Mariing pinabulaanan ni Sarah Lahbati na sinabi niyang brainwashed ang kanyang asawang si Richard Gutierrez kaya nagbago ito.
Hindi rin daw niya sinabing hindi inalagaan nang mabuti ng father-in-law na si Eddie Gutierrez ang mother-in-law na si Annabelle Rama.
Hindi rin daw niya ipinayo sa iba na dapat kilalanin muna ang kanilang magiging in-laws bago sila mag-asawa dahil baka matulad sa kanya ang mga ito.
Buong nakalagay sa quote card na kumalat sa social media: “I’m grateful that I married Richard because he’s truly husband material and a father figure.
“It seems he got brainwashed, that’s why he changed. I can’t stand the fact that my mother-in-law, you’d think, was not well taken care of by her husband before.
“My advice to those planning to get married, get to know your future in-laws so you won’t end up like me.”
Burado na ito sa Facebook.
Sa kanyang Instagram broadcast channel ngayong araw, December 11, 2023, sinabi ni Sarah na hindi niya kailanman sinabi ito.
“Fake news” kung ituring niya ang nasabing quote card.
Buong mensahe niya, “Hey everyone! Just wanted to clear something and this is the last time (hopefully) that I’ll have to do this.
“Please beware of fake news. I never said this. Hope everyone has a blessed week ahead. x
“Sarah”
Nananatili pa ring tikom ang bibig ni Sarah tungkol sa hiwalayan nila ni Richard.
Pero, si Annabelle ay mga pasaring naman laban sa kanya.
Sinabi pa nga ng celebrity mom na tila nagwawaldas ng pera si Sarah habang ang anak niyang si Richard ay kayod nang kayod.
May pasaring naman ang ama ni Sarah na si Abdel Lahbati sa isang taong hindi rin nito pinangalanan na diumano’y kahol nang kahol.
Si Annabelle ang hinala ng netizens na pinaparinggan niya.