Queenie Padilla announces separation from Pakistani husband

Hiwalay na si Queenie Padilla sa kanyang non-showbiz Pakistani husband na si Usama Mir.

Si Queenie—na kilala rin sa kanyang Muslim name na Mashel Khadija Mir—ay ang eldest daughter ni Senator Robin Padilla at ex-wife nitong si Liezl Sicangco.

Sa Instagram ngayong araw, May 14, 2024, nag-post si Queenie ng photo message sa kanyang account.

Nakasaad dito ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Pahayag ni Queenie, “Assalamualaikum, after much thought and consideration my husband and I have decided to seperate due to irreconcilable incompatibility.”

Sinikap daw nilang ayusin ang mga hindi nila pagkakaintindihan ng halos ilang taon at buwan, pero hindi na talaga ito kayang agapan.

Ayon pa kay Queenie, mananatili ang pagmamahal niya at respeto sa ama ng kanyang nag-iisang anak.

Humingi siya sa publiko na hayaang manatiling pribado ang kanilang pinagdaraanan.

Dagdag pa ni Queenie, “This decision wasn’t taken overnight it has been years and months of trying to work things out. I will always have love, honour and respect for the father of my child.

“He’s a great father and responsible human being. Although life has taken us on different paths right now, I will forever cherish the Il years we’ve had together.

“Thank you for all your support over the years. Please respect our privacy during this difficult time.”

Queenie Padilla separation announcement

Si Queenie at Usama ay may isang anak na babae.

CONTINUE READING BELOW ↓
Wanna be part of Vivamax? Let’s hear it from Nico and Christine! | PEP Live Choice Cuts

MARRIED SINCE SEPTEMBER 2012

Kinumpirma ni Queenie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang “married” status noong June 9, 2015, sa palitan ng mensahe sa BLOG ng dating Kapamilya actress.

Unang napansin ng PEP.ph na may asawa si Queenie sa bio nito sa Instagram, kung saan inilarawan niya ang sarili bilang “wifey.”

Maging sa public account ni Queenie sa Facebook ay makikita sa kanyang profile ang kanyang “married” status.

Gayunman, nais ni Queenie panatilihing pribado ang kanyang buhay may-asawa, lalo pa’t hindi pa niya ipinapakita ang mukha ng mister sa mga larawang ipino-post niya sa BLOG at social media accounts.

Ang tanging ibinahagi niya sa Facebook followers ay isang throwback couple photo na parehong nakatalikod sina Queenie at Usama.

Sabi ni Queenie sa FB nitong January 4, 2024, “I still remember that moment like it was yesterday…. â€ª#‎hubby â€ª#‎nikkah #2012.”

Ang salitang “nikkah,” ayon sa islam.about.com, ay isang legal contract sa pagitan ng bagong kasal sa ilalim ng relihiyong Islam.

Nang tanungin ng PEP kung totoong kasal na siya noon pang 2012, ito ang sagot ni Queenie: “I’ve been [married] since September 2012.”

Wala pang reaksiyon ang mga kamag-anak ni Queenie.