Sylvia Sanchez is excited to have grandchildren with Arjo and Maine, Ria and Zanjoe

sylvia sanchez beautederm event

Matagal nang gusto ni Sylvia Sanchez na magkaapo.

“Fifty-two na ako!” bulalas ni Sylvia sa Chinese New Year celebration ng Beautederm noong Pebrero 10, 2023, Sabado, sa headquarters ng beauty product sa Angeles City.

“Wala, wala pa namang lumalapit sa akin, at sabihin sa aking, ‘Mama, magkakaapo ka na.’”

Hindi naman niya pine-pressure sina Arjo Atayde at Maine Mendoza, or Ria Atayde at Zanjoe Marudo?

“Hindi!” mabilis na tugon ni Sylvia. “Buhay nila yun, e. Gusto kong mag-enjoy sila.

“Gusto ko kasi magkaapo ako, magkaanak ang mga anak ko na ready na sila, alam mo yun?

“Yung puwede silang pag nandiyan ang baby, puwedeng sabihin nila na, ‘Mama, relax muna kami, hindi muna kami magtatrabaho, gusto muna naming alagaan yung anak.’

“Yung ganun! Nasa level silang ganun.”

Excited siyang magkaapo?

“Ay! Sobra! Oo naman! Sana.”

Sabi nga ni Ria nang makatsikahan namin sa mediacon ng Fruitcake last year sa Newport World Resorts, matagal nang nagpaparinig si Sylvia.

“Ay! Oo, silang dalawa. Pati si Maine, tine-text ko si Maine.”

Ano ang isinasagot ni Ria?

“‘Chill lang, Mama!’” natatawang sambit ni Sylvia.

Ngayong husband and wife na sina Arjo at Maine, ano ang nakita niya sa dalawa?

“Happy sila, happy. At saka inaalagaan nila yung isa’t isa. Happy ako kung ano ang nakikita ko sa kanila.

“Nakikita ko lang kapag kumakain silang dalawa, iniintindi ni Maine yung pagkain ni Arjo, iniintindi ni Arjo ang pagkain ni Maine. Ang sweet! Parang hooyy…

“Yun lang, kinikilig ako sa kanilang dalawa. Pero inaalagaan nila yung isa’t isa saka nakita ko yung mahal nila ang isa’t isa.”

Ano ang payo niya kina Arjo at Maine para maging matatag ang kanilang pagsasama?

“Mahalin lang nila yung isa’t isa, di ba? Pag mahal niyo ang isa’t isa, ako naniniwala ako, kahit magkahiwalay kayo…

“Kung mahal niyo ang isa’t isa, at kung talagang kayo ang nakatadhana ng Diyos… kahit anong mangyari, darating ang time, kayo.”

Sa gitna ng mga hiwalayan, pinayuhan ba niya sina Arjo at Maine?

“Hindi. Wala. Alam naman nila, malalaki na yun, e…”

E, kina Ria at Zanjoe?

Umiling si Sylvia bago nagturan, “Wala. Basta ito lang ang sasabihin ko sa inyong lahat — mahal ko si Maine, at mahal ko si Zanjoe.”

Nag-set ng example si Sylvia at asawang si Art Atayde sa kanilang mga anak. Mas matindi ang pinagdaanan nilang pagsubok, pero nanatiling matibay ang kanilang pagsasama.

“Kurek!” bulalas ni Sylvia.

“Di ba, kaming mag-asawa? At the end of the day, kami talaga. Anyway, yun nga… mahal ko si Maine, at mahal ko si Zanjoe. Napakabait nung dalawa.”

Magpapakasal na ba sina Ria at Zanjoe anytime soon?

Napabuntong-hininga si Sylvia, “Hindi ko alam kay Zanjoe. Si Zanjoe yan, e. Zanjoe, Zanjoe, Zanjoe! Ha! Ha! Ha! Ha! Di ba?

“Sa kanya yon, wala sa akin yon. And hindi ko para pangunahan si Zanjoe. Maghihintay ako kung ano ang gusto nilang dalawa.

“Sila yun, e. Di ba, as nanay or magiging mother-in-law o anuman… wala, ayokong pakialaman.

“Ayokong anuhin yan, ayokong pasukin yung relasyon nila. Bahala silang dalawa diyan.”

Sakaling maging lola siya, ang gusto ni Sylvia na itawag sa kanya ay “mommyla.”

Ano ang aabangan sa kanya this year?

Pagbibibiro ng premyadong aktres, “Magbuntis ako! Ha! Ha! Ha! Ha! 52? Menopause na ako. Hindi.

“Ang aabangan sa akin, itong Nathan Studios. Like ngayon, naka-focus ako talaga dito. May mga projects, may mga nagpi-pitch. Marami.

“Actually, may napili na kami na mga four projects na papasukan namin. May concert, hindi ko pa puwedeng i-announce.

“Big concert ito, local. Basta, excited ako dito.”

Siyangapala, nito ring Chinese New Year nagdiwang ng first anniversary ang 7-storey Beautéderm Headquarters kung saan nakatayo ang mga negosyo ni Ms. Rei Anicoche Tan.

Sabi ng CEO nitong si Ms. Rei, “Do the things you love with strength. And when success comes, make an impact. That’s our mission — to boost consumer confidence and give back to the community.

“Be consistent. Hindi madali ang magtayo ng negosyo but you have to show up and be consistent. Always listen to your gut and people that genuinely love and support you. Huwag magmadali. It takes time.”

Maliban kay Sylvia, present sa nasabing pagdiriwang ang Beautederm ambassadors na sina Sam Milby, Carlo Aquino, Alma Concepcion, Sunshine Garcia, Patricia Tumulak, Ynez Veneracion, Darla Sauler, DJ Jhai Ho , Gillian Vicencio, Kimson Tan, Ervic Vijandre, at Ann Feo.