.m., January 23, 2024.

Babaeng muli ang anak nina Pauleen at Vic.

Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP Troika, 8.2 lbs ang timbang ng sanggol nang isilang ito.

Kagabi, January 22, nag-post ang actress-TV host sa kanyang social media account na excited na siyang mayakap ang iluluwal niyang baby na tinawag pa lang niyang si Baby Mochi.

pauleen luna vic sotto tali

Sabi ni Pauleen, “Today, I took my last pregnant selfie. Yes, it sure is a sentimental feeling but I feel extremely blessed to be able to carry another child despite my condition.

“All glory and praise goes to our one and only Lord for blessing us with this child. Ikaw lang talaga ito, Panginoon, wala ng iba pa. I couldn’t have carried her to term without Your protection and guidance oh Lord.

“I would also like to thank all my prayer warriors who have been with us since day one. Please know that you have a special special place in my heart.

“To my dear Tali, I know this is something new and things might be a little different but know that you will always be mommy’s first. It was just you and me for 6 years and you have taught me SO MUCH.

What Pauleen Luna feels about 5-year-old daughter Tali

“Maybe you would think that often times you needed your mom but it was really me who needed you most of the time. Thank you for giving me purpose and meaning. Thank you for making me a very happy mommy.

“To my ever supportive and loving husband, I am so grateful for you. I look at you now as I type these words and my heart is just filled with love and gratitude. Mahal na mahal kita. Habang buhay.

“And to my mochi girl, mommy cannot wait to hug and kiss you tomorrow! You are yet another answered prayer in our lives! I’m so excited to make memories with you and your ate and dad. I love you!”

Cesarean section ang paraan panganganak ni Pauleen, kagaya ng panganay nila ni Vic Sotto na si Talitha.

At dahil sa full term na ang kanyang pagdadalantao, ini-schedule na nila ang operasyon ngayong araw.

NOEL FERRER

Ayan! Mukhang suwerte ngang masasabi ang magiging ikalawang anak nina Bossing Vic at Pauleen dahil ipapanganak ito sana sa Year of the Dragon.

Teka, aabot ba…. o kung hindi naman, blessing pa rin naman yun!

Sana, maliban sa suwerte, magsilbing mabait siyang anak at kapatid at kapaki-pakinabang na Pilipino tulad ng mga magulang niya.

All the best sa ligtas at payapang pagluluwal, Pauleen at sa pamilya Luna-Sotto!

JERRY OLEA

Nasa taon pa po tayo ng Kuneho.

Enero 22, 2023 nag-umpisa ang Year of the Rabbit, at magtatapos sa Pebrero 9, 2024.

Pebrero 10 pa ang umpisa ng Year of the Dragon.

At any rate, thankful si Pauleen sa marami pang nagdarasal sa kanyang safe na panganganak, pati sa mga nagpapadala ng mga regalo sa kanya na karamihan ay mga gamit para sa kanyang bagong baby.

May napili na siyang pangalan sa baby, at isi-share na lang daw niya pagkatapos niyang manganak.