Tom Rodriguez on overcoming suicidal thoughts after failed marriage

Trigger Warning: Mention of self-harm

Isang beses lamang nabanggit ang pangalan ni Carla Abellana sa panayam ni Boy Abunda kay Tom Rodriguez nang bumisita ang aktor sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Lunes ng hapon, Marso 18, 2024.

Sinagot ng nagbabalik-showbiz na aktor ang mapangahas na tanong tungkol sa kanyang dasal para sa ex-wife niya.

“I really wish her well. Every one of us deserves happiness and I truly wish that for her,” mabilis na sagot ni Tom.

TOM’S DARK TIME

Sa naturang panayam din inamin ni Tom na dahil sa matinding pagsubok na pinagdaanan, bunsod ng pagtatapos ng relasyon nila ng aktres, pumasok sa isip niyang tapusin ang sariling buhay noong mga panahong madilim ang lahat para sa kanya.

Saad ng aktor, “It was really dark that I thought I was gonna do something to myself that’s irreversible.

“I was there. And a moment that flashed in my mind was, ‘What would my nephews think if they go through hardships? If they go through a hard time?’

“’Oh, Tito Tom was able to this, I can do it too.’ And I thought I owe them more than that.

“And now I owe my younger self that you can go through the hardest unos, bagyo, kahit ano ang dumaan sa buhay mo, as long as you find that integrity within yourself again.

“You build a trust within yourself and love for yourself and those who matter the most to you, kayang-kaya mo pa rin.”

Inamin ni Tom na iniyakan niya nang maraming beses ang pinagdaanang problema, pero may malaking aral daw siyang natutunan.