Patuloy na kinagigiliwan ng marami si Baby Peanut na sinasabing kamukha ng Star For All Seasons na si Vilma Santos.
Ayon nga sa proud momshie, nakikita niya ngayon pa lang na malaki ang posibilidad na maging artista din pagdating ng tamang panahon ang kanyang apo.
Tanong tuloy ng iba, hindi raw kaya siya maging stage lola kay Baby Peanut?
Saad niya, “Ang suwerte ko, maarte yung bata. Ewan ko kung napapanood niyo. Marunong sa camera, e. Pag merong kamera, umaarte, e.
“Nine months pa lang ang apo ko pero nakikita ko na artista. She’s also left-handed, she’s also curly, nangingilala na.”
“Stage lola? No, I don’t think so, basta maarte siya at basta naarte siya, ako ang nag-e-enjoy.
Minsan pagkagising ko, papanoorin ko siya, nakaka-enjoy lalo na pag tumatawa siya. Natatanggal ang pagod ko, napa-positive yung araw ko talaga.”
Masayang pagkukuwento din ni Vilma, bukod sa nadadalaw niya madalas ang apo ay may pagkakataon din na nag-stay ng halos buong araw sa bahay nila si Baby Peanut.
Pagbabalik-tanaw niya, “There was a time she stayed the whole day sa house. Hinatid sa umaga, sa gabi na kinuha, kasi pareho na may trabaho ang tatay at nanay, so si Momshie ang nag-alaga.
“Tapos, mag-e-exercise na ako, nakapang-exercise na ako, di ako nakapag-exercise.”
Ayon kay Vilma, higit sa kanya ay maligaya siya para sa mag-asawang Luis at Jessy sa pagdating ni Baby Peanut.
Pakli niya, “Bukod sa akin, definitely I’m happy for my son Lucky and Jessie. Noong una, if you noticed, di ako pumapapel, kasi gusto ko ma-enjoy muna ng parents.
“Ngayon na lang, kasi medyo ilang months na, malaki-laki na, magwa-one year old na. May family bonding kami tuwing Sunday.”
VILMA THANKFUL FOR LUIS’S ACQUITTAL IN SCAM CASE
Bilang isang ina, labis ang kaligayahan ni Vilma Santos na inabsuwelo ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanyang anak na si Luis Manzano sa kasong syndicated estafa na isinampa ng mga investors sa pamunuan ng Flex Fuel.
Pebrero ngayong taon nang dumulog sa NBI ang mga investors ng Flex Fuel kung saan nagsampa ito ng reklamo laban sa pamunuan ng Flex Fuel dahil hindi na naibalik ang kanilang investment sa Flex Fuel’s co-ownership scheme.
Agosto naman nang ibaba ang desisyon na hindi kasama sa kakasuhan ang Kapamilya TV host na isa rin sa biktima ng naturang kumpanya.
Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Vilma sa nakaraang press conference ng When I Met You In Tokyo na ginanap sa Seda Hotel nung nakaraang October 28, nagbigay pahayag ang Star For All Seasons tungkol dito.
Pagpapasalamat niya, “Walang pinakamasaya kundi ang nanay, kasi in the first place walang nakakakilala sa ugali ng anak ko kundi ako.
“Alam mo, talagang biniktima siya. Ginamit siya kasi siya yung celebrity.
“Actually, kaya nung may mga tumira-tira sa kanya, sabi ko, ‘Di ninyo kilala ang anak ko, wala kayong karapatan na magsalita ng ganyan.’
“Thank God, at least na-dismiss yung kaso, alam nilang hindi ano si Lucky. Di ganun ang anak ko, tumutulong nga ang anak ko, bakit siya mang-iisa, tumutulong nga siya?”
VILMA PROUD OF SON LUIS’S PROFESSIONALISM AS TV HOST
Sa ngayon ay abala sa kanyang mga shows si Luis kabilang ang Your Face Sounds Familiar at Tamang Hinala sa Pie Channel. Dalawang linggo ring pansamantalang pumalit ang isa pa niyang show na It’s Your Lucky Day sa It’s Showtime, dahil sa suspension order ng MTRCB.
Proud na proud naman si Vilma sa nakita niyang propesyonalismo at kabutihan ng puso ng anak.
Aniya, “Yes, na-touch ako nung nag-guest ako sa kanila. I’m proud of my son.
“Sa tinagal-tagal na niya as a host, and then alam natin ang mga kaganapan sa Showtime.
“For that I’m proud of him, puwede mo namang tanggihan, ano ba naman yung twelve days, but no, kasi gusto lang niyang ituloy, sige ituloy natin for entertainment and kung ano ang puwede nating mga iregalo sa mga manonood.
“For that hanga ako sa anak ko, o-offeran ka twelve days para ipangtakip lang, di ba? Pero tinanggap niya and he’s enjoying it and he’s giving his all in fairness. For that I’m proud of my son and the team.”
Natanong din ang aktres sa ballitang baka ilagay ang It’s Your Lucky Day sa pre-programming ng TV Patrol.
Lahad niya, “Pinag-uusapan lang nila pero di ko alam kung biro o totoo, pero I hope totoo nga.
“Kung magkaroon ng extension, I’ll thank God kasi my son is enjoying. Magge-guest na lang ako uli, kanila yung show.”
VILMA FLIES TO HONGKONG FOR BIRTHDAY CELEBRATION WITH FAMILY
Magbi-birthday sa darating na November 3, palipad ng Hongkong si Vilma kasama ang buo nilang pamilya para sa selebrasyon ng kanyang kaarawan.
Detalye niya, “We’re leaving tomorrow, mag-Hongkong lang kami for a while with the family and kasama sila, kasama si Lucky and apo ko. Parang parte na rin ng birthday celebration ko.”
Bukod sa pagiging isang artsita, ina at lola ay nanungkulan din sa loob ng mahigit dalawang dekada si Vilma bilang gobernadpr at congresswoman ng Batangas. Aminado siyang nami-miss din niya ang public service lalo na’t malapit talaga sa puso niya ang tumulong.
“Nami-miss ko rin kasi twenty years din akom so nakabantay ako sa mga nangyayari sa bansa, nanonood ako news, alam ko ang inflation na nangyayari, alam ko mahal ang bigas at kahit nasa showbiz ako, affected pa rin ako.
“Parang kung may magagawa ka lang na batas, bakit di kayo magpasa ng ganito? May ganun akong pakiramdam kaya lang wala tayong power ngayon.
“They want me to go back sa pagiging congresswoman.
Sa presscon proper ng When I Met You In Tokyo ay nabanggit ni Vilma na hiling niya ay mababa ang presyo ng ticket sa sinehan.
Aware ang aktres na ang mahal na movie ticket price ay isa sa dahilan kung bakit marami na ang mga hindi nanonood ng sine.
“Alam mo nung Mayor ako ng Lipa, nagawa ko na yan. Gumawa ako ng local ordinance nung mayor ako ng Lipa, from 30% ng amusement tax to 50%, kalahati.”
VILMA PROUD OF MOVIE WITH CHRISTOPHER DE LEON
Balik-pelikula si Ate Vi sa pelikulang When I Met You In Tokyo ng JG Productions, kung saan balik-tambalan din sila ng paborito niyang leading man na si Christopher de Leon.
Pagbabahagi nga ng Star For All Seasons hindi na siya nagdalawang-isip na tanggapin ang proyekto lalo’t akmang-akma sa kanila ang istorya at karakter ng mga bida.
“Isa lang naman ang tinanong ko, e, ‘Ano ang istorya?’
“When I found out na love story and si Yetbo [Christopher] ang leading man, I said yes right away. It’s a plus na lang that they wanted to shoot it in Japan.
“Saka na lang natin tinanong kung sino ba ang ang direktor. Nung malaman ko nga yung istorya plus Christopher, tinanggap ko na.”
Pagmamalaki din ni Vilma, masaya sa kabuuan ng pelikula na alam niyang pinagtrabahuhan at pinaghirapan ng lahat.
“We’re very, very happy. It’s a very simple but beautiful love story. Yung mga eksenang kinunan, yun ang naging problema. Yung mga eksenang kinunan naming, napakarami.
“Nung na-edit na, lumabas two hours and twenty minutes, tapos kailangang gawing two hours, nakakalungkot na ang daming tatanggalin.
“Pag nagtanggal ka, may mga scenes na magsa-suffer. Doon ako nalulungkot.
“Sabi ko, sana ma-edit nang tama kasi minsan ang ganda ng eksena. But I think nagawan nila ng paraan na hindi na nag-suffer ang mga magagandang scenes.”
VILMA LOOKS FORWARD TO THIS YEAR’S MMFF PARADE
Excited at nilu-look forward din ng Star For All Seasons ang yearly parade na isa sa mga activity ng lahat ng official entries ng Metro Manila Film Festival.
“We’re all excited. It’s been a while. Ano ba ang last ko na MMFF? Mano Po, ilang years na ba yun?
“Excited kami, kanina nga nag-uusap-usap kami, ‘O, maglagay tayo ng tabing, baka masyadong mainit.’ Yun na ang pinag-uusapan naming, which means we are prepared for that.
“Saka nae-excite kami kasi makikita na naman namin yung mga tao nang personalan, kakaway ka na naman uli.”