Who is Annabelle Rama alluding to in “Devil Woman, makamandag, manipulative, BEST LIAR” post?

May bagong pasaring na naman si Annabelle Rama laban sa hindi niya pinangalanang “devil woman.”

Para raw mahulaan ng mga “marites” o mga tsismosa kung sino ang tinutukoy niya, nirekomenda nitong paanoorin ang Hollywood movie na Gone Girl, tampok sina Ben Affleck at Rosamund Pike, para mahulaan kung sino ang “devil woman” na tinutukoy niya.

Annabelle Rama new cryptic post about "devil woman"

Ang Gone Girl ay tungkol sa isang misis na pineke ng kanyang murder at gumawa ng scheme para mapagbintangan ang mister niya sa krimen.

Buong post ni Annabelle, “Devil Woman, makamandag, manipulative, BEST LIAR.

“Please watch Gone Girl sa netflix, makita nyo ang leading lady ni Ben Affleck. I watched it 3 times. Hulaan nyo kung sino ang tinutukoy kung babae na DEVIL WOMAN”

Nitong nakaraang December 8, may pasaring ang ama ni Sarah Lahbati sa isang taong hindi rin nito pinangalanan.

Sabi ni Abdel Lahbati, “Enjoying every moment with family. The convoy keeps going and don’t mind dogs barking [flexed biceps emoji]”

Annabelle Rama claims she's innocent about Richard-Sarah breakup | PEP.ph

Hula ng mga netizens, si Annabelle ang kanyang pinatatamaan.

Si Annabelle ang tila mismong nagkumpirma sa isang interview na may pinagdadaanan ngayon ang pagsasama ng anak na si Richard Gutierrez at asawa nitong si Sarah.

Pero may pasaring din ang celebrity mom na tila nagwawaldas ng pera si Sarah habang ang anak niyang si Richard ay kayod nang kayod.

Sabi pa ni Annabelle sa isang post sa social media, ayaw niyang maghiwalay ang dalawa dahil mahal niya ang kanyang mga apo.

Wala pang direktang sagot si Sarah tungkol dito.

Umiwas naman si Sarah na sagutin ang mga tricky question ng showbiz press sa story conference ng Lumuhod Ka Sa Lupa na ginanap noong Sabado, Disyembre 9, 2023.