Vice Ganda teases Darren Espanto and Kyline Alcantara in It’s Showtime

Vice Ganda teases Darren Espanto, Kyline Alcantara on It's Showtime
Darren Espanto and Kyline Alcantara encouraged by Vice Ganda to collaborate onstage and perform “We are family.”

PHOTO/S: COURTESY: INSTAGRAM

Binigyan ng kahulugan ng ilang netizens ang biruan nina Vice Ganda, Darren Espanto, at Kyline Alcantara sa It’s Showtime kahapon, April 10, 2024.

Si Kyline at ang Kapamilya singer na si Jeremy Glinonga ang nagbukas ng noontime show sa pamamagitan ng isang song-and-dance number.

Pagkatapos ng prodution number nina Kyline at Jeremy, inusisa ng hosts na sina Vice, Jhong Hilario, at Kim Chiu si Kyline tungkol sa kanyang It’s Showtime experience.

Ayon kay Kyline, kinabahan siya.

Sabi naman ni Kim, “Tsaka habang kumakanta, mayroong nakatingin sa yo, hindi siya kumukurap, si Darren.”

Sabi ni Kyline, “Alam niyo po kung bakit?”

Balik-tanong ni Kim, “Bakit?”

Tugon ni Darren, “Kasi nga… Kasi nga ano?”

Sabat ni Karylle habang nakaturo sa audience, “Meron pala kayong shippers.”

Sabing muli ni Darren, “Siyempre, masaya ako kasi nakakatawid na siya dito sa atin.

“Siyempre, nasa Showtime na rin siya.”

abi naman ni Kyline, “Masaya rin ako na nakakatawid na rin kayo.”

Biro ni Vice, “Sa susunod daw, kayo ni Darren ang kumanta. Kanta daw kayong ’We are Family.’”

Ano nga ba ang common denominator nina Darren at Kyline bakit sila kinaaliwan ng netizens ngayon?

Pareho kasing nauugnay sina Darren at Kyline sa kambal na sina Cassy Legaspi at Mavy Legaspi.

Si Kyline ay napabalita noong naging girlfriend ni Mavy.

Kaso, nagkalabuan daw ang dalawa at tuluyan nang naghiwalay.

Matagal ding pinaghinalaang naging magkarelasyon sina Darren at Cassy.

Pero sa panayam sa singer-TV host sa TV Patrol last April 8, 2024, sinabi ni Darren na best friends lamang ang turingan nila ng Kapuso actress.

Saad niya, “Makulit sila, e. Sabi namin best friends lang kami ni Cassy.

“Best friends talaga, e. Parang it’s something that a lot of people, I guess, won’t get.

“Hindi ko alam kung paano i-explain, but siyempre andun pa rin yung pagmamahal namin para sa isa’t isa.”