Pogi at matangkad na young actor, may kumakalat na video scandal

Kumalat ang isang maikling video noong Nobyembre 2023 kung saan walang saplot ang isang lalaki, at sinasabing si McCoy de Leon iyon.

Napatunayan agad-agad na deepfake ang maikling video dahil lumabas ang original video, kung saan ipinatong ang ulo ni McCoy.

Sa katawan pa lang ng lalaki sa nasabing video ay pagdududahan mo na agad kung si McCoy ba iyon. Medyo madilim iyong deepfake video kumpara sa original video.

“Nakapanood na ba lahat?”

Kahapon, Marso 11, 2024, Lunes ay kumalat na sa Messenger, X (dating Twitter), at Telegram ang screenshots at dalawang videoclip na nagpapaligaya sa sarili ang isang matangkad at makisig na aktor, na nasa 20s pa lamang.

Malinaw at maliwanag ang video. Mukhang may ka-chat si pogi.

So far, wala akong nakitang nag-comment na huwad ang naturang video clips.

GORGY RULA

Ang tagal nang wala akong nabalitaan sa young actor na ito. Binatang-binata na siya.

Huli siyang napanood sa isang prime time series na noong last quarter of 2023 nagwakas.

Dala kaya ng pagkabagot, walang magawa, kaya nakipag-intimate video call na lang?

Pero hindi na ito isyu. Ang dami nang nasasangkot sa ganung isyu.

Pag-uusapan lang sandali, tapos nakalimutan na.

NOEL FERRER

Cynthia-cynthia si pogi at matangkad na young actor?

Nag-indie siya ang magaling na young actor, at nagkaroon ng assignments sa isang major network.

Medyo tiwala ako sa manager niya na ipagdarasal siya at gagabayan siya sa tamang landas, at sana, hindi na maulit ito.

At mag-iingat na siya, dahil mas dapat siyang makilala sa husay niya bilang artista, hindi sa ibang bagay na dapat pampersonal lang talaga.