Tinanong sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa press conference ng What’s Wrong With Secretary Kim kung ano ang pinaka-unusual na ginawa nila para sa pagmamahal.
Sagot ni Paulo habang kaharap si Kim, “Siguro itong Secretary Kim, dahil sa pagmamahal ko bilang katrabaho ka at lahat ng binigay mo sa Linlang, pambawi sa iyo, so I’m here in Secretary Kim to give back.
“I think, if it was offered to me and it wasn’t Kim, I’d probably have second thoughts. It’s because of Kim and Sir Deo.”
Pahayag naman ni Kim, “Madami, e. Sobrang giving ko talaga na tao na parang pag may nale-left out or nao-off or something, I always give as long as I can kasi wala namang mawawala sa akin kung magbibigay ako, e. Parang normal na sa iyo yun pag nandun yung love.”
Ginanap ang presscon sa Quantum Skyview sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City, nitong March 9, 2024. Dinaluhan iyon ng mga imbitadong showbiz press, bloggers, at fans ng tambalan nilang KimPau.
WHAT PAULO AND KIM ADMIRE ABOUT EACH OTHER
Tinanong din ang dalawa kung anu-ano ba ang mga katangian na nagugustuhan at hinahangaan nila sa isa’t isa.
Ani Paulo mula raw nang lumipat siya sa ABS-CBN, gusto na niyang makatrabaho si Kim.
“I’ve always wanted to work with Kim, I wasn’t given the opportunity until now, until the project we did last year,” pagtukoy pa ni Paulo sa pinagsamahan nila ni Kim na Prime Video series na Linlang.
“I am happy not just because parang, we know Kim is a star, but because she’s so bubbly, she’s matured as an actress. After working with her, I like working with people who work fast and know what they are doing.
“Si Kim ganun, mabilis siyang kumilos, alam niya ang script, alam niya ang gagawin. Walang nagiging problema.
“Si Kim what I noticed, especially when I first worked with her, she sets the tone of the energy on the set.
“Nakikita mo na pag malungkot si Kim, di naman lahat malungkot, pero malumanay ang lahat. Pag high yung energy niya, lahat energized. Ngayon lang ako nakakita ng taong ganun na kayang i-set yung energy level ng set.”
Papuri naman ni Kim sa kapareha, “Si Paulo, very consistent sa trabaho, parang we share the same passion when it comes to work. ‘Tsaka parehas kami ng gusto. So nakakagulat na parang may boy counterpart ako na, ‘Ito gawin natin ito, gawin nating maganda.’
“Low-batt version ko, ako yung high-energy version. Nakaka-amaze na makakita ng boy version mo which is siya. Nakakatuwa na makatrabaho ang isang Paulo Avelino.
“Mas nakaka-amaze kasi tinanggap niya itong romcom na genre. So, mas napahanga ako to him as an actor kasi kaya niyang gawin ang lahat talaga in his best.
“Saka magugulat talaga kayo dito sa Secretary Kim, kung ano ang mga pinakita niya, mas hahanga kayo sa kanya. I’m happy to work with him.”
HOW ARE THEY DIFFERENT FROM THE ORIGINAL SERIES?
Ang What’s Wrong With Secretary Kim ay ang Filipino adaptation ng sikat na South Korean series na may ganito ring titulo at tinampukan nina Park Seo-joon at Park Min-young.
Ano raw kaya ang ipinagkaiba ng Filipino adaptation na ito sa Korean version?
“Yes napanood namin, siyempre as proud Pinoy tayo, maraming nilagay ang mga writers natin and everyone involved dito sa paggawa ng Secretary Kim.
“Maraming Filipino touch, such as family oriented, more comedy side,” pahayag pa ng Kapamilya actress.
“Actually pag pinanood mo siya, side-by-side medyo pareho siya pero yung story natin mas Filipino, mas makaka-relate ang karamihan.”
Sabi naman ni Paulo, “I have watched a few parts, not the whole series because we were already doing the show. It was adapted to our culture. So if you watch the original, some parts that I watched, it was made for the culture of Korea.
“Here in the adaptation as Kim said, it was adapted to our culture, how we are, how we talk, and how things happen here in the Philippines.”
KIMPAU SERIES NOW, MOVIE NEXT?
Dahil sa chemistry ng tambalan nilang KimPau, marami na rin ang nag-aabang kung kailan sila gagawa ng pelikula.
“As of now wala pa, but if ever there’s an opportunity to do a movie with Kim, of course, I’ll be happy to do it and I’ll be happy to collaborate or maybe co-produce it,” paniniguro ng aktor.
Sagot naman ni Kim, “Wala pa naman sa ngayon pero puwede naman. As long as maganda yung kuwento, puwede naman. Pero sa ngayon wala pa, so ito munang What’s Wrong With Secrtary Kim.”
Kung sakali, ano kaya ang magiging concept o istorya ng gagawin nilang pelikula?
“Concept? Siguro magkapatid? Ha-ha-ha! Kahit anong concept yun magagawan naman ng paraan,” pagtatapos na pahayag naman ni Kim.
Mapapanood ang What’s Wrong With Secretary Kim simula bukas March 18, sa video streaming app na VIU.
Ito ay collaboration ng ABS-CBN Entertainment at VIU sa ilalim ng direksyon ni Direk Chad V. Vidanes.
Kabilang sa mga kabituin nina Kim at Paulo rito sina Jake Cuenca, Angeline Quinto, Franco Laurel, Cacai Cortez, Romnick Sarmienta, Gillian Vicencio, at Pepe Herrera.