Rhian Ramos casts d.oubt on Miss Universe 2023 results; fellow celebs congratulate Michelle Dee

Rhian Ramos, Michelle Dee, Miss Universe 2023
Actress Rhian Ramos did not hold back in defense of her good friend Michelle Dee. Michelle represented the Philippines at the recently concluded Miss Universe 2023. Her run ended after failing to advance in the Top 5.

Hindi kumbinsido ang aktres na si Rhian Ramos sa resulta ng katatapos lang na Miss Universe pageant.

Nagwagi ang pambato ng Nicaragua na si Sheynnis Palacioso sa ika-72nd edition ng Miss Universe na ginanap ngayong Linggo, November 19, 2023 (Philippine time), sa El Salvador.

Sa kanyang post sa X ay tahasang inihayag ni Rhian ang kanyang saloobin.

Makikita ang post ni Rhian na nagsasabing “Something” kasunod ng tatlong isdang emojis.

Mai-interpret ang post ni Rhian bilang “something fishy,” isang ekspresyon na sinasabi kapag may suspisyon na hindi maganda ang isang tao sa mga pangyayari o kaganapan.

Rhian Ramos, Michelle Dee, Miss Universe 2023
PHOTO/S: RHIAN RAMOS (X)

Kilalang malapit na magkaibigan sina Rhian at Michelle Dee na siyang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2023.

SOME NETIZENS AGREE

Sinigundahan naman ng ilang netizens ang pahayag ni Rhian.

Mayroon pang nag-post ng screenshot na diumano ay galing sa official Instagram account ng Miss Universe organization na kung saan ay nakalagay ang mga kandidatang nakapasok sa Top 5.

Rhian Ramos, Michelle Dee, Miss Universe 2023
PHOTO/S: RHIAN RAMOS (X)

Makikita sa graphic na kasama si Michelle sa mga contestants sa halip na si Anntonia Porsild ng Thailand.

Bagama’t nakapasok sa Top 20 at Top 10 ay hindi na pinalad si Michelle na mapabilang sa Top 5.

May isang nag-comment ng “Smells like something’s cooked.”

Sabi naman ng isang netizen (published as is), “Hindi naman sa bias ha, pero mas lamang talaga si Philippines kay Thailand sa whole performance. Kita naman natin don palang sa peleminary angat talaga si MMD. Parang Plano naata papasukin si Thailand sa top 5.”

Nag-trend din sa X ang salitang “ROBBED” kaugnay sa saloobin ng ilan na dinaya si Michelle sa kabila ng maganda nitong ipinakita sa pageant.

FELLOW CELEBRITIES CONGRATULATE MICHELLE

Sa isang banda ay marami namang taga-showbiz ang nagpaabot ng paghanga sa ipinakita ni Michelle.

Michelle Dee, Miss Universe 2023
PHOTO/S: MICHELLE DEE (INSTAGRAM)
Michelle Dee, Miss Universe 2023
PHOTO/S: MICHELLE DEE (INSTAGRAM)
Michelle Dee, Miss Universe 2023
PHOTO/S: MICHELLE DEE (INSTAGRAM)
Michelle Dee, Miss Universe 2023
PHOTO/S: MICHELLE DEE (INSTAGRAM)

MJ Lastimosa, Michelle Dee, Miss Universe 2023

Samantala, nagbigay din ng mensahe ang former beauty queen at National Director ng Miss Universe Philippines na si Shamcey Supsup para kay Michelle.