Sarah Lahbati, Richard Gutierrez, may kanya-kanyang birthday party para sa anak na si Kai

Richard Gutierrez, Zion, and Kai
Richard Gutierrez, ipinagdiwang ang ika-6 kaarawan ng kanyang bunsong anak na si Kai sa pamamagitan ng isang Minecraft-themed birthday party na ginanap sa isang hotel sa Alabang nitong nakaraang Sabado, March 23, 2024. Sa kabila ng kasiyahan, kapansin-pansing wala si Sarah Lahbati.

PHOTO/S: @RICHARDGUTZ ON INSTAGRAM ILLUSTRATION: RICHARD GUTIERREZ, ZION, KAI

Hindi na mag-iisip pa ang publiko sa hindi pagdalo ni Sarah Lahbati sa pagdiriwang ng ika-anim na kaarawan ni Kai.

Inamin na kasi niya na hiwalay na sila ng asawang si Richard Gutierrez.

Isinilang si Kai noong Marso 21, 2018, at para sa kanyang 6th birthday, naghanda ang kanyang ama ng selebrasyon noong Sabado, Marso 23, 2024, sa isang hotel sa Alabang, Muntinlupa City.

PARTY WITH GUTIERREZ FAMILY

Full force ang Gutierrez family, na pinangunahan ng mga magulang ni Richard na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Nakita rin sa photos na ipinost ni Richard sa kanyang Instagram stories ang kanyang ate na si Ruffa Gutierrez.

Kai Gutierrez with Lolo Eddie Gutierrez and Lola Annabelle Rama
PHOTO/S: @RICHARDGUTZ ON INSTAGRAM

Ang 2011 sandbox game na Minecraft ang tema ng pagdiriwang ni Kai.

Kasama niyang pumasok si Daddy Richard at ang kuya na si Zion sa venue.

 Kai Gutierrez party with the Gutierrez family
PHOTO/S: @RICHARDGUTZ ON INSTAGRAM

Hango sa Minecraft colors and game elements ang set-up.

May program at games din.

Kai Gutierrez party set-up
PHOTO/S: @RICHARDGUTZ ON INSTAGRAM

PARTY WITH LAHBATI FAMILY

Dalawang beses na nagkaroon si Kai ng Minecraft-themed birthday celebration.

Ngayong Linggo ng hapon, Marso 24, inilabas din ng nanay ni Sarah na si Esther Lahbati ang video at larawan ng pagdiriwang ng ika-anim na kaarawan ng kanyang apo na idinaos sa tahanan ng anak niya.

Sa mga corners ng house, makikita ang Minecraft-inspired decor.

Kai Gutierrez 6th birthday with mom Sarah Lahbati
PHOTO/S: @ESTHERLAHBATI ON INSTAGRAM
Kai Gutierrez party with mom Sarah Lahbati
PHOTO/S: @ESTHERLAHBATI ON INSTAGRAM

Nilagyan ni Esther ang mga larawan ng caption na “Happy birthday dearest Kai. We love you so much. The most sweetest boy, loving and handsome [sic] boy.

“Mama was so lucky to have you from day one na pinanganak ka. Sabi ko wow, ang cute-cute mo talaga! Million kisses, hugs and forever love from Lahbati family. We are here always for you.”