Pinoy fans call for Steve Harvey as Michelle Dee fails to enter Miss Universe 2023 Top 5

Pinoy fans call for Steve Harvey as Michelle Dee fails to enter Top 5

“Steve Harvey labas.”

Ito na lamang ang nasabi ng Pinoy pageants fans matapos mag-post ng maling placing ng Top 5 ang Miss Universe El Salvador page sa Instagram.

Ginanap ang grand coronation ng 72nd edition ng Miss Universe sa National Gymnasium sa San Salvador, El Salvador, nitong Linggo ng umaga, November 19, 2023 (Philippine time), kung saan si Sheynnis Palacios ng Nicaragua ang itinanghal na Miss Universe 2023.

Ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee ay umabot sa Top 10, pero hindi na umabante sa Top 5.

Sina Miss Australia Moraya Wilson, Miss Puerto Rico Karla Guilfú, Miss Nicaragua Sheynnis Palacios, Miss Thailand Anntonia Porsild, at Miss Colombia Camila Avella ang mga kandidatang pumasok sa Top 5.

Matapos ianunsyo ang Top 5, agad na nag-post sa Instagram ang Miss Universe El Salvador para ianunsyo ang nasa listahan ng mga umabante sa finals.

Dito makikita ang pangalan ni Michelle kahit na wala naman siya sa binanggit ng mga host na sina Maria Menounos, Olivia Culpo, at Jeannie Mai.

Miss Universe 2023

Bago pa nila ito burahin at palitan ng pangalan at litrato ni Miss Thailand ay marami nang netizens ang nakapag-screenshot at nagtanong kung bakit ito nangyari.

Ilan sa mga ito ay nagduda na baka raw kasama si Michelle sa Top 5 at nagkamali lang sa pag-anunsyo ang mga host.

Dahil dito, mabilis na nagtrending sa X (dating Twitter) ang pangalan ni Steve Harvey—ang dating host ng Miss Universe.

Matatandaang naging controversial ang paghu-host ng Miss Universe noong 2018 ni Steve nang magkamali siya sa pag-announce ng winner.

Inanunsiyo noon ni Steve na si Miss Colombia Ariadna Gutierrez ang nanalo, subalit makalipas ang ilang minuto, bumalik sa entablado ang American TV host at nilinaw na si Miss Universe Philippines Pia Wurtzbach ang totoong nanalo at hindi si Ariadna.

Tweet tuloy ng isang netizen (published as is), “WHERE IS STEVE HARVEY WHEN WE NEED HIM THE MOST????”

Hirit pa ng isa, “STEVE HARVEY LABASSS.”

Saad ng isa, “LUMABAS KA DYAN STEVE HARVEY. HINDI NAKASAMA SA TOP 5 SI MMD CHECK MO YUNG OFFICIAL LIST TAPOS PAKITA MO SA CAMERA.”

“IBALIK NIYO SI STEVE HARVEY, BAKA NAMALI LANG ANNOUNCEMENT NG TOP 5,” sabi pa ng isa.

Dagdag pa ng isang netizen, “Steve Harvey, we need your “I have to apologize” moment again.”

Kanya-kanyang hirit din ang Pinoy fans tungkol sa paghu-host noon ni Steve kumpara sa paghu-host ngayon ni Olivia.

Tweet ng isang Pinoy pageant fans, “I therefore conclude that Steve Harvey talaga ang lucky charm natin sa Miss Universe.”

NETIZENS REACT TO CATRIONA GRAY HOSTING STINT

Marami rin ang humanga sa energy at galing ni Catriona Gray bilang backstage commentator ng Miss Universe 2023.

Kahit na tapos na ang kanyang reign bilang Miss Universe 2018, patuloy pa rin daw na nagdadala ng pride si Catriona sa bansa.

Tweet ng isang netizen, “Catriona Gray still raising our flag how good she is as backstage host. Manifesting her as official host in the future.”

Sabi ng isa, “Catriona Gray deserves to be the main host of Miss Universe! Full of energy! Spunky, candid and insigthful.”

Biro pa ng ilan, may pakakahawig ang ipinakitang energy ni Catriona sa energy ng TV host-comedian na si Melai Cantiveros.

“Ang bilis magsalia ni Cat para siyang englisherang version ni Melai,” hirit ng isa.

Saad pa ng isang netizen (published as is), “Di pwedeng imain host si Catriona Gray, madadagdagan ng 1 hour kase daming chika ni bading.”

NETIZENS CONGRATULATE MICHELLE

Samantala, hindi man naiuwi ni Michelle ang ika-lima sanang korona ng Miss Universe sa Pilipinas ay bumuhos naman ang pagsaludo at pagbati ng kanyang mga tagahanga.

Narito ang ilang congratulatory messages sa kanya:

“Top 10 is TOP 10, although I believe @michellemdee deserved to be among the 5 finalists. Nonetheless, Congratulations MMD! You brought us back!! WE ARE EXTREMELY PROUD.”

“WE WERE ROBBED! Ayaw pahawakin at palamunin ng mic si MMD eh. But thank you for bringing us back to the semifinals, @michellemde! We’re ultimately proud of you!”

“We are beyond proud of you, Michelle Dee! Thank you so much for representing the Philippines.”