Rayver Cruz at Julie Anne San Jose pinag-uusapan na ang tungkol sa kasal

Rayver Cruz on girlfriend Julie Anne San Jose: “Napakabait, napakalambing, napaka-genuine, napakabuti ng puso. Mabuting anak, mabuting kapatid. For me, she’s perfect. Siya yung wife material na hinahanap ng lahat ng kalalakihan. Napakasuwerte na kay Julie yun, at napakasuwerte ko rin na ako yung minahal niya.”

Julie Anne San Jose and Rayver Cruz are flirting on Twitter and it's too cute to handle | GMA Entertainment

Inasahan na ni Rayver Cruz sa nakaraang media conference ng bagong drama series niyang Asawa ng Asawa Ko na itatanong sa kanya kung may wedding plans na sila ng girlfriend na si Julie Anne San Jose.

Napangiti si Rayver sa pangungulit namin kung kailan niya balak mag-propose kay Julie Anne.

Saad ng Kapuso actor, “Kung itatanong niyo po kung kailan ako magpapakasal, mas gugustuhin ko naman na ma-surprise siya. Baka mas mauna niyo pang malaman. Kailangan caught off guard siya.

“Ako na lang ang pipili ng tamang oras para dun. Saka yung gusto ko ma-surprise siya nang todo.

Julie Anne San Jose speaks up on real score with Rayver Cruz | PEP.ph

“Ibang level na, e. Sobrang secure. Kitang-kita naman kung gaano ko siya kamahal. In God’s perfect time.”

Umayon naman si Rayver sa sinabi naming nasa marrying age na sila ni Julie Anne, at napapag-usapan naman daw nila ang tungkol dito.

“Matagal na po akong naghahanda actually,” pakli niya.

“Hindi naman namin parang dini-deny. Pinag-uusapan na namin minsan.

“Like, first of all ako, 34 na po ako e. So, hindi naman… I’m not getting any younger.

“Dun na rin naman papunta ang lahat. Alam naman ng lahat kung gaano ko siya kamahal.

“For me, alam ko na si Julie talaga ang gusto kong makasama habang buhay,” dagdag niyang pahayag.

Rayver Cruz declares love for Julie Anne San Jose | PEP.ph

Nakikita na raw ni Rayver kay Julie Anne ang katangian ng isang babaeng gusto niyang makasama forever.

“Napakabait, napakalambing, napaka-genuine, napakabuti ng puso. Mabuting anak, mabuting kapatid,” paglalarawan ni Rayver sa nobya.

“For me, she’s perfect. Siya yung wife material na hinahanap ng lahat ng kalalakihan.

“Napakasuwerte na kay Julie yun, at napakasuwerte ko rin na ako yung minahal niya,” sabi pa niya.

Ngayong Lunes, January 15, 2024, na magsisimula ng Asawa ng Asawa Ko sa GMA Prime.