Sheena Palad breaks silence on Eva Darren-FAMAS issue

Nagsalita na ang baguhang singer na si Sheena Palad hinggil sa aberyang nangyari sa 72nd FAMAS Awards, kunsaan pinalitan niya bilang presenter ang beteranang aktres na si Eva Darren.

Nitong Lunes, May 27, 2024, naging usap-usapan sa social media ang mahabang Facebook post ng anak ni Eva na si Fernando de la Peña, kunsaan ikinuwento nito ang pagbabalewala at pagdisrespetong naranasan umano ng kanyang ina mula sa organizers ng FAMAS.

Pagbabahagi ng anak ni Eva, inimbitahan ang kanyang ina sa 72nd FAMAS pero hindi natupad ang ipinangako sa veteran actress na partisipasyon nito bilang award presenter.

Sheena Palad breaks silence on replacing Eva Darren at FAMAS Awards 2024

Dapat ay katuwang ni Eva ang kapwa beteranong aktor na si Tirso Cruz III sa pagpe-present ng special citations, pero bigla siyang pinalitan ni Sheena nang hindi nila alam kung ano ang dahilan.

Bagamat agad na naglabas ng pahayag ang FAMAS upang humingi ng paumanhin sa beteranang aktres, marami pa rin sa netizens ang nakisimpatiya sa sinapit ni Eva.

Kaliwa’t kanang batikos ang natatanggap ngayon ng FAMAS. Maging si Sheena na pumalit kay Eva ay nadamay rin sa galit ng netizens.

Si Sheena ay nakababatang kapatid ni Felson Palad, ang asawa ni Donita Rose.

Kabilang siya sa mga grand finalist sa Tanghalan ng Kampeon ng TiktoClock na magaganap sa susunod na buwan, Hunyo 2024.

Sumali rin siya sa “Bida Next,” ang talent search ng Eat Bulaga! para sa kanilang bagong co-host, noong 2023.

SHEENA PALAD SPEAKS UP

Sa pamamagitan ng halos limang-minutong video sa Instagram at Facebook, dinepensahan ni Sheena ang sarili laban sa mga patuloy na bumabatikos at kumukuwestiyon sa pagpalit niya kay Eva bilang presenter.

Sheena Palad breaks silence on replacing Eva Darren at FAMAS Awards 2024

Kasama ni Sheena sa video ang nobyo niyang si Johann Enriquez, na nakasaksi umano sa last-minute changes sa programa.

Si Johann ang isa sa mga host ng 72nd FAMAS Awards.

Ayon kay Sheena, nagdesisyon siyang magsalita dahil hindi na niya mataim ang pambabatikos sa kanya ng publiko sa kasalanang hindi naman daw siya ang may gawa.

Bago idetalye ang mga kaganapan, pinasalamatan muna ni Sheena ang pamilya at mga kaibigan sa suporta at pagdamay na ibinibigay ng mga ito sa kanya.

Sabi niya, “Just to clear the story lang po siguro, because I’ve been receiving messages and also before anything else, I would like to say thank you to my friends and family who messaged me directly and asked me about the situation, what I am feeling right now.

“Salamat po sa inyo. Actually, dun ako naiiyak, e, kasi nakikita ko yung mga kaibigan ko talaga na talagang caring sa career ko, sa life ko, sa journey ko.”

Kuwento ni Sheena, hindi bilang presenter ang ipinunta niya sa FAMAS awards night.

Naimbitahan daw siya bilang perfomer na kakanta sa dinner pleasure ng nasabing award-giving body.

Ngunit dahil sa biglaang pangyayari, nilapitan daw siya ng isa sa organizer ng event at pinakiusapang maging presenter kasama ni Tirso.

Lahad ni Sheena: “I was chosen. I was called by the organizers to perform for the dinner pleasure.

“Yun po yung una, so the dinner pleasure is the entertainment for the dinner time. So I sang two songs nung time po na yun.

“And that’s what I’m wearing—the yellow dress. So what happened was, eto na po, nagpalit na po ako ng damit.

“Nagpalit na po ako, second na damit ko na—kulay itim, glitz and glamour.”

Pagpapatuloy niya, “And then, dumating po ako doon, naka-standby po kami.

“Tapos po, nung naka-standby po kami, we were called earlier sa backstage, kami pong tatlo [ng hosts].

“And then, nung naka-standby, nakaupo po ako, pinuntahan po ako ng staff.

“Nung pinuntahan po ako ng staff, sabi niya, ‘Sheena, can we ask a big favor from you?’

“Sabi ko, ‘Yes, what’s that?’

“Tapos sabi niya, ‘Can you present the awards?’

“Sabi ko, ‘Okay, sige, sige, no problem.’

“That’s it. Yun lang po yung alam ko, at hindi ko po alam na si Miss Eva yung magpe-present po.”

SHEENA SAYS SHE WAS NOT PREPARED

Ayon kay Sheena, dahil sa biglaang request sa kanyang maging presenter ay hindi siya nakapaghanda.

Maging ang script na babasahin daw niya sa stage ay hindi naibigay sa kanya nang maaga, dahilan para magkamali siya sa pagbanggit sa pangalan ni German “Kuya Germs” Moreno.

Saad ni Sheena: “Actually, nung time na yun, I was clueless. Hindi po kasi ako nanonood nung awards night because I was in the holding area, so hindi ko po alam kung paano mag-present.

“And if you’re gonna be reviewing the videos, nakakatawa pa nga, we were laughing about it because I mispronounced the name of Kuya Germs. German Moreno, which I said na sa sobrang kaba ko ang nasabi ko, Jerman Moreno.

“Siguro yun yung isa sa mga pinakakabado, e, magbabasa lang naman ako, kasi nga I was not prepared. Hindi ko man lang po nabasa yung script. As in, wala po talaga.”

Hindi raw mawari ni Sheena kung bakit damay siya sa ngayo’y kinamumuhian ng netizens, gayong wala rin daw siyang alam at sumunod lamang sa utos ng isang staff sa FAMAS.

Ani Sheena: “Kasi before the production, bumaba na po yung dating presenter, kami na po yung sumunod.

“Ang instruction lang po sa akin is, ‘Sheena, you’re gonna present after you sing the production number.

“So, sabi ko, ‘Okay po, sige po.’

“So sabi niya, “Once you’re done with the production, punta ka na dun sa gilid and Sir Tirso will be with you.’

“So, sabi ko naman, ‘Okay, sige po, yun lang. So I was just following instructions.”

Sheena Palad breaks silence on replacing Eva Darren at FAMAS Awards 2024
PHOTO/S: SCREENGRAB @SHEENA PALAD FACEBOOK

Sa huli, hiling ni Sheena na sa kanyang pasasalita ay maliwanag na ang lahat at matigil na ang mga pambabatikos sa kanya.

Mensahe niya, “I hope that you are enlightened with the situation.

“Sana nasagot namin ang lahat ng tanong ninyo. Thank you, guys.”

FAMAS APOLOGY

Sa official statement ng FAMAS, inamin nilang dapat ay kasama ni Eva si Tirso na magpe-present ng special citations. Pero hindi raw mahanap ng production team si Eva.

At dahil live show raw ang FAMAS at sa dami ng mga taong naroon sa venue, kaagad daw silang naghanap sila ng ipapalit dito. Ang baguhang singer na si Sheena ang ipinalit nila sa beteranang aktres.

Inamin ng FAMAS na kapabayaan ito ng production at tiniyak din nilang hindi ito sinasadya.

Buong pahayag nila:

Narito ang kabuuang pahayag ng FAMAS:

“FAMAS would like to express its sincerest apologies to Miss Eva Darren, an icon in Philippine Movie Industry and a professional actress whose career is indubitably worthy of emulation.

“She was part of the program in last night’s Awards Night and was supposed to present Special Citations with Mr. Tirso Cruz III.

“But considering that we were running a live show, and due to myriads of people present in last night’s festivities, the production team was not able to locate Ms. Darren.

“This was indeed a setback in the live show and a negligence on the part of the team. Rest assured that this was not intentional and purely a misjudgment.

“The show is being streamed live and needed to be remedied right away. Hence, a replacement for Miss Darren was done last minute.

“We are writing this with a heavy heart especially after hearing that Miss Darren and her family were terribly hurt by this unintentional disregard to her presence and stature.

“We truly value Miss Darren and the rest of the veteran stars present last night true to the Homecoming Concept of the show.

“But as there were brilliant moments to the most star-studded awards night in recent memory, there were also hitches and unfortunate developments in a live show such as this one.

“We understand that an apology alone cannot undo the damage this might have caused Miss Darren but we are committed to make amends and rebuild her trust by a personal visit of the FAMAS Board to honor her stature, if she allows it.”

Pero inalmahan ito ng anak ni Eva na si Fernando dela Peña.

Komento niya sa Facebook post PEP: “My mother was seated front and center, same table as Tita Marissa Delgado and my Ninang Divina Valencia! It is impossible not to find her.”