Marami ang nakakapansin ng chemistry nina Paulo Avelino at Kim Chiu, lalo na sa pinagbibidahan nilang teleserye na What’s Wrong with Secretary Kim (WWWSK).
Kaya naman diretsahan tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paulo kung masasabi niyang perfect rom-com partner si Kim.
Aniya, “I think everyone has been saying that queen of… well, hindi siguro queen, pero forte. Forte niya ang rom-com. But here, I would say, she’s different in a way.
“It’s not like her past rom-com roles na all-out. Here, more subdued, more mature, so makikita nila iyon.”
Kung ang pagbabasehan ang mga nakakasama raw nila ni Kim sa taping ng WWWSK, may mga nakakapansin ng closeness at sweetness daw nilang dalawa.
Mula sa Linlang na nasundan agad ng WWWSK, gaano na siya kakumportable kay Kim? Masasabi niya kayang kilalang-kilala na niya ang leading lady?
“Well, halos araw-araw ko siyang katrabaho,” natawang sabi niya.
“I won’t say na totally know her, but I think, I know her well enough na rin.”
PAULO AVELINO ON “WHAT’S WRONG WITH SECRETARY KIM”
Bilang aktor na nalinya sa mga seryosong drama, bago para kay Paulo ang teleserye na What’s Wrong with Secretary Kim.
Nag-pilot na ang Philippine adaptation ng sikat na K-drama, at palabas na ito ngayon sa VIU.
“The show has been previewed and I think, viewers are happy so far with what we shot,” bulalas ni Paulo sa panayam ng PEP.ph.
“I’m excited actually for the viewers to watch What’s Wrong with Secretary Kim because it’s so different.
“It’s so different actually with the projects I did before it like Linlang and some of the other projects.”
Paglalarawan ni Paulo sa romantic-comedy series na pinagbibidahan nila ni Kim Chiu, “Ito naman, rom-com and it’s different, it’s cute, it’s inspiring and it’s very… I think, the term that they always use is, it’s feel-good.”
Parang ngayon na lang siya gumawa talaga ng rom-com?
“It’s different,” sabi niyang muli.
“I always say nga that I don’t want to box myself with one specific genre. It’s always a blessing when I get to tackle different characters.
“And you’ve seen my interviews before, I always say that I want something new, something I haven’t done before.
“At ito na nga po sa What’s Wrong with Secretary Kim, nakagawa ako.”
Base naman sa mga komento sa online at social media, may mga nagsasabi na side by side, mas guwapo raw si Paulo kaysa kay Park Seo Joon, ang orihinal na Korean actor na gumanap bilang Chairman. May nagsasabi rin na mas magaling ding umarte si Paulo.
“Hindi naman,” natawang sabi niya.
“But, I’ve seen the side-by-side kasi minsan we do that sa set. Minsan may mga iconic scene na I’m sure hahanapin ng mga fan ng mga What’s Wrong with Secretary Kim.”
Mas pogi siya?
“Hindi naman, hindi naman,” nakangiting sagot na lang ni Paulo.
PAULO AS BRAND AMBASSADOR FOR SKIN CLINIC
Nakausap ng PEP.ph si Paulo sa naging opening at contract signing niya bilang brand ambassador ng Brilliant Medical Group sa may Sct. Torillo, Quezon City noong March 15, 2024.
Kasama ni Paulo bilang brand ambassador ng clinic si Arci Muñoz.
Kinumusta naman namin si Paulo kung siya ang tipo ng actor na madalas talagang bumibisita sa mga skin clinic para mapangalagaan ang kanyang skin o magpa-enhance pa.
“Actually po, to be honest, depende po sa role. Kung nasubaybayan niyo po ang mga character na ginagampanan ko sa ibang programa, may madudungis, may malilinis.
“Nagkataon po na ginagawa ko ang What’s Wrong with Secretary Kim ngayon, kinailangan ko po na medyo… well, siyempre, yung counterpart po natin ay napakakinis din.
“So yun po, triny ko pong habulin at sana naman po, hindi ko madisappoint ang viewers natin.”