Premyadong aktres, tinuhog ang dalawang aktor sa kanilang TV series

Isinasabuhay pa rin ng premyadong aktres ang iconic role niya sa isang maalab na pelikula.

Kasama ang premyadong aktres sa cast ng isang TV series, at one of the boys ang eme-eme niya kapag break sa taping.

Bukod-tanging babae siyang nakiki-bonding sa umpukan ng mga aktor na kasali sa TV series.

Isa sa mga aktor na iyon ay bantog sa pagiging dakila at matulis.

Sa titigan pa lang at pagkibut-kibot ng labi ay nagkaintindihan na ang premyadong aktres at dakilang aktor. Pinahulagpos nila ang init na lumukob sa kanilang katawang lupa, at batid nilang ang pagsasalong iyon ay hindi nila dapat ipagkalat.

Puntirya ngayon ng premyadong aktres ang beteranong aktor na kasali rin sa TV series. Nilalambing-lambing ng premyadong aktres ang beteranong aktor na malapit nang maging septuagenarian.

Nagbebenta ng mamahaling tickets ang premyadong aktres para sa isang palabas.

May common denominator ang premyadong aktres, dakilang aktor, at beteranong aktor na magkakasama sa TV series—pare-pareho silang may mga pananagutan sa buhay.

NOEL FERRER

Ibang klase! Naku, delikado ito kapag nagkabukingan dahil bukod sa kani-kanyang partner, lagot itong premyadong aktres sa mas premyadong aktres na nali-link sa beteranong aktor ngayon.

Ito na talaga ang tinatawag na dangerous liaisons sa ating industriya. Afraiddie aguilar kung sakali!!!

GORGY RULA

Meron pa rin kasing lock-in taping paminsan-minsan kapag malayo ang location at sunud-sunod ang taping. Kaya sa mga break nila, doon lumalabas ang itinatagong demonyo sa katawan.

Matinik nga itong si dakilang aktor, at kapag nakakalusot, lulusot.

Natatawa lang siya kapag tinatanong mo, hindi umaamin pero hindi naman niya itinatanggi. Idinadaan lang sa pangiti-ngiti.

Pero itong si premyadong aktres, painosente raw ang dating, na akala mo hindi niya kayang gawin. Pero matinik din at kung lulusot, lulusot din ang lola mo!

Kilala na siya ng ibang aktres na kasama niya sa trabaho. Kinakaibigan lang daw nila itong si premyadong aktres, pero nag-iingat sila, at baka mabiktima rin sila.

Sabi nga raw ng sikat na singer-actress, friends ang turingan nila, pero hindi siya nagtitiwala nang bonggang-bongga. Mahirap na!