Rita Daniela, bakit hindi kinuhang ninong ng anak si Ken Chan?

Magsasama muli sa pelikula sina Rita Daniela at Ken Chan.

Isiniwalat ito ni Rita sa sa contract signing niya sa iSkin Aesthetic Lifestyle noong Abril 24, 2024, Miyerkules, sa Air Mall, Malugay St., Makati City.

“Magiging producer ko siya. Magiging part ako ng Slay Zone Part 2. First time kong makakasama sa isang proyekto ang nag-iisang Glaiza de Castro,” pagtatapat ni Rita.

“I think kasama rin si Ken sa cast.”

rita daniela ken chan ninong

Ii-slay ba niya si Ken sa story? O siya ang ii-slay nito?

“Hindi ko alam! Pumunta ka na lang sa presscon ng Slay Zone 2!” bulalas ni Rita.

Ididirek pa rin ito ni Louie Ignacio, na nagdirek ng Slay Zone starring Glaiza and Pokwang. Ipinalabas iyon sa mga sinehan noong Pebrero 14.

Iprinodyus iyon ng WIDE International, kung saan kabilang sa investors sina Ken at Glaiza.

Ang huling RitKen movie ay ang Huling Ulan sa Tag-araw na idinirek din ni Louie Ignacio, at official entry sa Metro Manila Film Festival sa MMFF 2021.

Noong panahong iyon ay wala pang anak si Rita. Ang panganay ni Rita na si Uno ay one year and four months old pa lamang.

Co-parenting kay Uno si Rita Daniela at ang ama ng bagets. Tiniyak ni Rita na hindi na sila magkakabalikan ng ama ni Uno, at OK na siya sa kanilang set-up.

Hindi kaya in the end ay sina Rita at Ken Chan ang magkatuluyan?

“Malalaman natin yan sa mga susunod na taon! Tingnan natin kung ano ba ang plano ni Lord!” bulalas ni Rita.

“Wala namang makakasagot niyan kundi si Lord.”

Na-maintain yung friendship nila ni Ken?

“You know what, we’re actually way, way so much better than before,” pag-amin ni Rita.

“So much better, oo.”

GORGY RULA

Kabilang ba si Ken sa mga ninong ni Uno?

“Hindi siya ninong,” sey ni Rita.

Bakit hindi niya kinuhang ninong si Ken? Noong binyag ni Uno, hindi ba sila OK?

“Parang ako naman kasi, in-explain ko yon, even my best friends, ha, like my closest friends, isa lang… kumbaga, kumuha lang ako ng representative of them,” paliwanag ng Kapuso singer-actress.

“Kasi para sa akin, kasi kapag best friend mo, close friend mo, automatic yun, e. Di ba?

“Na susuportahan yung bagets, mamahalin yung bagets. So OK na yun. Ako kasi, para sa akin kasi, ang pagkuha kasi ng ninong at ninang, mabigat na responsibilidad yun, e.

“Ibig sabihin kasi, kung saka-sakalin man, di ba, na kung ano man ang mangyari sa amin nung tatay ni Uno, e sila talaga yung literal na magpapalaki sa anak ko.

“Sila ang magbubuhay sa anak ko, magpapaaral, lahat na. So, hindi siya basta porke friends lang tayo, ‘Uy! Ninong, ninang ka, ha?’

“Ipapasa ko yung responsibilidad na yun balang araw, e, di ba? So I have to really, really decide talaga, be careful kung sino yung mga tao na yun. Alam ko na talagang kaya nila.”

ken chan rita daniela tampuhan

WHY KEN CHAN IS NOT A NINONG OF RITA DANIELA’S SON

Ilan lahat iyong mga ninong at ninang ni Uno?

“Ilan? Naku, wait… parang… kasi ang hirap magbilang dahil siyempre kapag kumuha ka ng ninong, automatic, di ba, parang yung mga asawa nila, ninong o ninang na rin,” tugon ni Rita.

“I think nung dedication ni Uno, sinabay ko kasi yung first birthday niya and dedication niya, parang nasa 30 siguro sila.”

Wala pang asawa si Ken kaya siguro hindi niya napili?

“Diyos ko, ha?! I cannot comment on that.”

Hindi naman nagprisintang magninong si Ken?

“Actually tinanong niya, ‘Bakit ba kasi hindi mo ako ginawang ninong?’ Tapos tawa lang ako nang tawa,” pagtatapat ni Rita.

“Tapos sabi ko sa kanya, ‘O, eto yung ang magiging role niyan,’ kaka-explain ko lang. ‘Eto kasi yan,’ tururut-tururut-tururut. ‘O, kaya mo ba?’

“Ang sabi niya sa akin, ‘Ay! Dapat pala, ang kinukuha mong mga ninong, sina Jonathan So…,’ yun ang sagot niya.

“At least sa kanya na rin nanggaling, di ba? OK.”

By the way, aside from Rita ay brand ambassadors din ng iSkin ang Sparkle artists na sina Brent Valdez, Kim Perez, Rein Hillary, at Olive May.

sparkle artists endorsement

(From left) Brent Valdez, Rita Daniela, Rein Hillary, and Olive May