Ano ang masasabi ni Rita Daniela sa pagdagsa ng mga ABS-CBN stars sa GMA-7?
Bilang isa si Rita sa mga nag-perform sa contract signing ng GMA-7 at It’s Showtime noong March 20, hiningan ng opionyon si ang singer-actress tungkol sa bagong partnership ng Kapuso at Kapamilya networks.
Lahad niya, “Ay napakasarap sa puso. Kasi sabi nga ni Meme [Vice Ganda], it’s a very iconic historic and mothering event of the year.
“And sa dami ng puwedeng mag-perform that day ay isa ako sa napabilang at naalala nila and ang sarap sa puso na binibigyan din ako ng importansiya ng network ko.”
Naramdaman din ni Rita ang pagiging ate sa mga baguhan, at bulalas niya, “Ang sarap sa feeling!”
Sa pagpapautloy niya, “Kasama ko yung mga TNT Champions, na-meet ko. Tapos kasama rin yung mga The Clash champions natin, which is siyempre nakakasama ko na sila sa All-Out Sundays.“
Isang hindi-malilimutang karanasan para kay Daniela ang nangyari.
“Nakakataas-balahibo at nakakaiyak marinig in person yung mga speeches ng lahat, nakakaiyak siya.”
Eere na sa Kapuso network ang It’s Showtime simula ngayong Sabado, April 6, 2024.
RITA DANIELA SEES OPPORTUNITY NOT THREAT
Dahil sa naganap na performance ng sa contract-signing, may chance na rin ba na maging guest ang 29-year-old performer sa It’s Showtime?
Tugon niya, “I think so, yes. Kasi nasabi rin sa akin ni Meme na parang I think she’s also looking forward for me to perform there.”
Hindi raw threat para kay Rita kapag may show o artist na galing sa ibang network na lumilipat sa GMA-7, kung saan homegrown talent si Rita.
Pahayag niya, “Personally, ha, I don’t think it’s a threat kasi it’s really actually para sa isang artista mas lalawak pa yung oportunidad mo.
“Para sa akin, ha, if you’re confident enough and you know what you’re capable of as an artist, you won’t ever feel that you’re threatened.
“So me, I’m not threatened kasi I know what I’m capable of as an artist, I know what I can give. Alam ko at confident ako na hindi ko mapapahiya ang network ko.
“Hindi ko mapapahiya ang mga bosses ko sa GMA kasi pag sinalang nila ako somewhere, magagawa ko nang maayos yung pinapagawa sa akin.”
So puwede na silang mag-singing showdown sa kantahan ni Angeline Quinto na nasa bakuran ng ABS-CBN?
“Bakit hindi,” mabilis na tugon ni Rita, “if given the chance, di ba? That would be fun.”
RITA DANIELA: FROM SINGER TO ACTRESS TO ENTREPRENEUR
Samantala, business partners na ni Rita ang naging katambal na si Ken Chan.
Magkasosyo sila sa chain of restaurants ni Ken na Deer Claus Steakhouse & Restaurant.
Bukod sa kanya, kasosyo rin si Glaiza de Castro, na partner din ni Ken sa Wide International Film Productions, isang kumpanya na involved sa paggawa ng mga pelikula at pagma-market ng kung anu-anong produkto.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rita sa The Wide Style Project Launch sa SM North EDSA Annex (Event Center), noong Sabado, Marso 23, 2024.
Ano ang pakiramdam ni Rita na sa unang pagkakataon ay sasabak na siya sa pagnenegosyo?
Sagot ng aktres, “Ah, masarap sa feeling, masarap sa puso, di ba?
“Saka parang I think it’s time na rin to take it to the next level kasi I’ve been a singer and an actress for eighteen years now.
“So parang maliban sa pagiging nanay, what’s next for me? So ibibigay ko ito para sa sarili ko, I think it’s time.”
Bakit hindi rin siya naki-partner sa Wide International Film Productions?
Paliwanag ni Rita, “As of now kasi, wala pa siya sa plans ko. Alam naman ng lahat mahilig ako sa pagkain, di ba? So dito muna ako sa resto.
“I think mas makakapagbigay ako ng inputs, mas magiging hands-on ako sa partner-an.”
Magbubukas raw sila ng mga bagong branch ng Deer Claus Steakhouse & Restaurant sa Timog sa Quezon City, Batangas, at sa Bataan.