Ang Season 2 ng Running Man Philippines ang isa sa mga bagong programa ng GMA-7 na mapapanood ngayong 2024.
Nakatakda sa Enero 15 ang paglipad sa South Korea ng Kapuso stars na kasali sa Philippine version ng sikat na South Korean television variety series.
Kasama o karagdagan sa cast ng Season 2 ng Running Man Philippines ang aktor na opisyal na ipakikilala sa mga susunod na araw.
Napanood ang unang season ng Running Man Philippines sa GMA-7 mula Setyembre 3, 2022 hanggang Disyembre 18, 2022.
Matutunghayan naman simula sa Enero 8, 2023 ang Makiling, ang dram- thriller series na pinangungunahan nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.
Elle Villanueva and Derrick Monasterio in Makiling
Ang Makiling ang ipapalit sa nabakanteng timeslot ng The Missing Husband na nagwakas noong Disyembre 15, 2023.
Ang Firefly at Maria Clara At Ibarra director na si Zig Dulay ang direktor ng Makiling
Si Direk Zig din ang namamahala sa My Guardian Alien na pinagbibidahan ni Marian Rivera, na muling nagbabalik sa paggawa ng mga teleserye makaraan ang anim na taon.
Marian Rivera in My Guardian Alien
Si Gabby Concepcion at ang child actor na si Raphael Landicho ang dalawa sa mga co-star ni Marian sa My Guardian Alien.
Si Raphael ang nagkuwento sa Cabinet Files na pansamantalang nahinto ang taping nila para sa My Guardian Alien.
Ang Love. Die. Repeat at Asawa ng Asawa Ko ang dalawa sa mga bagong primetime series ng GMA-7 na itatanghal simula sa Enero 15, 2023.
Sina Jennylyn Mercado at Xian Lim ang mga bida sa Love. Die. Repeat, samantalang sina Jasmine Curtis-Smith, Rayver Cruz, at Liezel Lopez ang lead stars ng Asawa ng Asawa Ko.
Jennylyn Mercado in Love. Die. Repeat
Ang Love. Die. Repeat ang proyekto ni Jennylyn na hindi nito malilimutan dahil nasa lock-in taping sila ng proyekto nang matuklasan niyang buntis siya sa panganay nila ni Dennis Trillo na kanyang isinilang noong April 25, 2022.
May mga naiintriga naman sa kuwento ng Asawa ng Asawa Ko dahil sa mga ginamit na pangalan ng karakter: Kuwago si Kim de Leon, Alakdan si Luis Hontiveros, Bakulaw si Bruce Roeland, at Pusit si Mariz Ricketts.
Sawa, Buwaya, at Pusa ang pangalan ng ibang mga tauhan sa romantic-drama series na tinatampukan nina Jasmine at Rayver.
Jasmine Curtis Smith in Asawa Ng Asawa Ko