Vice Ganda pokes fun at Francine Diaz-Orange & Lemons gig issue

Umani ng reaksiyon sa netizens ang hirit na biro ni Vice Ganda sa kontrobersiyang kinasangkutan ng Kapamilya actress na si Francine Diaz at ng Pinoy pop-rock band na Orange & Lemons.

Nitong Linggo May 5, 2024, nakisaya ang It’s Showtime hosts sa #BidaKapamilya event sa Pampanga.

Sa isang bahagi ng programa ay nagbitaw ng biro si Vice patungkol sa nangyaring hindi pagkakaunawaan ni Francine at ng Orange & Lemons vocalist na si Clem Castro.

Sa isang video clip na kumakalat ngayon online, makikita si Vice na nasa entablado kasama ang co-hosts niyang sina MC Muah at Lassy Marquez.

Sabi ni MC kay Vice, “Alam mo, ibang klase ka, ‘no, ang opening si Anne Curtis tapos ang dulo, ikaw.”

Vice Ganda pokes fun at Francine Diaz and Orange & Lemons's gig issue

Sagot naman ni Vice, “Alam mo, dapat si Anne Curtis mamaya pa siya. Pero ewan ko, sumingit siya sa pila ng magpe-perform.

“Kaya Anne Curtis, respect naman please. Anne Curtits, respect naman sa mga artist.”

Agad naman niya itong binawi nang sabihing, “Charot lang. Tawagin niyo [kaming] Orange & Baklas.”

NETIZENS REACT

Kung marami ang natawa sa anila’y pagdo-dogshow ni Vice, mayroon ding ilang netizens ang hindi ito nagustuhan.

Depensa nila, naayos na nina Francine at Clem ang hindi nila pagkakaunawaan kaya’t hindi tama na gawin pa itong biro ni Vice.

Post ng isang netizen kalakip ang viral video clip ng pagbibiro ng It’s Showtime host (published as is), “Tawang-tawa ako dito e hahahahahahaha halatang may pinaparinggan hahahahahahaha.”

Vice Ganda pokes fun at Francine Diaz and Orange & Lemons's gig issue

Komento pa ng isa, “Nkikisawsaw na naman to sa issue, maayos na issue huy anteh.”

Vice Ganda pokes fun at Francine Diaz and Orange & Lemons's gig issue

Tweet pa ng isa, “Shade is Orange and Lemon and Francine Diaz parody kayo talaga Meme Vice at MC and Lassy [laughing in tears emoji].”

Vice Ganda pokes fun at Francine Diaz and Orange & Lemons's gig issue

FRANCINE-ORANGE & LEMONS GIG ISSUE

Ang isyu ni Francine at bandang Orange & Lemons ay nangyari noong April 30, 2024 sa Governor and Vice Governor’s Night sa San Jose, Occidental Mindoro.

Parehong imbitadong performers sina Francine at ang Orange & Lemons.

Subalit nabahiran ng kontrobersiya ang event nang magkasabay sa entablado ang banda at ang aktres.

Sa mga video clip na kumalat sa social media, na mismong kuha sa event, makikita ang Orange & Lemons na nasa entablado at naghahanda na sa kanilang pagtatanghal nang biglang tawagin at papanhikin ng host si Francine sa stage.

Sabi ng host, “Bago tayo maki-jam sa ating banda, may isa munang gustong sumorpresa sa inyong lahat… palakpakan po natin, Ms. Francine Diaz!”

Pumanhik naman sa stage si Francine at bumati sa audience.

Kasunod nito ay pag-aanunsiyo nitong hahandugan niya ang mga tao ng isang awitin, sa kabila ng handa nang mag-perform ang Orange & Lemons.

Mahihinuha ang pagkagulat sa mukha ng Orange & Lemons band na nasa likuran lamang ng aktres. Mabilis naman silang nilapitan ng staff at tila pinaliwanagan.

Habang si Francine ay patuloy ang pagkanta sa kanyang minus one song na “Love Story” ni Taylor Swift.

Sa halip na matapos nang matiwasay ay tila nagulo ang hinandang performance ng aktres dahil bukod sa mahinang sound ng minus one niyang kanta ay sinasabayan pa ito ng pagtunog ng electric guitar ng Orange & Lemons.

Kitang-kita rin ang pagkainis ng lead vocalist na si Clem, na walang nagawa kundi umalis sa stage na sinundan naman ng kanyang bandmates.

Hanggang sa mangyari ang pagtatanghal ng Orange & Lemons ay pinasaringan ni Clem ang isang artist na aniya’y “sumingit” sa kanilang performance.

Saad niya bago sila magsimulang magtanghal, “Gusto ko lang humingi ng paumanhin…

“Kailangan kong sabihin ito para sa mga artist na kasi dapat kanina pa kaming 11 nandito, e, so sana naman walang sumisingit.

“Yun lang. Respeto lang ba.

“Gusto ko lang sabihin yon kasi ayoko masira yung pag-e-enjoy natin ngayong gabi.”

Hindi rin nagtagal ay nag-post din si Francine sa kanyang Instagram Stories na wari’y sagot niya sa pasaring ng banda.

Mababasa sa kanyang post (published as is): “wasn’t able to get all the gifts from you guys but thank you so much for spending time with me tonight kahit late na!

“mad respect for everyone who stayed up late. respect goes both ways. gn!!”

Nagkasagutan din ang kani-kanilang fans na daan para lumaki ang hidwaan ng kampo ng banda at ng aktres.

FRANCINE-ORANGE & LEMONS RESOLVE ISSUE

Nitong Sabado, May 4, tinuldukan na ni Francine at ng Orange & Lemons vocalist na si Clem ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

Nabigyan ng linaw ang pangyayari nang ma-interview sila ni MJ Felipe ng ABS-CBN News kasama ang organizer ng event na siya ring itinuturong responsable sa nangyari.

Kinumpirma sa ulat ng ABS-CBN News na nagkaroon nga ng two-hour delay ang programa.

Si Francine ang huling magtatanghal sa show bandang ika-9:00 p.m.-10:00 p.m.

Mauuna dapat mag-perform ang Orange & Lemons.

Pero nakiusap ang manager ni Francine na paunahin na siya dahil isang kanta lang naman ang kanyang gagawin.

Binigyan naman sila ng go-signal ng event organizers.

Subalit hindi naabisuhan ang banda sa pagbabagong ito kung kaya’t nagkaroon ng miscommunication.