Humingi ng paumanhin ang professional volleyball player na si Sisi Rondina sa lahat ng fans ng P-pop supergroup na SB19 na na-offend sa kanyang naging pahayag tungkol sa grupo kamakailan.
Nitong Linggo, June 9, 2024, nag-perform ang SB19 sa Independence Day program sa South Korea, kunsaan naroroon din si Sisi kasama ang iba pa niyang co-team member sa Alas Pilipinas.
Bago mag-perform ang SB19 ay pinapanhik sa stage si Sisi kasama ang volleyball player ding si Jia Morado-de Guzman para sa isang interview.
Tanong sa kanila ng host, “I’m curious, mayroon ba kayong excited makita sa program natin mamaya? Any performances that you’re looking forward to?”
Makikita sa video ang pagbanggit ni Jia sa SB19 at pagturo niya sa iba pa nilang kasamahan sa gilid na ang isinisigaw rin ay ang pangalan ng P-pop group.
Dahil na kay Sisi ang mikropono ay siya na ang sumagot sa tanong sa kanila ng host.
Aniya, “SB19 daw po.”
Sabay pahabol na, “Bhie, Starbucks lang alam ko.”
SISI APOLOGIZES AFTER RECEIVING BACKLASH FROM SB19 FANS
Mabilis na nag-trending ang video clip ng pagsagot ni Sisi, kunsaan marami sa fans ng SB19 ang diumano’y na offend sa naging biro nito sa kilalang P-pop group.
Depensa kasi ng ilang A’TINs (tawag sa fan ng SB19), hindi katanggap-tanggap na hindi kilala ni Sisi ang SB19 gayong popular daw ang mga ito sa Pilipinas dahil sa kanilang musika at iba’t ibang parangal na nauuwi sa bansa.
Tila mabilis naman itong nakarating kay Sisi kung kaya’t agad-agad siyang humingi ng paumanhin.
Nitong Lunes, June 10, sa pamamagitan ng pag-live sa Instagram, ipinaliwanag ni Sisi na hindi niya intensiyong makapanakit at maka-offend.
Sadyang hindi lang daw siya pamilyar sa SB19 kaya idinaan na lang niya sa biro ang naging sagot sa interview.
Pahayag ni Sisi: “[Tinanong kami kung] ano raw ang pinakahihintay namin doon sa Independence program dito sa Korea, and then nandon kasi si SB19.
“Personally, hindi ko talaga sila [kilala], hindi ko alam ba.
“And then, tinanong ako kung sino ang pinakahihintay dito. Sabi naman nila [team members] ‘SB19, SB’ ganun-ganon.
“Kaya sabi ko, ‘Ay, hindi ko kilala yon, Starbucks lang alam ko.’
“So, ayun, ang daming na-offend siguro kaya sorry po talaga. I’m really sorry.”
Pagbabahagi pa ni Sisi, nagulat sila sa kaliwa’t kanang pag-atake sa kanya ng SB19 fans, kaya hindi na niya pinatagal pa ang paghingi ng tawad sa mga ito.
Aniya, “Sa lahat po ng na-offend ko, sorry po
“Sorry po talaga, inaatake na po ako ng SB19 fans, kaya sorry po, hindi po ko intensiyon yon.”
SB19’S PABLO RELEASES STATEMENT
Samantala, bago humingi ng paumanhin si Sisi ay nauna nang naglabas ng pahayag ang member at lider ng SB19 na si Pablo.
Sa X (dating Twitter), idiniin ni Pablo ang hangarin ng kanilang grupo na iangat at ipakita sa buong mundo ang talento ng mga Pinoy sa pamamagitan ng kanilang musika.
Nagpasalamat din siya sa mga tagahanga nilang patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanila.
Kalakip nito ang paalala niya sa kanilang fans na maging maingat at sensitibo sa pagkukomento sa ibang hindi kilala kung ano at sino sila bilang mga musician at performer.
Naiintindihan daw ng SB19 na hindi lahat ng tao ay hinahangaan at kilala sila.
Gayumpaman, hindi raw ito sapat na basehan para mambatikos at ipahiya ang isang kapwa Pilipino, na wala rin ibang hangad kundi ang magbigay-karangalan sa bansa, sa ibang larangan.
Walang binanggit na pangalan si Pablo, ngunit mahihinuhang ang tinutukoy niya rito ay si Sisi—na ilang beses na ring nakapag-uwi ng parangal sa Pilipinas sa larangan ng volleyball.
Narito ang buong pahayag ni Pablo (published as is):
“Our goal as a team since we started hasn’t changed. “langat ang kulturang pinoy sa global stage”.
“Simula’t sapul, we worked really hard towards that one goal regardless of the challenges, and we know na hindi kame nag-isa sa goal na to dahil marami pang ibang pinoy ang nagsusumikap at nag sasakripisyo para sa lavon na to.
“To A’tin, salamat sa lahat ng suporta at pag mamahal na binibigay nyo samin. Wala kami, kung wala kayo.
“Sana lagi nyo tatandaan kung bakit “ATIN” ang pangalan ng fandom natin. We share our Victories! Sa ATIN lahat to!
“Respect and acknowledge na hindi lahat ng tao, aware or kilala ang grupo namin.
“Hindi rin sa lahat ng oras, everyone will hold a favorable opinion of us. THAT’S FINE!
“There’s no reason to spread hate, disrespect or drag down our fellow Filipinos.Lahat tayo may effort na i-angat ang Pinoy.
“Hindi kelangan ikumpara kung sino mas magaling o mas maraming nagawa. Lahat may pinaghirapan, lahat may nilalaban.
“Dapat hilahan pataas, kasi iisa lang rin naman ang goal natin.
“At the end of the day, we’re proud of, and respect, every Filipino who’s made strides to uplift the country whether sa music, sa sports, and sa iba pang larangan.
“Mabuhay ang Kulturang Pinoy! Happy Independence day!”