Sylvia Sanchez welcomes Zanjoe Marudo to her family not just as son-in-law but as third son

Emosyunal ang aktres na si Sylvia Sanchez sa pagpapakasal ng anak na si Ria Atayde sa aktor na si Zanjoe Marudo.

Ikinasal sina Ria at Zanjoe sa tanggapan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Quezon City Hall noong March 23, 2024, kung saan saksi lamang ang ilang kamag-anak ng dalawa.

Sa Instagram ni Sylvia nitong Easter Sunday, March 31, 2024, ipinagpasalamat niyang binigyan ng Diyos ang anak na si Ria ng aniya’y “napakabuting asawa, marespetong bata, mapagmahal na kapatid, anak at napakaresponsableng tao.”

Saad ng aktres sa post, “Walang hanggang pasasalamat Panginoong JESUS dahil binigyan mo ng napakagandang regalo ang aking si Potpot @ria ng isang napakabuting asawa, marespetong bata, mapagmahal na kapatid, anak at napakaresponsableng tao.

Sylvia Sanche on Ria-Zanjoe marriage

“Unang araw ko kayong nakitang magkasama alam ko ng kayo ang magkakatuluyan. Naramdaman ko yan

“Mother instinct”

Dagdag pa niya, welcome na welcome na talaga sa kanilang pamilya si Zanjoe mula noong bago pa lamang sila ni Ria.

Obserbasyon daw ng mister ni Sylvia na si Art Atayde, hindi lamang son-in-law sa pamilya nila si Zanjoe kundi pangatlong anak na lalaki nila.

Sina Arjo Atayde at Xavi Atayde ang dalawang anak na lalaki nina Sylvia at Art.

Dagdag pa ni Sylvia, “@onlyzanjoemarudo mula noon welcome ka na sa pamilya namin

“ginawa mo ng official noong 3-23-24 Sabi nga ng Daddy @xaviiart mo sa speech nya, ang aming pangatlong lalaking anak

“Kaya officially welcome to the Family Z anak”

Ayon pa kay Sylvia, sobrang masaya siya sa pagdating ni Zanjoe sa buhay nila.

Sabi pa niya, “Ang saya saya ng puso ko

“I love you both so much Mr&Mrs Zanjoe Marudo

“This is truly a Happy Easter Sunday to Remember”

Bukambibig na noon pa ni Sylvia na tanggap na tanggap nila si Zanjoe para kay Ria.