PEP OUTTAKES: KathNiel, KimXi, Richard-Sarah rumored br.eakups

KathNiel rumored breakup
(From left) Couples Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, Kim Chiu and Xian Lim, and Sarah Lahbati and Richard Gutierrez were all reported to have broken up, but they have yet to issue outright confirmation or denial about the rumors.

Tatlong power showbiz couples ang sentro ng usap-usapang nag-break na nitong mga nakalipas na linggo: Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Kim Chiu at Xian Lim, at Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Kadalasan ngayon, ang social media ang ginagamit ng mga artista para kumpirmahin o pabulaanan ang mga isyung kinasasangkutan.

Sa kaso ng nabanggit na tatlong celebrity couples, walang direktang pagtanggi o pag-amin sa balitang break na sila.

Sa showbiz, ipinagpapalagay na ang pananahimik ng mga artista ay nangangahulugang may katotohanan ang balita.

Sa madaling salita, silence means yes. Or does it?

Sa pamamagitan ng PEP Outtakes ay susubukan ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) editors na ilatag ang nakalap naming mga impormasyon, mula sa iba’t ibang sources, tungkol sa breakup rumors kina KathNiel, KimXi, at Richard at Sarah.

ERWIN SANTIAGO: Sa tatlong couples, obvious na mas maraming interesadong malaman kung totoong break na sina Kathryn at Daniel.

Isang patunay na tila naging national issue na ang KathNiel breakup rumor ay ang dami ng taong nakikiusyoso sa akin—kamag-anak, kaibigan, katrabaho, at maging FB friends na matagal nang hindi nagpaparamdam.

Isa lang ang tanong nila: “Totoo bang break na ang KathNiel?”

Sinasabing nagsimula ang sitsit tungkol sa KathNiel sa report ni Ogie Diaz sa isang YouTube vlog na nakatanggap siya ng di pa kumpirmadong balitang break na sina Kathryn at Daniel.

Ang dinig pa niya, pasikreto umanong nakikipagkita si Daniel kay Andrea Brillantes.

Agad nag-react dito ang masusugid na tagahanga ng KathNiel at tinira si Ogie na nagpapakalat daw ng fake news.

Ipinamukha pa ng KathNiel supporters na hindi raw totoo ang balita dahil ilang araw matapos lumabas ang vlog ni Ogie ay nakita sina Kathryn at Daniel na magkasama at magkasayaw sa isang event.

Pero hanggang ngayon ay walang direktang pahayag ang parehong kampo nina Kathryn at Daniel tungkol isa isyu.

Lalo pang nagpadagdag sa kutob ng publiko na may pinagdaranaan nga ang relasyon ng dalawa ang pag-unfollow nina Kathryn at Andrea sa isa’t isa sa Instagram.

Nasundan pa ito ng balitang pati ang malalapit na kaibigan ni Kathryn ay nag-unfollow na rin kina Daniel at Andrea, bagamat itinanggi na ito nina Direk Cathy Garcia-Sampana at Robi Domingo.

Pero hindi humuhupa ang kwentong break na ang dalawa.

At ito ay dahil umano sa nadi-distract si Daniel ng ibang mga dilag. Hindi lang daw minsan.

Mukhang umabot na raw kay Kathryn, na kung nung una’y nagkibit-balikat o bumuntong-hininga, ngayo’y napuno na raw.

Sabi pa ng iba, makikita ito sa revenge body ni Kathryn.

Lahat daw ng babaeng may pinagdaraanang sama ng loob at hiwalayan ay halos nagbabago ang pangangatawan.

Si Kathryn sa kanyang mga huling outfits at poses ay talagang stunning. Modelong-modelo ang dating.

Tungkol naman kina Kim at Xian, bagamat may mga pahiwatig silang hindi totoong break sila, hindi mamatay-matay ang balita.

Personally, may kutob akong may pinagdaraanan ang relasyon ng dalawa dahil sa mga panunukso ng co-hosts ni Kim sa It’s Showtime, partikular na si Vice Ganda, tungkol sa pag-iisa at sa relasyon.

Nakadagdag din sa hinala ko ang pagbabakasyon recently ni Kim sa Balesin Island Club kasama ang kanyang pamilya. Hindi niya kasama si Xian.

Base sa mga kaganapan, hindi na ako magugulat kung isa sa mga araw na ito ay may anunsiyong gagawin alinman sa KathNiel at KimXi couples.

Pagdating naman sa Richard-Sarah rumored breakup, kayo na fellow PEPsters ang maghimay… the floor is all yours.

KAREN AP CALIWARA: It’s actually easy to deny a hearsay.

From experience, if the story is not true, kundi man yung couple involved ang maglalabas ng statement, the people around them will.

Dito, walang nagi-statement.

I do not wish for KathNiel to break up. But for some reason, the people I asked would neither confirm nor deny the rumors.

This is a dangerous sign.

I actually asked three people: one, from an ad agency in a relationship with an ABS-CBN employee; another, a member of a glam team; the other, a die-hard KathNiel fan.

The latter was the first to say: “We wait for them to confirm.”

One said: “Wala raw alam yung mga mumshies.” Char!

The other one said: “Cool off. It did not come from me.”

Maybe Kathryn and Daniel are indeed re-assessing their relationship.

After all, ten years na sila together, and, honestly, super bihira sa showbiz yung first and last love.

I don’t know, even in real life, siguro, the ratio would be 1:100 sa mga first love— or only one pair out of 100 couples—na nagkakatuluyan.

At saka, ang babata pa nila! Kathryn is 27; Daniel is 28.

From the point of view of their careers, may naging ambag ang pagpasok nila sa isang love team. But from the point of view of their personal growth, how can people in their 20s commit to a lifetime relationship?

Masyadong maaga pa. Ang daming mangyayari pa sa mga buhay-buhay nila, kasama na ang mga career nila.

Naryan ang isyu ng kanilang talent managers at network: A breakup will mean losses in millions of revenue from their films, appearances, merchandise, endorsements, maybe even side businesses.

Kaya marahil walang nagsasalita sa mga kampo-kampo.

Now, about Andrea Brillantes being dragged into the issue, I just know DJ has been her childhood crush, and even Kath knows this.

If the story of Andrea being in the picture is not true, I hope she can step forward to deny it.

Meatime, with the Sarah Lahbati and Richard Gutierrez breakup rumors, I have no knowledge about a third-party issue.

But I heard a “major event” happened before the separation rumors erupted.

One person told me that the “major event” was, kumbaga, the straw that broke the camel’s back.

And when I tried confirming it with people close to the couple, iisa ang sagot: “Wala akong alam diyan.”

About Xian and Kim, sorry at hindi yata ito saklaw ng radar ng mga Marites sa network ko, so wala akong ambag.

Some say it’s breakup season sa showbiz, but it’s actually an all-year-round thingy. Maraming nagbi-break, hindi lang nababalita. Maraming nag-aaway, nagbabati. Maraming pasweet-sweet sa TV, pero frenemy na pala in real life.

So, do not be too quick to make conclusions. It’s best to wait for the confirmation of the couples involved.

RACHELLE SIAZON: Nagtanung-tanong ako sa ilang showbiz insiders kung totoo ang isyung hiwalay na sina Kathryn at Daniel.

May ilan sa kanila ang nagsabing may katotohanan ito. Pero nang tanungin ko kung anong dahilan, wala silang kumpirmadong impormasyon.

Ang iba naman sa nakausap ko, ang hinala ay may lovers’ quarrel lang ang dalawa, pero kung anuman daw ang tampuhan ay maaayos din.

Kaya, ako, maniniwala lang kung may direktang kumpirmasyon o denial mula kina Daniel o Kathryn.

Mahirap mag-assume ng kahit ano kahit two weeks nang usap-usapan ito sa publiko.

Kung iisipin, 11 years na ang KathNiel bilang magkarelasyon at 12 years bilang love team.

Gaya ng ibang magkarelasyon, hindi naman imposibleng maka-encounter sila ng problema.

Naalala ko tuloy yung tsikahan namin nina Daniel at Kathryn kasama ng piling press sa 11th anniversary ng KathNiel loveteam noong September 2022.

Inamin nila roon na nag-aaway din sila, at pinakamalala yung “three to five days” silang hindi nag-usap.

Pero paglilinaw rin noon ni Daniel, never silang nag-cool off ni Kathryn dahil sa huli, kahit na may away sila, “pinipili namin ang isa’t isa all the time.”

Natutunan din daw nila over the years na bigyan ang isa’t isa ng space, iyong may hiwalay silang bonding time kasama ng kani-kanilang mga kaibigan, para mas healthy ang kanilang relasyon.

Kaya iyong recent out-of-the-country ni Kathryn na hindi kasama si Daniel, mahirap i-assume na connected sa sinasabing issue ng dalawa.

Pagdating kina Kim Chiu at Xian Lim, sa totoo lang ay nagtaka ako kung bakit marami pa rin ang nagtatanong sa dalawa kung break ba sila.

Di ba sinabi ni Kim na okay sila ni Xian sa isang interview ng press?

Tapos yung pang-aasar sa kanya sa It’s Showtime noong November 2, sa huli ay binanggit niya na isa si Xian Lim sa mga malalapit sa puso niya na hindi puwedeng wala siyang komunikasyon.

Posible kayang nag-lie low lang ang dalawa sa pagiging expressive nila sa social media dahil pareho silang may mga hiwalay na proyekto ngayon?

Si Xian ay may Die. Love. Repeat na kapareha si Jennylyn Mercardo sa GMA-7.

Habang si Kim ay kakaanunsiyo lang na makakatambal muli si Paulo Avelino sa What’s Wrong With Secretary Kim?, ang joint collab ng ABS-CBN at Viu Philippines, pagkatapos ng successful run ng Linlang, na collab naman ng ABS-CBN sa Prime Video.

Maaaring focused lang muna sila roon?

Pero ewan din natin: May mga umiingay nang kuwento-kuwento na may papel si Paulo Avelino sa breakup rumors around Kim and Xian.

Iyo namang kina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, hindi mamatay-matay ang usap-usapang hiwalay na ang dalawa.

Hindi pa rin kasi nasisilayan ng publiko na magkasama ang dalawa.

Iyong huling out-of-town trip ni Sarah kasama ng dalawang anak, tila hindi ulit kasama si Richard.

May ilang okasyon pa na solong nakikita si Sarah sa events, at gayundin si Richard.

Marami nang lumipas na okasyon na puwedeng magkasama sila, pero tila hindi pa ito nangyayari sa ngayon.

Ano nga kaya ang nangyayari sa kanilang mag-asawa?

BERNIE FRANCO: “Where there is smoke, there is fire.”

At ito pa: “May tenga ang lupa, may pakpak ang balita.”

Dalawang kasabihan ukol sa pag-alingasngas ng impormasyon, na in some cases ay walang kumpirmasyon.

So, the next step is to verify if these info are true or false, preferably straight from the people involved.

Pero what if the people concerned are keeping mum?

Ilang beses nang nangyaring tahimik ang couple sa kasagsagan ng breakup issue, at kapag ready nang magsalita ay matagal na palang hiwalay.

Tulad ng isyu ng breakup ng three couples: Sarah and Richard, Kim and Xian, Kathryn and Daniel.

Ang netizens na ang nagta-translate ng cryptic posts ng kampo ng people involved. Ang publiko na ang naglalagay ng meaning sa bawat kibot.

Kung tutuusin, it is easy for them to dispel or confirm the breakup issue. Isang post lang iyan ng artista sa Instagram, Facebook, X (formerly known as Twitter), etc.

Puwedeng maglabas ng official statement to answer.

Pero ilang linggo na bang pinag-uusapan ang hiwalayan daw nina Sarah and Richard? Hindi rin naman ito ang unang beses na napaulat na break na sina Kim at Xian, also with Kath and Daniel.

Dahil sa pananahimik mas pinag-uusapan dahil, as Sir Erwin pointed out, does silence mean yes?

But it could be because it is easier if they keep mum. The couples involved have been in a relationship for years, after all. May kailangan protektahan — mga anak, ang imahe, kontrata…

They might also be in the middle of salvaging the relationship.

Kahit naman sa ordinary couple, kapag nagkakaproblema sa relasyon, hindi naman agarang masasabing tapos na. There is a process.

If you value the relationship, you might still hope to save it. Baka puwede pang ayusin, lalo pa kung matagal na kayo.

Naiinip lang talaga at masyadong curious ang outsiders na malaman kung break na ba o hindi, dahil invested na rin sila sa mga artistang ito, at madaling makalimutang ang mga artista ay real people with real emotions.

However, the public cannot be blamed. Ginawa silang tagahanga kaya, ayun, kelangan nilang malaman ang nangyayari sa kanilang mga hinahangaan.

Your guess is as good as mine if these couple involved have broken up or not. But the confirmation will primarily come from them—when they are finally ready.