Tom Rodriguez reveals relationship status: “I am seeing someone.”

Inamin ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez na may idine-date na siya ngayon, makalipas ang halos dalawang taon mula nang maghiwalay sila ng estranged wife na si Carla Abellana.

Sa ekslusibong panayam ni Tom sa GMA Integrated News nitong Huwebes, February 29, 2024, sinabi niyang masaya at naka-move on na siya.

“Do you believe in second chances?” tanong sa kanya ng 24 Oras reporter na si Nelson Canlas.

Nakangiting sagot ng aktor, “Yeah, I do.”

Sundot na tanong ni Nelson, “You think you’ll be ready to fall in love again?”

Sagot ni Tom, “Yeah. I am now. In fact, I am seeing someone.”

Paglilinaw ni Tom, fully healed na siya nang makilala niya ang babaeng nagpapasaya sa kanya ngayon.

Sabi niya, “At that point, I was already there.

“[Inayos ko muna yung sarili ko] and once I was ready, it came at the right time.

“At that point, I thought it would never happen again.”

Mahihinuhang ang pinatutungkulang ayaw nang mangyari ni Tom ay ang masalimuot na kinahinatnan ng relasyon nila ni Carla.

Read: Carla Abellana finally breaks silence on split with Tom Rodriguez: “I was disrespected. I was betrayed. I was lied to.”

Tinanong din si Tom kung kailan niya balak ipapakilala sa publiko ang bagong nagpapasaya sa kanyang puso.

Ayon sa aktor, nais muna niyang limitahan ang pagse-share tungkol sa kanyang personal life, partikular na sa pagkakakilanlan ng babaeng nagpapaligaya ngayon sa kanya.

Saad niya, “I don’t know, magdadamot ako yata. Like what I said, I really want to keep it to myself.

“But like I said, I’ll live my life like how it is. So, eventually siguro everyone would, like, what they see is what they get.

“But for now, it’s my own now.”

Ikinasal sina Carla at Tom noong October 2021 matapos ang pitong taong pagiging magkasintahan.

Subalit nagulat ang publiko nang mapabalita ang kanilang breakup noong January 2022, o tatlong buwan lamang mula nang ikasal sila.

Habang nasa Amerika, itinuon daw ni Tom ang sarili sa self-love and growth para sa kanyang magmu-move on.

Pagbabahagi niya, “Mas simple lahat ng bagay.

“Relish the simple things, kung ano ang para sa yo, mapupunta sa yo na hindi mo kailangan, ‘Kailangan ganito, kailangan ganyan,’ trying to control life.

“Learn to just resign yourself, resign yourself to the Lord. And He always provides and every step of the way na parang magkaka-anxiety ka, kasi tinatakot mo yung sarili mo.

“You’re living out of fear, out of anxiety. Instead of living out of love, joy, hope.

“Kapag dun ka pala, everything just falls into place.”

Ngayong nagbalik-Pilipinas na si Tom, handa na ba siyang harapin at makita ang ex-wife niyang si Carla?

Aniya, “For me, honestly, I don’t think it matters to me much. We have our own paths and our own lives now, and I wish her well and hers.”

Ganito rin ang naging sagot ni Carla sa panayam niya sa 24 Oras noong January 29, 2024.

Ani Carla, nakahanda siya sa posibleng pagkikita nila ni Tom lalo na’t pareho silang artista at nasa bakuran ng GMA-7.

Sabi niya, “I don’t feel intimidated, scared, nervous. Wala namang ganoon.

“Of course, artista siya, may obligation siya. He’s a Kapuso.

“Dadating naman talaga yung day na babalik siya sa trabaho. Hindi naman maiiwasan yan.

“I’ve thought about it many times, expected naman yan, nobody just knew when.”