Vice Ganda on getting depressed on Billy Crawford’s wedding

Vice Ganda discloses why she almost ditched Billy Crawford’s wedding.
Vice Ganda speaking and Billy Crawford inset
Vice Ganda (main photo) opens up about almost ditching Billy Crawford’s wedding day in 2018. The incident almost led the two to be in a misunderstanding.

PHOTO/S: YOUTUBE (GMA NETWORK) / @BILLYCRAWFORD INSTAGRAM

Sina Vice Ganda at Billy Crawford ay mag-best friends na nagkaroon ng mga tampuhan noon.

Ang pinakahuli nilang pagbabati ay nangyari sa anniversary episode ng It’s Showtime, ang ABS-CBN noontime show, noong November 2023.

Nagkapatawaran ang dalawa pero hindi na nila idinetalye ang nangyaring away nila.

Pero sa kanyang latest vlog, ikinuwento ni Vice ang muntik nilang pag-aaway ni Billy noong 2018.

Ikinasal si Billy kay Coleen Garcia noong April 20, 2018 sa Balesin Island.

Vice Ganda, Billy Crawford, Amari, and Coleen Garcia
Vice Ganda and Billy Crawford reconciles on the anniversary episode of It’s Showtime in November 2023. Billy is carrying son Amari with wife Coleen Garcia beside him. 

PHOTO/S: YOUTUBE (ABS-CBN ENTERTAINMENT)

VICE ALMOST DITCHED BILLY’S WEDDING

Guest ni Vice si Erik Santos sa kanyang YouTube vlog noong May 27, 2024.

Dito nabanggit ni Erik na nakaramdam siya ng matinding lungkot dahil ikinakasal na ang kanyang mga kaibigan at napag-iiwanan na siya.

Ibinahagi ni Vice na alam niya ang ganitong pakiramdam.

Sabi ni Vice, “Na-experience ko yan dati nung unti-unti na silang nagpapakasal—sila Karyle, sila Anne [Curtis], sila Billy…

“Masaya ka para sa kanila, pero malungkot ka para sa sarili mo.”

Dito inamin ni Vice na nagplano siyang umurong sa pagpunta sa kasal nina Billy at Coleen dahil tinamaan siya ng matinding lungkot.

“Nung kasal ni Billy, muntik kaming magkagalit, magkatampuhan. Kasi last minute, pinasok ako ng depression,” pagbabalik-tanaw ni Vice.

“Yun yung time na unti-unting nade-develop yung depression ko, tapos nalulungkot ako. Tapos yung natatakot ako sa papalapit na kasal ni Billy dahil lalo akong nalulungkot.”

Pakiramdam daw ni Vice ay napag-iiwanan na siya ng kanyang mga kaibigan.

Darren Espanto on being mentored by music legends like Sarah G., Regine, and more | PEP Interviews

“Forever na ba akong single? Forever na ba akong mag-isa? Hindi na ba ako mamahalin ever?” ito raw ang tumatakbo sa isipan ni Vice.

“’Tapos hindi na ako pupunta sa kasal niya. Parang bukas yung kasal niya, ‘tapos today nag-text ako sa kanya, ‘I won’t make it.’

“Nagalit talaga siya. Nagalit siya,” patukoy kay Billy.

“Tapos hanggang ang dami kong alibi, na wala na akong masasakyang eroplano.”

Ginawan daw ng paraan ni Billy ang eroplanong sasakyan ni Vice papuntang Balesin.

“Tapos inayos niya lahat para lang makapunta ako. Tapos sabi niya, ‘Kung ayaw mong pumunta mismo sa wedding, at least, nandon ka lang sa Balesin. Kung ayaw mong panoorin yung ceremony, at least, doon ka lang Balesin.’”

Tumuloy si Vice at dumalo sa wedding ceremony. Pero hindi na siya pumunta sa reception.

“After the ceremony, sobra na akong nalungkot, dumiretso ako sa kuwarto.”

Iyon naman daw ang naging tulay para makabuo ng matibay na pagkakaibigan si Vice kina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na pumunta rin sa kasal.

VICE ON FRIENDSHIP WITH REGINE AND OGIE

Dinamayan daw ng mag-asawang Regine at Ogie si Vice sa kanyang kuwarto.

Sabi ni Vice, “Kasi hinahanap nila ako. Tapos sabi nila, ‘Si Bakla nasa taas. Ayaw bumaba.’ Inakyat nila ako.

“Tapos habang nagdadasal na sila for me at nagkukuwentuhan kami, biglang si Regine kailangan nang bumaba kasi kakanta na siya ng ‘Araw-Gabi.’”

Bilang isang fan ni Regine, hindi raw pumayag si Vice na hindi mapanood ang performance ng Asia’s Songbird.

“E, hindi ko puwedeng hindi marinig si Regine kaya bumaba ako para lang marinig ko si Regine.”

Pero nagmarka raw ang mga ipinayo ni Ogie kay Vice.

Sabi ng It’s Showtime host, “Habang buhay ko na di makakalimutan yung sinabi ni Ogie na, ‘Huwag kang malulungkot. Huwag kang matatakot. Pilitin mong huwag ma-stress. Pilitin mong labanan yung nangyayari sa utak mo.’

“Kasi sinasabi niya, ‘The mind is the playground of the devil.’”

Patuloy ni Vice ukol sa payo sa kanya ni Ogie, “Sabi niya, ‘Ang daming bagay na magagandang nangyayari sa buhay mo. Ang daming nagmamahal sa yo. Ang daming pag-ibig sa puso mo na puwede mong i-share.

“‘Pero hindi mo nararamdaman yung beauty non at saya non kasi yung demonyo pinaglalaruan ang utak mo.’”

Dagdag ni Vice ukol kina Regine at Ogie, “Doon na-develop yung very strong bond and friendship namin nila Regine at saka ni Ogie.”

Si Ogie ay isa na ngayon sa regular co-hosts ng It’s Showtime.

Si Billy naman ay namalaam sa noontime show noong 2018 at pinagtuunan ang kanyang pamilya.

Si Vice naman ay ikinasal sa kanyang partner na si ion Perez sa Las Vegas, Nevada, noong 2021.