Sarah Lahbati’s parents Esther and Abdel visit DOJ; are they preparing for legal battle?

May plano bang dumulog sa husgado ang mga magulang ni Sarah Lahbati na sina Esther Lahbati at Abdel Lahbati?

Kahapon, February 29, 2024, ibinahagi ni Esther sa Instagram ang larawan nila ni Abdel na kuha sa harap ng gusali ng Department of Justice (DOJ) sa may Taft Avenue, Manila.

sarah lahbati parents

Base sa caption ni Esther, hindi bagong kuha ang larawan dahil tila itinabi muna niya ito at naghihintay ng tamang panahon kung kailan ito maaaring i-post.

Buong caption ng ina ni Sarah, “#Finally na post ko na rin itong picture na to taga rito ako sa Philippines ngayon lang ako naka pag pa picture dito sa DOJ.[PH flag]”

Nakiliti naman ang isipan ng maraming netizens na nakasubaybay sa mga kaganapan sa buhay ng mga Lahbati, lalo na sa aktres na si Sarah.

Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na may problema ang pagsasama nito sa estranged husband na si Richard Gutierrez.

Sabi ng isang netizen, “Dapat lang maam,eh demanda mo yon!below the belt na ang paninira nya sayong pamilya!”

Esther Lahbati netizens

Ayon sa isa pa, “WALANG MANGAAPI KUNG WALANG MAGPAPAAPI.Walang masama sa itama ang MALI, dahil kung hindi mo puputulin ang MALI , patuloy nilang gagawin ang MALI, dahil NAGTATAMA SA KANILA SA TAMANG PARAAN.Galit ako mga taong kinukunsinti ang MALI. PRAYERS FOR YOU and SARA .”

Esther Lahbati netizens

Dagdag ng isa pa, “fight for what is right.”

Esther Lahbati netizens

Saad naman ng isa, “Ganon tlga ipaglaban ang unica hija nyo sobra ng pang aapi ng Inahin ng mama’s boy.”

Esther Lahbati netizens

Wala mang pinangalananan ang netizens, masasabing si Annabelle Rama, ina ni Richard, ang nais nilang tumbukin sakaling may legal na hakbang na gagawin sina Esther at Abdel.

Walang sinagot si Esther sa mga komento ng netizens.

Samantala, kahit wala pang direktang pag-amin si Sarah sa matagal nang usap-usapang hiwalayan nila ng asawang si Richard, inamin niyang hindi sila nag-uusap ngayon.

Hindi na rin daw sila magkasama sa bahay at maging sa pagpapalaki sa dalawa nilang anak na sina Zion, 10, at Kai, 5.

Pahayag niya sa panayam ng News5, “It’s not easy on any child but I’m here for them and they’re better.”

Hindi man ito ang buhay na pinangarap ni Sarah, titiyakin daw nila ni Richard na mananatili silang mabuting magulang para sa dalawa nilang anak.

Ang kapakanan daw nina Zion at Kai ang una nilang isinasaalang-alang sa lahat ng desisyong gagawin nila.

Ani Sarah, “Well, of course, it’s not ideal for the children, let’s go back to the kids. But that’s life and that’ll be fine.

“We’re good at parenting and we have, you know, we are there for the kids. That’s all I’m gonna say.”