Robi Domingo addresses netizens linking Donny Pangilinan to Kathryn Bernardo

Hindi pinalampas ni Robi Domingo ang pang-iintriga sa mga kaibigan niyang sina Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo.

Parehong guests sina Donny at Kathryn sa wedding ni Robi sa longtime girlfriend na si Maiqui Pineda noong Sabado, January 6, 2024.

Sa kanyang Twitter post noong January 10, ni-repost ni Robi ang video kunsaan makikitang masayang nagsasayaw si Kathryn sa after-party ng wedding reception.

Ang dancing partner ni Kathryn ay si Rose Fausto, isa sa ninang sa kasal ni Robi at siyang original na nag-post ng IG Story na kasayaw si Kathryn.

Base sa video, makikitang lumapit si Donny kay Kathryn sa dance floor, tinapik ito sa braso, at kinausap ito.

Kathryn Bernardo and Donny Pangilinan

Maya-maya ay lumayo rin si Donny papuntang gilid ng dance floor, kunsaan naroon din ang isa pang celebrity wedding guest na si Joshua Garcia.

Nabigyan ng malisya ang paglapit ni Donny, base sa komento ng isang netizen na nagsabing “hi @donnypangilinan ganto ka pala pag interested ka sa babae.”

Naglagay ang netizen ng hashtag na #DonBelle, ang uniname ng tambalan nina Donny at Belle Mariano.

Donny Pangilinan and Kathryn Bernardo at Robi Domingo wedding reception

Sinagot ni Robi ang netizen.

Paglilinaw ni Robi: “Just for the record: we’re all friends here. We’ve got each other’s backs. No issues, please.

“Also, being the groomsmen, @donny and @Espanto2001 helped us out in taking care of all of the guests.”

Guest din sa wedding ni Robi ang ex-boyfriend ni Kathryn na si Daniel Padilla.

Sina Robi, Kathryn, Donny, Joshua, at Daniel ay Kapamilya stars na nasa ilalim ng talent management ng ABS-CBN, ang Star Magic.

November 30, 2023 nang ianunsiyo nina Kathryn at Daniel ang tungkol sa kanilang hiwalayan.