Pinalagan ni Ruffa Gutierrez ang balitang buntis siya ngayon at ang ama raw ng kanyang dinadala ay ang rumored boyfriend na si former Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Sa kanyang Instagram Stories kagabi, January 18, 2024, sunud-sunod ang posts ni Ruffa ng denial ukol sa mga ito.
Una na rito ang larawan nila ni Herbert na ibinahagi sa social media.
Nakasulat dito, “RUFFA GUTIERREZ, BINUNTIS NI HERBERT BAUTISTA?”
Caption ni Ruffa sa post, “Uhm… [thinking face emoji]”
Sa isa namang social media quote, nakasulat dito, “JUST IN! Ruffa Gutierrez UMAMING BUNTIS! HERBERT Bautista magiging TATAY na!”
Sabi ni Ruffa sa caption, “I wasn’t going to dignify this with an answer but everywhere I go, people are congratulating me [shocked, laughing emojis].”
Nakalagay dito, “How true na buntis daw ang aktres na si Ruffa Gutierrez kay dating Quezon City Mayor Herbert Bautista?”
Ang sabi lang ng aktres dito, “So here it is: FAKE NEWS!”
Naging usap-usapan ang relasyon ni Ruffa at Herbert noong taong 2022.
“MASAMANG BIYENAN”
Samantala, tinawag ding “fake news” ni Ruffa ang kumakalat na quote card na sinabi umano ng kanyang inang si Annabelle Rama.
Pinalalabas na talak ito ni Annabelle sa kanyang estranged daughter-in-law na si Sarah Lahbati.
Mababasa rito ang salitang “waldas,” na siya raw dahilan ng hiwalayan nina Sarah at asawang si Richard Gutierrez.
Nakasaad sa quote card: “Masamang biyenan daw ako. Oo ‘day! Masamang biyenan talaga ako! Sino ang di mag-iinit ang ulo kung puro waldas ng pera at shopping malls lang ang alam. Ni hindi nga yan humahawak ng walis tambo at naghuhugas ng plato. Akala mo anak ng mayaman eh, umaasa lang naman sa tatay na foreigner. Hay naku ‘day! Gigil mo ako ‘day ha!”
Paglilinaw ni Ruffa tungkol dito, “Again, FAKE NEWS!! [face with rolling eyes emoji]”