Ricci Rivero “no bad blood” with Andrea Brillantes; insists no overlapping with Leren Bautista

Bugbog-sarado sa batikos si Ricci Rivero at kasintahang si Leren Mae Bautista nung kasagsagan ng isyu ng hiwalayan ni Ricci at Andrea Brillantes.

Third party ang itinurong dahilan ng mitsa ng breakup nina Andrea at Ricci noon.

Sangkot sa isyu ang viral video ng non-showbiz girl na nahuling bisita sa condo ni Ricci, pati na rin si Leren na naugnay kay Ricci ilang linggo bago isinapubliko ni Ricci na hiwalay na sila ni Andrea noong Hunyo 2023.

Nanindigan naman si Ricci na hindi totoo ang alegasyong niloko niya si Andrea.

Ricci Rivero on ex-girlfriend Andrea Brillantes and current girlfriend Leren Bautista

Kung inulan noon ng kabi-kabilang pambabatikos si Ricci, umikot ang kapalaran nang maituro si Andrea na third party sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong huling bahagi ng 2023.

Kung anu-ano ring masasakit na mga salita ang ikinabit kay Andrea, na hanggang ngayon ay nanatiling tikom ang bibig sa isyu.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ricci sa third anniversary party ng Zion, na ginanap sa grand ballroom ng Solaire Resort and Casino noong January 12, 2023.

Dito ay sumagot ng “yeah” si Ricci nang tanungin kung tingin niya ay “vindicated” siya sa alegasyong siya ay nambabae noong sila ni Andrea.

Nanindigan siyang hindi nag-overlap ang relasyon niya kina Andrea at Leren.

“Yeah, everyone knows sa both circle namin na walang overlapping na nangyari,” diin ni Ricci.

Paliwanag niya, “Pero sa akin kasi, from the start naman nagsasalita lang naman ako pag medyo bugbog na yung family ko and si Leren, which I think they don’t deserve.

“Kasi if ako, wala naman sa akin yun.

Ricci Rivero - IMDb

“Since pumasok ako dun sa relationship, I know naman how social media plays in our lives right now—the spotlight that we got din during that time.”

Naka-move on na raw siya sa mga batikos na natanggap niya nang matawag na “cheater,” “two-timer,” at iba pang masakit na salita.

“Pero sa akin, wala naman talagang anything. No bad blood.

“Sa akin lang siyempre masakit sa family ko and for Leren, they don’t deserve the words na nasabi sa kanila and the judgment and all that

“I was sad for her that’s why nagsalita na ako. And siyempre, nakakalungkot for her and her family kasi first time nilang napunta sa ganung bashing.

“For me, I felt na unfair sa kanila.

“Pero sa akin naman ngayon, tapos na yun. I’m just happy na maayos ang family namin, maayos kami, happy kami.”

NO COMMUNICATION WITH ANDREA

Nang hingan ng reaksiyon sa kontrobersiyal na pagkasangkot ni Andrea sa hiwalayang Kathryn at Daniel, tumangging magkomento si Ricci.

Ang tanging sinagot niya ay wala raw siyang sama ng loob kay Andrea sa kabila ng hindi magandang hiwalayan nila.

“Wala akong anything sa kahit na sino,” paglilinaw ni Ricci.

“Ako naman, ang importante lang sa akin, okay ang family ko, wala kaming hate sa kahit na anuman.

“Ang sa akin, nasaktan man kami, sila, si Leren, yung family niya, gusto ko lang makilala sila ng tao.

“Sa akin, kung anuman ang sabihin sa akin, medyo kaya kong tanggapin.”

Sa ngayon ay di pa rin nakakapag-usap sila Andrea at Ricci.

Choice ba nilang di mag-usap?

“Yeah. Better na ganun? Siguro,” simpleng sagot ni Ricci.

Leren Bautista - Wikipedia

ON RICCI’S FAMILY

Ayon kay Ricci, may ibang netizens na hinusguhan siya ang humingi rin ng tawad sa kanya kalaunan.

“Yeah, pero wala naman sa akin. Di naman ako nagtanim ng sama ng loob sa kahit na sino kasi sa akin naman we really know what’s true.

“We really know what’s right from wrong, and we all know God will always make way for people who follow.”

Iyon daw ang kinapitan ni Ricci at ng kanyang pamilya noong kasagsagang pinutakti siya ng batikos.

Hindi kaila sa mga nakasubaybay sa isyu na pati ang mga magulang ni Ricci ay naging bukas sa pagtatanggol sa kanya noon.

“Kasi yung bond ng family, yung core namin, we know na hangga’t nasa tama naman at ayos naman, God will find the way help us din to [overcome] all the storms.

Andrea Brillantes là ai? Tiểu sử, đời tư và sự nghiệp

“Lahat naman yan di ibibigay sa atin without Him knowing na kaya nating lagpasan yun. Lahat yun obstacles lang.

“And I’m glad na ngayon, happy yung family, maayos kami, healthy. Yun naman ang gusto naming lahat.”

BASKETBALL OVER SHOWBIZ CAREER

Sa huli, tinanong si Ricci kung nagdesisyon siyang hindi tuluyang pasukin ang showbiz dahil sa pinagdaanang kontrobersiya.

Sagot niya, “It’s actually my choice rin naman na di maglipat-lipat talaga. And ever since naman, thankful ako talaga sa lahat ng mga offers sa showbiz.

“But yun nga, sinabi ko naman talaga na first option ko is basketball talaga.”