Rewind ng DongYan, malapit nang maungusan ang worldwide gross ng Hello, Love, Goodbye ng KathDen

Rewind, starring Marian Rivera and Dingdong Dantes, is expected to surpass the worldwide gross of Hello Love Goodbye, starring Kathryn Bernardo and Alden Richards. 

As of January 17, 2024, Wednesday, nananatiling ang Hello, Love, Goodbye (2019) ang highest grossing film WORLDWIDE (domestic + international).

Lumampas sa PHP880M ang worldwide gross ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Pero inaasahang lalagpasan ng Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang worldwide gross ng KathDen movie.

Ipinagmalaki ng Star Cinema sa socmed na as of January 17, Wednesday, 3:00 p.m., ay umabot na sa PHP845M ang worldwide gross ng Rewind — na showing sa 300+ cinemas sa Pilipinas, USA, Canada, Guam, at Saipan.

Simula ngayong Enero 18, Huwebes, ay showing na sa Australia, New Zealand at Singapore ang 49th MMFF 2023 entry ng DongYan.

Noong Enero 14 ay nag-special screening ito sa Rome, Italy.

Sa Enero 21 ay sa Milan naman ito mag-i-special screening.

Sa Pebrero 9 ay palabas naman ito sa West California, USA.

Of course, kagaya ng iba pang MMFF 2023 entries ay may tatlong screening ang Rewind sa inaugural Manila International Film Festival sa Enero 29-Pebrero 2 sa Los Angeles, California.

Konting kembot o kandirit pa, kakabugin na ng Rewind ang WORLDWIDE gross ng Hello, Love, Goodbye.

We cannot overemphasize na as of January 17 ay No. 2 pa lamang ang WORLDWIDE gross (hindi adjusted sa inflation) ng Rewind sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Sa DOMESTIC gross, iyong kinita sa Pilipinas, doon nanguna ang Rewind with PHP815M.

Kinabog ng Rewind ang domestic gross ng Hello, Love, Goodbye na PHP691M.

Ang pangatlo ay ang The Hows Of Us nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na PHP660M ang domestic gross.

Sa kabugan ng worldwide gross, pangatlo rin ang THOU ng KathNiel with PHP810M.

Sa Top 3 movies na iyan ay lucky charm si Joross Gamboa, at producer ang Star Cinema.

Sa Rewind, kasosyo ng Star Cinema ang APT Entertainment at ang AgostoDos Pictures.

NOEL FERRER

Oh well, iyan din ang tanong sa akin ng mga tao kagabi.

Pero siyempre, masaya tayo na at least nag-pick up na ang mga pelikula noong 49th MMFF at congratulations sa team Rewind sa gross nilang ipinakita at kasisimula pa lang ng international screenings nila.

Siguradong lalaki pa iyan in time!

Flex ko lang ang talent kong si Joross Gamboa na pinangatawanan ang pagiging lucky charm at kasama sa Top 3 films na Rewind, Hello, Love, Goodbye, at The Hows Of Us.

Ang tatlong Pinoy movies na ito lamang ang lumampas sa PHP800M-mark ang worldwide gross.

Ang sumunod na tatlo ay Vice Ganda movies na hindi umabot sa PHP600M-mark.

Sana talaga, magtuluy-tuloy ang sigla ng ating industriya ng pelikulang Filipino.

GORGY RULA

Ang saya!

Mula nung December hanggang sa pagpasok ng taong 2024, ang ganda ng hatid sa mag-asawang Dingdong at Marian.

Ang positibo ng pagsisimula ng promo ng Season 2 ng sitcom nilang Jose and Maria’s Bonggang Villa na magsisimula na sa Sabado, January 20.

Another production ito ng Agosto Dos na collaboration pa rin sa APT Entertainment kasama ang GMA-7. Inaasahang mas active ngayon sa taong 2024 ang Agosto Dos.

Hiningan ng PEP Troika ne mensahe si Dingdong kaugnay sa mga magagandang balitang ito.

Ani Dingdong, “We appreciate the love and overwhelming response from our audience, contributing to the success of ‘Rewind’ and the entire MMFF 2023.

“This achievement reflects our commitment to collaboration, evident in Agosto Dos Pictures’ partnership with Star Cinema since 2011 and our ongoing collaboration with APT Entertainment and GMA Network for the series Jose and Maria’s Bonggang Villa.

“Our common goal is to produce engaging, inspiring, and informative content that showcases values through entertainment. The success of Rewind is a collective accomplishment with all its creators in front of and behind the camera.

“We extend our gratitude to the audience for their tremendous support, motivating us to consistently deliver quality material resonating with Filipino viewers.

“Recognizing that success is a collaborative effort involving everyone on and off-screen, we emphasize the importance of a unified industry approach, at siyempre dahil din ang lahat ng ito ay galing kay Lods! (celebration and positive vibes emoji).

“So while celebrating the MMFF’s success, we encourage ongoing support for local cinema, assuring the audience that their investment will yield entertaining and meaningful content.

“Mabuhay and Pelikulang Pilipino. Salamat Lods!”