Romnick Sarmenta, naging girlfriend ba talaga noon si Sheryl Cruz?

Ano nga ba ang real score sa pagitan nina Romnick Sarmenta at Sheryl Cruz noong kasikatan ng kanilang loveteam?

“Ano ba ang tamang sagot, Sheryl?”

Iyan ang pabirong sagot ni Romnick Sarmenta sa tanong kung naging sila ba nang katambal na si Sheryl Cruz noon.

Matatandaan na isa ang tambalan nina Romnick Sarmenta at Sheryl Cruz sa may pinakamaraming taga-suporta noong late ’80s hanggang ’90s. Kaya hindi rin nakakapagtaka kung naging usap-usapan ang relasyon nila sa totoong buhay noong mga panahon na ‘yon.

Sa Updated with Nelson Canlas podcast, binigyang linaw na sa wakas ni Romnick Sarmenta ang totoong naging estado nila noon ni Sheryl Cruz. Pag-amin ng aktor, hindi niya alam kung umamin na si Sheryl tungkol dito. Pero ayon sa kaniya, “I think it’s fair to say na being together every day made us fond of each other.

“Siguro dahil we were always together. [Ang tawag natin doon MU.] Parang ganun, parang ganun. Of course, we’re very young so hindi mo masabi na ‘Seryoso ba ‘yun o hindi?’” sabi niya.

BALIKAN ANG REEL TO REAL LIFE COUPLES NA NAGKAHIWALAY RIN SA GALLERY NA ITO:

Pagpapatuloy ni Romnick, “Hindi mo pwedeng sabihin hindi naman siya seryoso kasi we were together. We were not trying to play with each other’s feelings, I think it’s fair to say na being together everyday made us fond of each other and we found it easier to relate to each other.”

Pero paglilinaw niya, hindi pa nila matawag na relationship ang meron sila noon dahil “I think masyado pa kaming bata then.”

Iyan din ang naging sagot ni Sheryl Cruz noong ma-interview siya sa Fast Talk with Boy Abunda noong May.

Sa naturang sikat na afternoon talk show, inamin ni Sheryl Cruz na niligawan siya ni Romnick Sarmenta ngunit hindi niya ito sinigurado. Bukod kasi sa mga bata pa sila, ay iba rin ang kaniyang prayoridad noong mga panahon na iyon.

Aniya, “My head was really focused about finishing school, and not only finishing school but also moving on to become a solo actress that will be paired off with other leading men.”

Pakinggan ang buong interview ni Romnick Sarmenta dito: