In-unfollow na rin ni Richard Gutierrez ang kanyang estranged wife na si Sarah Lahbati sa Instagram.
Kahapon, January 9, 2024, napansin ng mapanuring mata ng netizens na hindi na naka-follow si Sarah sa mister na si Richard sa Instagram. Pero naka-follow pa rin ang aktor sa kanya.
Ngunit makalipas lamang ang ilang oras, napansin ding naka-unfollow na si Richard kay Sarah.
Kasunod nito ay kapansin-pansing halos sabay-sabay ring in-unfollow si Sarah sa Instagram ng mga kapatid ni Richard na sina Ruffa Gutierrez at Raymond Gutierrez at ng kanilang inang si Annabelle Rama.