Richard Gutierrez nabiktima rin ng fake quote card sa gitna ng hiwalayan nila ni Sarah Lahbati

richard gutierrez fake quote card

Parehong biktima ng mga fake social media post ang estranged couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, na kapwa hindi pa nagsasalita tungkol sa kanilang paghihiwalay na kinumpirma ng ina ng aktor na si Annabelle Rama.

Unang naging biktima ng fake quote card si Sarah.

Pinabulaanan nitong siya ang nagsabi ng nasa quote card: “I’m grateful that I married Richard because he’s truly husband material and a father figure.

“It seems he got brainwashed, that’s why he changed. I can’t stand the fact that my mother in-law, you’d think was not well taken care of by my husband before.

“My advice to those planning to get married, get to know your future in-laws so you won’t end up like me.”

Ngayong Biyernes ng hapon, Disyembre 15, 2023, kumalat sa social media ang fake post na ginamit ang pangalan at litrato ni Richard na kinuha mula sa kanyang Instagram post noong Nobyembre 14, 2023 .

Nakasaad sa fake post: “I am not a mama’s boy. I simply follow and respect my mother’s guidance and what my mom said is true—almost everyday.

“You want to travel. Do you think my money is unlimited?

“So it’s better that we part ways than to hurt each other. It’s better this way, that we are free.

“I’ll take care of the kids, you just focus on your career and travel goals.”

rcihard gutierrez post

Isang malapit sa pamilya Gutierrez ang nagkumpirmang fake ang kumakalat na social media post na iniuugnay kay Richard.

Sa original Instagram post ni Richard noong November 14, ito ang kanyang caption: “Get up, change of perspective, move forward…And let the Most High take the wheel”

richard gutierrez post

Pinayuhan sina Richard at Sarah ng kanilang mga legal counsel na huwag magsalita tungkol sa isyung kinasasangkutan nila.

Dapat maging mapanuri at maingat ang netizens sa kanilang mga nakikita sa iba’t-ibang mga social media platform para hindi sila maging biktima ng mga mapanlinlang.

Hindi maipagkakailang ang sinabi ni Annabelle sa panayam ng ABS-CBN News na, “Si Richard, trabaho nang trabaho. Yung isa, nagwawaldas ng pera,” ang ginamit na basehan ng gumawa ng fake social media post tungkol kay Richard.

Aniya, “Kung hindi ako pinag bawalan ng lawyer na magsalita, mag-enjoy sana ang buong mundo sa sasabihin kung kwento. Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan sa pangyayari pero wala akong magawa.”

Si Annabelle rin ang nagbanggit sa Facebook post nitong pinagbawalan siya ng kanyang abogado na magsalita.