Small Laude’s Yaya Lotlot gets a taste of celebrity life

Yaya Lotlot with employer Small Laude

Hangad ng kahit sinong kasambahay na magkaroon ng mabait na amo.

At dream come true na marahil ang matikman at maranasan ang marangyag buhay kasama ang mabait na amo.

Sounds too good to be true? Well, ask Yaya Lotlot, ang personal yaya ng socialite-content creator na si Small Laude.

Small’s fame seems to have rubbed off on Lotlot, who is now becoming a personality on social media just like her famous employer.

Pahayag ni Small sa isang post niya, “My Yaya Lotlot is my everyday companion. I can’t imagine life without her. She’s more than my yaya. She makes my everyday moments happier.”

At sa dami ng kanilang mga videos sa YouTube at TikTok, unti-unti na ring nakikilala si Yaya Lotlot ng netizens.

At saan man mapadpad si Small, bitbit niya si Lotlot, na may solong kuwarto sa mga hotel na tinutuluyan nila at nakakasalong kumain sa parehong lamesa.

Yaya Lotlot and employer Small Laude

Sa isang TikTok video na inilabas ng Small’s World Ph noong January 23, 2024, itinampok ang luxurious bonding ng dalawa kung saan ay nag-breakfast buffet in the wild sila sa Singapore Zoo, nag-shopping sa ION Orchard, at nag-enjoy sa stunning views mula sa ION Sky habang umiinom ng tea.

Makikitang vibes talaga si Small at Lotlot dahil sa sobrang lively ng kanilang tandem.

Halata rin na sobrang natural and casual ng kanilang conversations.

Maraming netizens naman ang napa-“sana all” sa harmonious and fun relationship ng dalawa.

Ano nga ba ang buhay ni Lotlot sa likod ng kaniyang bright and bubbly personality? Ano ang mga perks and privileges ng pagiging everyday companion ng isang Small Laude?

YAYA LOTLOT HAS TRAVELLED AROUND ASIA AND TO U.S.

Bahagi ng pagtatrabaho ni Lotlot para kay Small ang pag-assist dito saan man pumunta. Kaya naman from Asia to North America, go lang din siya.

Nang pumunta ang pamilya ni Small sa Macau, na-experience ni Lotlot ang isang business-class flight at naka-check in pa sa The Conrad Hotel with her own room.

Sa The Peninsula Hotel naman nag-check in ang family ni Lotlot nung nagpunta sila sa Japan, kung saan nilibre ng mga anak ni Small si Lotlot ng iba’t ibang treats, gaya ng Mochi at Musk Melon.

Shopping spree ang ginawa ni Lotlot nang punuin niya ang kanyang bag ng mga pasalubong mula sa Thailand.

Beyond the ordinary attractions naman ang napuntahan niya nang libutin nila ang Singapore.

Yaya Lotlot and Small Laude shopping

Yaya Lotlot (left) enjoys the perks of being Small Laude’s assistant, like travelling and shopping.

Busog din si Lotlot sa samu’t saring pagkain at inumin na talaga namang nag-satisfy sa taste buds niya nang bisitahin nila ang ilang kainan sa Singapore, tulad ng Surrey Hills Grocer, Mama Diam, at Mr. Bucket Chocolaterie.

Ilan din sa mga bansang napuntahan na ni Lotlot ang Hong Kong at U.S.A., na ilang ulit na niyang nabisita dahil sa pamamalagi ni Small sa kaniyang mansion sa Beverly Hills.

Nakarating din si Lotlot sa Universal Studios Hollywood at isinama pa sa isang tour sa Malibu. Sosyal!

YAYA LOTLOT OWNS DESIGNER ITEMS

Kilala si Small sa kaniyang mga luxury collections, at nakamamangha dahil maging si Lotlot, sagana sa designer items!

Sa kaniyang TikTok account ay ipinost ni Small noong May 10, 2023, ang isang clip kung saan ipinakita ang Chanel shoes na suot ni Lotlot with a caption saying, “Ang bongga ng shoes ni Lotlot! Hahahaha.”

Ibang richness level din ang ipinamalas ni Lotlot nang ipakita sa isang TikTok video ang kaniyang Tiffany & Co. luggage nung nag-staycation sila sa Solaire.

Sa isang YouTube video na in-upload ni Small noong April 13, 2024, ipinakita ang pagbili ni Lotlot ng kanyang “birthday gift” na Hermes Birkin sa Japan!

Small Laude's son and Yaya Lotlot shopping

Yaya Lotlot happy shows off an imitation bag she bought on the streets of Japan courtesy of Small. Lotlot is seen here with Small’s son.

Nabigyan din siya ng isang mini-bag na binansagang “LV x Sufreme [Supreme] Collab” ni Small. Sana all!

YAYA LOTLOT GETS TO HOBNOB WITH STARS

Bukod dito, nakaka-selfie at nakaka-chikahan ni Yaya Lotlot ang mga nakakasalamuhang artista ni Small.

Ilan na lamang sa mga ito sina Pia Wurtzbach, Jessy Mendiola, Joshua Garcia, Erich Gonzales, Julia Barreto, Ian Veneracion, Dominique Roque, at Luis Manzano, na talaga namang love na love si Lotlot.

Biro pa ni Luis, kung wala nga raw siyang asawa ay baka silang dalawa na ni Lotlot ang nagkatuluyan.

Nito lamang April 4, 2024, umugong muli ang pangalan ni Lotlot dahil sa isang TikTok video na in-upload ni Small kung saan makikitang nakatanggap ng halik si Yaya Lot mula sa dalawang personalidad na sina Hayden Kho at Alden Richards.

Ang tugon ng netizens: “Ang haba ng hair mo, Lotlot!”

Hayden Kho, Yaya Lotlot, and Alden Richards selfie

Hayden Kho and Alden Richards kiss Yaya Lotlot

OUT OF THE ORDINARY LIFE

Because Small is extraordinary, hindi na malabong gawin niya ang mga bagay na out of the ordinary! And, of course, with Lotlot!

Sa kanyang Tiktok video noong Feb 28, 2024 vlog, bumisita si Small sa Pampanga at sumakay sa isang chopper kasama si Lotlot at ang isa niya pang kasambahay na si Inday para i-explore ang crater ng Mount Pinatubo.

Isa pa sa mga perks ni Lotlot ay madalas siyang makatanggap ng mga regalo mula kay Small at mga equally wealthy friends nito.

Sa isang TikTok video na in-upload ng Small Laude Merchandise noong January 6, 2024, makikitang binigyan ng isang kuwintas si Lotlot ng owner ng Happy Jewelers.

May pendant ito na nagtataglay ng initial letters ng pangalan ni Lotlot.

At may special participation pa siya sa ilang endorsements ni Small.

Pero higit sa suwerte, ang magandang tratong natatamo ni Yaya Lotlot mula sa among si Small ay patunay loyal at dependable siya bilang assistant.